Chapter 4 Confusing Messages

13 1 0
                                    

Next day, same routine, after breakfast naglinis muna ako ng bahay sandali bago naligo and nagprepare para sa work ko today, kahit naman work from home lang ako dapat  presentable pa din ako pag nagtuturo sa mga student ko

" message recieved" 6,000 pesos just transferred to my gcash, ah oo nga pala 15th of the month ngayon, every 15th and 30th kasi papasok sa gcash ko yong sweldo ko, bale 12 thousand monthly, malaking tulong na to sa amin nila lolo at lola, at least ngayon kahit papaano medyo maluwag na kami, nakakabigay na ako kila lola ng tulong sa budget monthly at the same nakaka ipon na din kahit konte and ako na ang gumagastos sa personal needs ko, pero syempre nangangarap pa din ako na magturo talaga sa actual school, sa harap ng mga estudyante ko, doon mas mataas ang chance ng growth sa carreer ko.

Bedtime na kaya ichecheck ko na ulit tong facebook ko

16 messages, 28 notifications, mostly ng messages eh from friends ko nong college nangungumusta, 2 messages from nathan ulit

Mesg frm nathan: how's your day? Any update yet? Makakaattend ka ba?

2nd message from nathan: oh please say yes 🙏

" haha ang loko, pinagtitripan ba ako nito? Syempre naman sa itsura nya na yon, sa status nya sa buhay and based sa mga post nya mukha namang marami syang friends, impossible naman napakaimportante ko na umattend sa birthday nya eh kelan lang kami nagkakilala and very brief pa, as in ni hindi nga kami nagusap except sa nagsabihan kami ng name and tinanong nya kung may facebook ako, ay naku ayokong masyado magassume sa messages mo, baka friendly ka lang talaga and lahat eh gusto mong maging friends

"cielo apo, nandito si ashley hinahanap ka" tawag ni lola

Anong ginagawa nitong bestfriend ko dito eh gabi na?

" cge po lola pakisabi po pasok na lang sya dito sa kwarto ko"

" hoy bruha 8 pm pa lang matutulog ka na? Bungad ni ashley pagpasok ng kwarto habang kumakain ng chips

" hindi ano ka ba, nagfefacebook lang ako, wala kasing magandang palabas sa tv kaya dito na muna ako sa room, o bakit ka nga pala nandito? "sagot ko

" girl nabasa mo ba yong post ni camille? Ikakasal na pala sila ni ricky? Isipin mo yon 2 months buntis na pala si bruha kaya nakapagdecide daw yong mga parents nila na ipakasal na sila" grabe no? Kung sinagot mo siguro si ricky baka kayo ang ikakasal ngayon. "

" talaga? Hindi ko alam kasi hindi ko naman binabasa mga post nila, alam mo naman ako hindi naman talaga ako mahilig magfacebook" saka ano ka ba, bakit sinasangkot mo nanaman ako don kay ricky eh di ba nga sabi ko sayo wala pa sa isip ko yang pagboboyfriend, masaya lang akong single, NBSB, ayoko yata na matulad sa mga classmates natin na ang complicated ng life dahil sa relationship, tapos ikaw di ba nong naging boyfriend mo si andrew o di ba lagi ka din iyak ng iyak pag may misunderstandings kayo tapos after 7 months lang hiwalay na kayo, di ba ilang months din na wala akong ginawa kundi makinig sa paulit ulit mong sama ng loob sa kanya, bestie ayoko maranasan yon, parang ang gulo gulo pag may boyfriend, at least ako ngayon masaya lang ako kasama sila lolo at lola saka ikaw na bestfriend ko sapat na, simple life. sagot ko sa kanya habang nakikikain na din ng chips na dala nya

"ano ka ba hindi naman pwedeng hindi ka magkakaboyfriend, syempre gusto mo rin naman sigurong magkapamilya no, eh paano ka magkakaron ng sarili mong family kung di ka magboboyfriend gaga, saka hindi naman lahat ng relationship magulo, depende lang yon sa magiging boyfriend mo and sayo, naku wag mo ng ipaalala sa kin yang andrew na yan at baka masira pa gabi ko, patingin nga facebook mo" sabay agaw sa cellphone ko

" ano ka ba facebook ko yan" habang pinipilit ko din kunin ang phone ko sa kanya

" nathan ramirez? Sino to girl? Bakit hindi ko sya kilala, bakit di mo sya kinukwento sa kin? Nagsisecret ka na! Pairap na sabi sa kin ni ashley habang binabasa yong mga messages ni nathan

" sira, nakilala ko lang sya don sa pinagapplyan natin sa makati, ni hindi ko nga nakausap yan eh, tinanong lang nya ung name ko tapos kung may facebook daw ako, pero ganon lang yon ano ka ba, wag mo seryosohin yan feeling close lang yan magmessage, sagot ko kay ashley habang kinakain yong chips na dala nya na hinayaan nya na sa kin kasi busy sya kakabasa ng messages ni nathan

" girl ang gwapo, mukhang mayaman, mukhang ang tangkad, fafalicious naman nito" pacute na sabi ni ashley habang binabrowse mga pictures ni nathan

" see, o di ba nakita mo na, tingin mo ba magkakagusto sa kin yan? Nakikipagkaibigan lang yan, nagiinvite lang kasi birthday daw nya sa saturday, as if papayagan naman tayo ni lola at mama mo eh gabi pa yan saka sa makati pa, saka tingnan mo nga yong mga friends nya and status nya sa buhay, baka ma out of place lang tayo don pag pumunta tayo, saka bakit tayo aattend eh di naman talaga natin sila kakilala" sagot ko kay ashley

" gaga, mukhang like ka nito ciel, kaya nga yon dapat ang isipin mo, if di ka nya like bakit sya magaaksaya ng time para imessage ka ng mga ganito and pilitin ka umattend ng birthday nya, sige nga isipin mo yon?
" saka girl tingnan mo naman to sobrang hot" paarteng sabi ni ashley habang tinititigan yong profile picture ni nathan

" ay naku attend tayo ipagpapaalam kita kila lolo at lola, isasama ko pa si mama na tulungan tayo iconvince sila lola para payagan ka, nabasa ko pa willing ka daw sunduin,siguro naman bestie walang masamang intention sayo to no, unang una real account nya to, tapos mukhang matinong tao naman, ipakilala natin kila lolo at lola pag sundo nya sa atin dito, pangungulit ni ashley habang palipat lipat ang tingin sa akin at sa profile picture ni nathan habang pakuyakuyakoy ang mga paa habang nakadapa sa bed ko

" ano ka ba, ayoko umattend nakakaalangan, saka hindi natin kakilala mga tao don, sya lang kilala ko tapos literally di ko pa talaga kakilala" sagot ko kay ashley

" papuntahin natin sya dito before lunch sa saturday, sabihin mo dito na sya maglunch sa inyo para makilala natin sya pati na sila lolo at lola, then pag mukhang okay naman, saka tayo magpaalam na aattend tayo ng birthday nya, o ano deal?" pangungulit ni ashley

" ah ewan ko sayo ash, ang kulit mo. Ewan ko pagiisipan ko pa anyway thursday pa lang naman" sagot ko kay ashley na ngayon eh may tinatype sa phone ko

" message sent" sabay click ni ashley sa phone ko

" anong message sent" tanong ko kay ashley habang inaagaw sa kanya ang cellphone  ko

Natulala pa ko ng mabasa ko yong sinend nyang message kay nathan, hindi ko alam kung matutuwa ba ko or maiinis ako kay ashley, eto ang sinend nya
" I would like to attend your birthday on saturday, but in 1 condition, be here before lunch time so that I could introduce you first to my grandparents and to my bestfriend, I hope you like chicken adobo and kare-kare for lunch"

nak ng tokwa to si ashley talagang nagdecide na magisa at pati menu namin sa lunch time pinakialaman pa, gaga talaga tong sira kong bestfriend na to

" wala ng bawian, ako na magdadala ng ingredients para sa chicken adobo and kare-kare sasabihin ko kay lola naty na lutuin nya dahil may bisita ka sa saturday lunch" excited na sabi ni ashley sabay labas ng kwarto ko

" lola naty, may bibisita po kay cielo sa saturday dito daw po maglalunch, okay lang daw po ba"? Sabi ni ashley habang papalapit kay lolo at lola

" eh sino ba bibisita sa sabado?" tanong ni lolo

" manliligaw po ni cielo lolo" sabi ni ashley habang pinapakita yong phone ko kay lolo at lola

" hoy, ashley" lolo wag po kayo maniwala, nakilala ko lang po yon nong nagapply kami sa makati" sabay batok ko kay ashley, gaga talaga tong bestfriend ko

" aray! Oa na sigaw ni ashley, lola o, nagsasabi naman ako ng totoo binatukan pa ko" parang batang pasumbong na sabi ni ashley

" o eh maganda nga yon kung dadalaw dito kung liligawan ka cielo, kesa naman katulad ng iba na sa text na lang nanliligaw

pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon