3 pm na ng ihatid ako ni nathan pero 6 pm na kami nakarating sa bahay, pagkahatid nya sa kin eh nagpaalam na din agad sya kila lola na uuwi na sya. Habang papaalis ang kotse ni nathan eh narealize ko na inlove na talaga ako sa kanya, gusto ko lahat tungkol sa kanya pati family nya eh nagustuhan ko na din lalo na si ellie na sa tingin ko pwede kong maging kaibiganNaging smooth sailing ang relationship namin ni nathan, monday to friday nagtetext lang sya lagi and tumatawag at nagkukwento ng araw nya, napaka sweet nya, tuwing saturday and sunday naman hindi sya pumapalya na puntahan ako dito sa bulacan morning sya darating at gabi na uuwi, minsan naman inaaya nya ako magdate, at minsan din eh isinasama namin sila lolo at lola na mamasyal, minsan din kasama namin sila ashley at si echo sa double date namin.
" bestie 1st year anniversary nyo na ni nathan sa saturday, san kayo magdedate?" tanong ni ashley habang hawak hawak ang cellphone nya at tinititigan ang mga picture nila ni echo sa batanggas nong nagbeach sila last week
" hindi ko pa alam eh, samahan mo nga ako bukas sa sm north bibili ako ng gift"
" sige punta ako dito 2 pm pagtapos ng teachings session ko" sagot ni ashley habang tuloy tuloy ang pagbrowse ng pictures nila ni echo
Sa dami ng pwedeng igift sa boyfriend eh hindi ko alam kung anong pipiliin ko, perfume ba, wallet ba, socks ba? Tingin dito tingin doon, dampot ng item then balik ulit sa rack, minsan niloloko na nga ako ni ashley na baka daw sa final choice ko e underwear for men ang kunin ko sabay tatawa ng tatawa at ipapakita sa akin yung 3in1 na undies ng lalake.
Keychain na may nakaengrave na i love you sa gitna ang nabili kong gift kay nathan, naisip ko na at least tuwing gagamitin nya yong keys nya eh makikita nya yong gift ko and mareremember nya na love ko sya, o di ba perfect?
" hello, ashley"
" oh bestie napatawag ka?
" tingin mo kaya magugustuhan nya tong gift ko?
" oo naman ang cute kaya"
" sige ash, bye bestie, thanks ulit sa pagsama mo sa akin kanina ha"
" no prob best, anytime!"
Inilabas ko yung gift wrapper na nabili ko, dark blue ang color na may line na silver at maliliit na sulat ng i love you na nakaembossed, bago ko iwrap ay tiningnan ko pa ulit ito at sinalat yung engrave na i love you sa center, para akong sira dahil kiniss ko muna ang Keychain bago ko ibinalik sa box at tuluyang balutin.
Nahiga na ako sa kama, habang nagpapantok ay nakinig ako ng music, ang sarap talagang makinig ng love song lalo na kung in love ka isip isip ko, mga ilang minutes lang eh nagdecide na ako na matulog na, syempre anniversary namin bukas, gusto ko fresh at well rested ang itsura ko pag dumating sya.
BINABASA MO ANG
pangarap lang kita
RomanceHello readers I'm Agnes, nice to meet you! this is my first story, I am not a writer just to clarify, I'm doing this in my free time for fun, there must be a grammar error or spelling error, sorry for that, auto-correct is a bitch! 😒 Welcome to t...