Chapter 2 Friend Request

18 2 0
                                    

Habang hinihintay ko si ashley nakita  ko si nathan na dumaan sa labas ng coffee shop na may kasamang older woman, on her mid 40's siguro sa tantya ko, sosyal ung babae na kahit may edad na eh makikita mo pa din yong taglay na ganda, napansin ko rin na matangkad pala si nathan, siguro mga 5"11 to 6" ang height nya, infairness gwapo pala sya, may hawig sya kay paolo avelino, maganda din ang tindig nya, sinusundan ko ng tingin sila Nathan ng bigla nanaman ako tinapik ni ashley

"bestie kumukota ka na ha, since this morning lagi ka na lang out of space out of reach para kang nasa other world, laging ang lalim ng iniisip mo, tapos ngayon kung sino sino naman nililingon mo, sabi ni ashley sabay tawa

" ang kulit mo" sabi ko sabay tawa din

"so kumusta interview mo?

" okay naman nakakakaba, lalo na puro english pa naman lahat ng tanong sa kin, naubos yata lahat ng imbak kong engling bestie, parang ang sungit pa nong naginterview sa kin, ni hindi ngumingiti tapos nong tapos na ung interview sabi lang" we will call you, thank you" sabay sabi " next" haha kaloka girl
" ikaw, musta interview mo?

" okay naman, yon din sabi tatawagan daw ako" anyway bestie nagdadalawang isip din ako eh, kasi pag natanggap tayo dito sa makati kelangan natin magrent ng room na malapit dito kasi ang hirap naman kung magtatravel tayo everyday galing bulacan to here, naisip ko maiiwan sila lolo at lola don, ako na nga lang kasama nila aalis pa ko, mamimiss ko sila tapos lagi lang ako magwoworry, kaya bigla ako parang nagdadalawang isip"paliwanag ko kay ashley

" ano ka ba naman bestie for 1 week excited tayo na magwork dito tapos ngayon na tapos na tayo nainterview saka ka nagdadalawang isip, pero kung sabagay tama ka din naman, ayaw ko naman na hindi ka masaya pag dito tayo nagwork, basta kung san ka gusto ko don din ako, bestfriend tayo di ba? " sabay pacute na sabi ni ashley

Eto talaga ang gusto ko dito sa bestfriend ko, parang sya na nga ang tinuring kong kapatid kasi hindi naman ako close kay ate casie at kuya oliver, siguro dahil medyo malayo ang agwat namin sa edad kaya si ate cassie at kuya oliver ang magkasundo at ako parang wala lang

" o ano bestie uwi na tayo ?"

" cge" sabi ko sabay tayo

6 pm na kami nakarating ng bulacan, naghiwalay na kami ni ashley at dumiretso na ko umuwi habang sya eh ganon din, papasok pa lang ako ng bahay eh naaamoy ko na yong niluluto ni lola, adobong chicken, yon ang palaging niluluto ni lola  dahil alam nyang paborito ko, kay lola na yata ang pinakamasarap na adobo chicken na natikman ko, actually lahat naman ng lutuin ni lola masarap, kahit pa nga simpleng ginisang gulay lang masarap talaga, naisip ko siguro dahil may sangkap na pagmamahal, sabi nga nila.

" o dumating ka na pala? Sabi ni lolo, nandon sa kusina ang lola mo at nagluluto"

"opo, naamoy ko nga po ang sarap ng amoy adobo" sabay mano kay lolo, " magpapalit po muna ako ng damit lo" sabay pasok sa kwarto ko

Pagtapos magbihis at magrefresh eh pinuntahan ko n si lola sa kitchen, " mano po, ang sarap naman nyan la"

"syempre naman, paborito mo yan eh" sige maghain ka na at kakain na tayo, bumili kami ng lolo mo ng buko sa kanto kaya may pinalamig akong buko juice dyan sa ref kunin mo din" sabi ni lola sabay labas para ayain si lolo na kumain

Eto ang nagustuhan ko sa grandparents ko,
Kahit pareho na silang matanda eh parang hindi sila makakakain ng hindi magkasabay, siguro dahil makikita na mahal na mahal nila ang isat isa, si lolo kasi hindi umiimik pag naggagalit sa kanya si lola, pag natapos ng magalit si lola sasabihin lang ni lolo " eto talagang si naty hanggang ngayon matampuhin pa din" sabay halik sa noo ni lola, hindi kagaya nila mama at papa na nagsisigawan pag nagaaway dati, minsan pa nagmumurahan tapos hindi maguusap ng ilang araw.

pangarap lang kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon