Monday to friday tinatawagan ako ni nathan twice a day and nagtetext din minsan, mahilig syang magkwento ng nangyayari sa buong araw nya, na para bang feeling nya eh girlfriend nya ko na kelangan nyang magreport ng mga ginagawa nya sa buong araw, pero ni hindi man lang nagsasabi kung nililigawan nya ba ako or ano ba? Nakakatakot kasi magassume no, di ko alam kung ano ba talaga ang iisipin ko
Si ashley naman eh everyday din ako inaasar, hopyang hopya na tong bestfriend ko na magkakaboyfriend na ako, na pati sila lolo at lola eh inaassume na nanliligaw na si nathan
Ako syempre hoping din ako, pero sinabi ko kasi sa sarili ko na ayaw ko magassume at itaas ang hopes ko kasi ayoko na masaktan ako, for sure kasi kahit papano masasaktan ako pag di naman pala itutuloy ni nathan na ligawan ako, gusto ko muna makasigurado, saka gusto kong makilala pa syang mabuti bago ako umasa
" cielo apo, sabado na bukas, anong oras daw ba pupunta si nathan?" tanong ni lola
" before lunch daw po lola nandito na sya" sagot ko
" o cge at ibebake ko na yong eggpie mamaya para bukas eh ready na, si lolo mo magiihaw daw ng bangus saka liempo para sa lunch bukas"
" salamat po lola at lolo pero sobra naman po yata yon, eh dadalaw lang naman po yong tao"
" gusto din daw kasing kumain ng inihaw na isda ng lolo mo, at magiihaw din yata sya ng talong at okra, namimiss na daw nyang kumain non, eh mabuti daw at may ibang kakain na kasabay natin, hayaan mo na yang lolo mo at bihira naman yan magrequest ng inihaw" paliwanag ni lola
" sige po la, salamat po ulit"
Araw ng saturday, 10 am pa lang nandito na si ashley, tutulungan daw nya magihaw si lolo, kaya hinayaan ko na sila, habang ako eh tinatapos na tong paglilinis ko ng bahay, mamaya magreready na din ako para mukha naman akong presentable
Pagtapos kong naligo nagbihis na ako, medyo nageffort ako ngayon, sinuot ko tong bagong bili kong dress, off white ang color na hanggang above the knee, off shoulder na may tali sa bandang bewang, nacutan lang ako nong binili ko, tapos tinernuhan ko ng blue string sandals, as usual pinony ko ulit ang buhok ko, sabi kasi ni lola bagay daw sa akin ung nakapony kasi nakikita yong hugis ng mukha ko, saka mas gusto ko din para presko, lalo na ngayon summer. Naglagay ako ng konteng pulbos, konteng blush on pero yung natural lang, and konteng pink lipstick na pinaibabawan ko ng lipgloss, okay na ko sa ganitong itsura, simple lang lagi, ayoko nong kagaya ng nakikita kong ibang babae na ang kapal magmake up tapos laging nakared lipstick, dito ako comfortable eh.
11am pa lang dumating na si nathan, kasama nya ang bestfriend nya si echo, kagaya din nya gwapo pero mas maliit lang si echo, parang sa tantya ko eh 5"8 lang ang height, may pagkastocky ang katawan mukhang laging nasa gym, pati personality eh iba kay nathan, kasi makwento si echo, medyo madaldal kumbaga, kaya nga mukhang nagjive agad sila ni ashley, wala silang tigil sa pagkukwentuhan habang tinutulungan si lolo na tapusin yong iniihaw nyang bangus, kami naman ni nathan eh nasa terrace lang naguusap habang pinapanood sila lolo na nagiihaw.
" cielo, pwede bang magtanong"?
" oo naman, ano ba yon?
" pwede ba kitang ligawan"
Anak ng putakte, muntik nang lumukso tong kaluluwa ko, bigla bigla na lang kasi nagtatanong ng ganon eh yon pa naman ang hinihintay ko, wala man lang pasubali???
" manliligaw ka? Eh nasa yo naman yon kung manliligaw ka pero wala akong pinapangako na sasagutin kita ha?" sagot ko sa kanya habang nagpapaypay
paano akong hindi mapapapaypay eh para akong sinisilaban sa init, yong puso ko ang bilis ng tibok, naisip ko tuloy kung di ba nya naririnig? Omg! Please help, sana mapangatawanan ko tong pagpapakademure ko
BINABASA MO ANG
pangarap lang kita
Lãng mạnHello readers I'm Agnes, nice to meet you! this is my first story, I am not a writer just to clarify, I'm doing this in my free time for fun, there must be a grammar error or spelling error, sorry for that, auto-correct is a bitch! 😒 Welcome to t...