KABANATA 4

227 17 0
                                    

[Pagpapatuloy]

Gabi ng makauwi ako sa bahay. Dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at  isinearch ang nangyari sa kaniya 2 years ago na halos nagpalumo sa akin ng sobra. Ang pangyayaring iyon, ang pagkamatay ni Papa. Lahat iyon ay konektado sa kaniya. Wala akong maalala 2 years ago. Ang sabi ni Mama ay namatay si Papa dahil sa sakit pero iba ang nakasulat na balita sa internet. Ibang iba ang kwentong sinabi sa akin ni Mama.

"A-Anak" Napatingin ako kay Mama habang hindi matigil sa pag agos ang luha ko

Bakit? Bakit kailangan mangyari ang bagay na ito?. Ito ba ang kabayaran sa nagawa ko?. Kaya ba nangyari sa akin ito para maging sign ng karma ko?. Bakit siya pa?. Bakit ako pa!

"Ma"

"Paano mo nalaman ang pangayaring iyan?" Umiiyak na din si Mama
"Paano mo nalaman ang pangyayaring iyan?" Muling tanong niya pero nananatili akong tahimik. Bakit?..Bakit ikaw pa?.
"Paano mo nalaman ang bagay na iyan?" Galit na  ang tono ng boses niya. Tumingin ako ng deretso sa mata ni Mama

"A-Anong nangyari 2 years ago Ma?" Hindi na  matigil sa pag agos ang luha ko. Umiwas siya ng tingin at nananatili siyang tahimik.
"Ma, please litong lito na ako. Napakaraming tanong sa isip ko na hindi ko masagot sagot" Nagmamakaawa ng saad ko kay Mama. Pinunasan ni Mama ang sariling luha niya at nagsimulang magkwento.

"S-Sa probinsya, nag bakasyon tayo sa probinsya 2 years ago. Junior High School ka palang, it was your birthday. I-Isinama ka ng Papa mo s-sa bayan. Sinabi ko sa kaniyang m-magtagal kayo dahil m-may surprise k-kami sa i-iyo. Hindi ko alam na n-nagpaturo ka p-pala sa Papa mo nuong magmaneho ng kotse hanggang sa........m-may mabangga kayo. Y-Your Papa died beacause of accident while you are in a coma for almost 5 months"

Napapailing ako sa bawat katagang lumalabas sa bibig ni Mama. Bakit wala akong maalala sa pangyayaring iyon

"N-Nagkaroon ka ng amnesia kaya wala kang maalala. N-Nakiusap din ako sa mga kabigan mo na huwag sabihin sa iyo ang nangyari for your fully recovery." Umiiiyak na anya ni Mama

Hindi....Panaginip lang ito..Oo panaginip lang  ito. Pero si Zaimir, yung tungkol kay Zaimir

"Y-Yung n-nabundol  namin ni P-Papa totoo b-bang napatay ko s-siya"  Nanginginig ako at hindi na ako makahinga sa nangyayari. Tumango lang si Mama. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak.

"I'm sorry anak kung hindi ko sinabi sa iyo, I'm sorry" Naapapailing lang ako ng yakapin ako ni Mama. " Patawarin mo si Mama" Tumingin ako sa labas ng bintana para pigilan ang pag iyak ko. Dumako ang paningin ko sa isang constellation.

Kung totoong tinutupad ng constellation ang kahilingan ng may kaarawan ngayun. Hinihiling ko sana ibalik ako sa nakaraan para mabago ko ang naging mapait kong kapalaran.

Narra.....Narra....

Napabangon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napatingin ako sa paligid at sa katawan ko. Nandito ako sa katawan ko pero bumalik ako sa nakaraan. Mabilis kong ibinukas ang bintana at bumungad sa akin ang  napakagandang tanawin. Napatingin ako sa kalendaryo. February 9, 2020.

"Narra, gusto mong sumama? Mamimingwit kami ng isda sa ilog" Napatingin ako sa nagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Papa habang nakabihis ng pang bukid. Agad akong tumayo at niyakap siya. Muli ay umiiyak nanaman ako.
"Anong masakit sa iyo? Bakit umiiyak ka?" May pag aalala sa boses na saad niya.
"Hayss, ang baby ko umiiyak" Napapailing na saad ni Papa atsaka ako nito niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit.

Itatama ko ang mga pangyayaring ito. Sisiguraduhin kong mabubuhay kayong dalawa ni Papa.

"Bumaba ka nalang, nanduon ang mama mo at nagluluto" Tumango ako. Bukas, bukas magaganap ang trahedyang iyon.

Lost Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon