Chapter 2
Nakakapagod maglinis. Grabe si Sir. Tandaan niyo simula ngayon hindi na ako papasok ng maaga. npapaglinis lang ako.
mga 7:45 at dumating naman si Noemi. Mukang Inis na inis yung itsura niya.
"Nako! Walanjong lalaki nayon!"inis na inis na bungad sakin ni Noemi.
"Sino nanaman ba nakaaway mo?"Nangingiti kong tanong sakanya,
"Yung lalaki don sa office! Mukhang matino! gwapo pamo kaso napakabwisit ng ugali!"Nakakatawa naman tong babaeng to, npaka-aga may kaaway,
"Kilala mo ba?"Tanong ko sakanya,
"Jeremy daw yung pangalan! Aro, wag lang natin magiging kaklase yun at mapapatay ko!"Tapos nagtawan lang kami. at dumating na si Sir.
Ilang minuto pa ang hinintay namin. Habang nagdadaldalan kami ni Noemi tungkol sa naging boyfriend niyang si Obeng, Isang babaeng... Nerd? ang pumasok ng Classroom. Sabagay mag-e-8am na din naman.
"Hi, Hello! eto po yung SSC GALILEE diba?"Ay hindi niya kaya nakita yung nasa harap ng room? Nsa taas ng pinto.
"Opo."Magalang na sagot naman ni Noemi,
"Hi! Heeeelow. Jaz, Ikaw?"Para hindi na humaba ang usapan pa, nakipagkilala na ko.
"I'm Alona Mae.. Nice meeting you po, ikaw?"Sabay tingin sa direskyon ni Noemi nang nakangiti,
"Noemi po."Nice. Pangalawang kakilala na to! HAhaha.
Makikipagkwentuhan na dapt kami ni Noemi, nang maglabas siya ng BOOK. Okay! Siya na mahilig magbasa, Kaya nagkatinginan na lang kami ni Noemi. WAlang bsagan ng trip.
Ilang minuto lang kami ngkwentuhan ni Noemi, tapos nagpaalam muna sha saking matutulog daw siya., Wow ah? matutulog? nasa school, ang weird niya talaga. pero masarap namang kasama,
Tapos nagtanga na lang ako. nakatingin sa bintana, naghihintay ng mga classmate na dadating.
May tatlong lalaking pumasok. at dahil nga, hindi ko pa sila kilala hindi ko sila pinansin, yung isa, parang hindi seryoso sa buhay, nakangiti siya ng wala namang nginingitian samantalang yung mga kasama niya mukhang badtrip. and I heard one of them calling him Paolo.Hindi bagay sa personality niya yung Name niya,
Tapos bigla na lang silang umupo. Madaming upuan pero pinagawayan pa nila yung isa.
Describe ko muna ha? Yung Isa nga si Paolo, tapos yung isa.... Ano we.. Makapal yung Kilay? Tapos Hindi naman ganun kgwapuhan, tinabihan niya si ALona habang nagbabasa, tapos naglabas siya ng Cellphone, At waring may binabasa.
Yung last naman.. Yea, I Admit Gwapo naman siya kaso maitim! HAHA! Pero, hmm. Parang tahimik tong lalaking to ah, at nakita ko sa damit niya ang pangalan niya ay Edison.
Ilang minuto na yung dumaan at sunod sunod naman ang pagdating ng mga bagong kaklase ko. May isang Fat girl pero cute siya infairness ang pumasok, Naka Headphones siya tapos may dala dalang Ipad. Mayaman itey! tapos tiningnan niya ako, saka sha nagsmile. And I saw her name plate. her name was Isaiah.
Hatid ng kanyang mommy, isang lalaking mukhang Jambo ang dumating. Nako, mukhang mama's boy ah?
"Iiih! Mama, wag mo nga akong iiwan, dyan ka lang sa labas. hintayin mo kong lumabas. natatakot ako!" Koraaaaak akesh, mama's boy nga si Jambs, (Eh hindi ko pa alam yung name niya eh,) Naaalala ko nung Kinder ako. Ganyan din ako. Hahaha! Pero that was more than 10 years ago. at hindi na ko ganyan ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/4077707-288-k44821.jpg)
BINABASA MO ANG
Klasrum :)
Подростковая литератураBonggang bonggang mga personalities galing sa iba't ibang uri ng tao na pinagsama sama ng tadhana sa iisang lugar! :D Ano kayang mangyayari? This is a story of People who found love, happiness and friendship in one classroom. Ito ay kwentong may mat...