(A/N: Beginner po ako. ^^ Hope you'll like this story.
Chapter 1.5
* First Friend :)
.
.
.
.
.
.
Gising na! Gising na! Gising na! Gising---!
Nako. 5am pala si-net ni Mommy yung Alarm ko. Nakakairita pa ang tunog ng Cellphone niya. Oo talagang yan nga yung tunog niya. Para manok na naging kambing.
Oo alam ko, first day of classes ngayon. Diba kahit ma-late ka, okay lang naman? Kasi hindi naman agad magka-klase noh.. Graaaaaah!
Ibang tao nanaman ang makakasalamuha ko mamaya. Oh, god. Feeling ko e minamagnet ako ng bed kong queen size sa laki.
.
.
.
Pero dahil sa napaka gandang voice ni mommy, bumangon na ako tapos naligo. Nagbihis at gumayak na. at dahil public lang ang school ko ngayon 8 pa ang pasok namin. 6:30am pa lang pero tapos na akong gumayak! Kumusta naman yun? Oshaa. Kakain muna ako at na-iistress ako kay mom.
As usual, lagi namang ham and bread lang ang breakfast ko. Pagtapos kong kumain. Nag-fb lang ako. I checked my account. Grabe nakakainis sa Facebook. Puro ka-emohan ang mga shini-share!
“huhuhu cupcake ko, Vahleekan mo n ko plzs nangungulila na ako saiyo….”
Then who the heck is Ismael Dela Cruz? Umagang umaga ganon ang pino-post sa status niya! Ay, tao talaga. Parang ang sama sama ng Diyos sa kanila. Kahit hindi naman!
“Jaaaaz! Hatid ka na ni daddy. Faster!”
Wow ah? Ihahatid na ko? 7:00 am pa lang? Excited pa sila daddy sakin pumasok sa School.. Alululu, deds na.
Kinuha ko na lang yung ipod ko tapos sumakay na ko sa single. Bongga. Masisira na yung ayos ng buhok ko. Since malapit lang ang school, within 5minutes nakarating na kami. Nag-kiss lang ako kay Dad tapos umalis na siya.
Okay, nandito ako ngayon sa main gate kung saan masarap pang natutulog yung guard sa guard house. Ayos ah. Napaka bait na guard. Umupo na lang ako sa waiting shed sa tapat ng gate.
Then, I saw a girl who’s fixing her… anung tawag dun? ----- Bilao! Yeah. Siguro estudyante to. Mukhang bata pa kasi at kaedaran ko lang. maya-maya, bigla siyang nawala sa paningin ko..
Ay, fine. Nakinig na lang ako ng music. Medyo naaliw ako kay Yiruma. Namalayan kong may tumatapik sakin. The girl, yung nakita ko kanina. Naka damit pang estudyante na rin siya.
“Uhm, Uy Miss, kasali po ba kayo sa ‘Walk for a cause’? :D
(Tapang pala ng hiya neto, basta na lang ako kinausap :D Napansin niyang medyo nagpout ako kaya ngumiti siya..)
“ay hehe hindi, joke lang po.hinihintay mo yata yung guard na buksan yung gate. Gising napo siya oh.”
Muka naman siyang mabait kaya ngumiti ako sakanya.
“Ah thanks. Student ka dito.right?” Mapag-isyoso kong tanong sa babae.
“oo! Estudyante din ako dito. Tara samahan na kita!” Oooh. So mabait pala siya? Nice. May bago na akong friend. Tumayo na ako. tapos nag-smile ako sakanya saka na kami pumasok.

BINABASA MO ANG
Klasrum :)
Fiksi RemajaBonggang bonggang mga personalities galing sa iba't ibang uri ng tao na pinagsama sama ng tadhana sa iisang lugar! :D Ano kayang mangyayari? This is a story of People who found love, happiness and friendship in one classroom. Ito ay kwentong may mat...