Chapter 6 - Diverse

20 2 0
                                    

“Goodbye, sweety! Mag-ingat ka sa pag-pasok mo, don’t worry about what happened yesterday.” Wala sa sarili na lang akong napatango sa sinabi ni Mama, blanko lang ang naging reaksyon ko at wala sa sarili akong kumikilos.

Kaninang umaga pagkagising ko, narito pa rin ako sa kung anong mundong kinaroroonan ko. Hindi ako pinapasok ng mga magulang ko sa eskuwelahan dahil sa nangyari kahapon pero nagpumilit ako dahil curious na curious ako sa mga nangyayari. Iginayak ko ang sarili ko at ngayon ay pinasakay na ako sa isang kotse upang ihatid sa school.

We even have a car—a car?! The whole house, my own room, the meal I ate earlier, the soap I used while taking a shower, and even the shower! I have it all, I have the heck of a lifestyle that I can only get in my dreams. Pero... hindi panaginip ang lahat ng ito, totoo ang lahat ng ’to and it’s right here before my very eyes!

“Nauna na ang Papa mo sa school because he has some important things to do early this morning, ’di ka na nga namin pinapapasok kasi baka pagod ka pa, are you are about going, sweety? Itong driver muna natin ang maghahatid sa’yo ngayon.” Nakangiting tanong pa ni Mama, hindi pa rin ako tumugon subalit ay ngumiti lang ako.

Akala ko talaga panaginip lang ang lahat ng mga nangyari kahapon, it turns out that it’s all real. Akala ko paggising ko ay okay na ulit ang lahat—na babalik na ulit sa dati ang lahat, pero nandito pa rin ako. Napakaraming pagbabago sa nakagawian kong buhay, I didn’t expect this twist in my life.

Ngayon ko lang din nakita ang buong bahay na tinitirhan namin ngayon, napakalaki talaga. Hindi lang din si Manang Teodora ang kasambahay, marami pa palang mga katulong dito. Ibang-iba sa buhay namin no’ng kailangan pa naming mangutang upang makakayod, hindi ko talaga inaasahan ang lahat ng ’to.

“Okay lang po ako... M-Mama, wala po kayong dapat ipag-alala. Okay na okay na po ako.” Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa nanay ko, ’di ko pa rin sure kung ano bang dapat kong gawin o kung kakausapin ko ba sila ng Papa ko dahil ibang-iba sila sa kinagawian kong mga magulang.

“Then it’s okay, sweety, that’s all I have to know. Kung ’di mo kaya, umuwi ka na lang. Wala naman nang klase kaya open gate na rin ang school. Tumawag ka lang sa ’kin at ipapasundo kita.” Bilin pa ni Mama sa ’kin, tango na lang naman ang itinugon ko.

Kalaunan ay umandar ang kotse. Unang beses kong nakasakay sa gan’tong klaseng sasakyan kaya bahagya akong nabighani sa pakiramdam, ganito pala ang feeling ng mga mayayaman. Ganito pala ang palagiang nararanasan ng mga classmates ko sa Saint Anthony’s tuwing ihinahatid sila sa umaga.

Tahimik lang ako sa buong biyahe dahil malayo ang tinatahak ng sasakyan. Unlike our home back then ay mas malayo ang bahay namin ngayon sa school. Hindi ko ine-expect na aabot ng halos ten minutes ang biyahe namin dahil may kalayuan ang distansiya ng school sa tahanan namin, dati kasi ay walking-distance lang ang layo no’n sa school at kaya ko pang lakarin papunta’t pauwi.

Hindi nga nagtagal ay nakarating kami ro’n, hindi ko alam pero ang daming nagbago sa school na ’to. Pagbukas ko pa lang ng pintuan ng kotse ay bumungad na kaagad sa ’kin ang isang masayang atmospera, this is very unlikely to the Saint Anthony’s I know. May ingay nga pero hindi masyadong lively, wala ring naririnig na mga tawa at halakhak dahil bawal ang sobra. Pero ngayon... ibang-iba.

Nang makababa ako ay may sumalubong kaagad sa ’king isang tao, kaagad ko naman itong namukaan dahil siya lang naman ang best friend kong si Armin. Nakapagtataka lang at hindi niya ’ko ginulat ngayon, and how peculiar it is for his style of clothes and his behavior. Something was really off, I can see it in the way he acts and walks towards me.

Dati’y plain uniform lang ang suot niya at napakadaldal niya, ngayo’y nakasuot niya siya ng loose hoodie na nakapatong sa uniform niya. He wears glasses and he has a fine look, parang straight siya pero what the heck?! Nakakabigla lang na makita siya sa pormahang gano’n. The Armin I know would not wear these kind of clothes, he’s not being himself.

15 Days In My ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon