Chapter 22 - Pastries

10 1 0
                                    

Dalawang araw, ’yan na lang ang itatagal ko rito sa mundong ’to. I’m already aware na matatapos na ang mga araw, alam ko na kaunti na lang ang nalalabi kong oras.

Kaunti na lang, kaya lulubus-lubusin ko na ang lahat. I’ll make this three days of mine more memorable than it can be.

“You’re really good at writing stories, you’re just bad at describing it. Thanks to you we’ve got a high score on our assignment, ikaw lang naman halos ’yong gumawa, eh.” Austin laughed as we walk down the hallways of Saint Anthony’s Baguio, katatapos lang ng klase namin sa unang period ng Friday schedule.

“But I’m just really curious. Bakit hindi mo nilagyan ng ending ’yong story? Bakit tinapos mo kaagad do’n sa mga magandang bagay na nangyari sa main character? ’Di ba dapat babalik siya sa reality after fifteen days?” sunod-sunod na nagtanong si Austin.

“Alam mo, hindi ko rin talaga alam kung ano ’yong ending, eh. So I just left it blank, it’s for the readers to think.” Ngiti ko naman, we proceeded to walk down the corridor. 

Phisical Education at Practical Research lang naman ang subjects namin dito ngayong araw kaya kapag katapos ng first period ay p’wede na kaming umuwi.

Ngayon din namin ipi-nass ni Austin yung ginawa naming flash fiction story for our assignment in twenty first century literature—even though I just did most of it alone.

“Oy ’wag ka ngang ano d’yan, ikaw din naman ’yong gumawa sa assignment ko sa General Mathematics kaya quits lang tayo.” Tawa ko rin naman, I just returned the favor since marunong siya sa Mathematics and marunong naman ako sa Literature.

“Also, it’s your fault why I’m not productive enough today. Kalakas ng hilik mo, parang ayaw mong magpatulog, ah.” Nagreklamo ako tungkol sa nangyari sa ’ming dalawa kagabi habang natutulog kami sa kuwarto niya.

Kahit ang totoo’y mahimbing naman talaga ang tulog ko.

Now, I’m starting to feel something when I’m with this version of Austin. Hindi ko alam kung sa’n ’to nagmula, I just felt it right after I felt this sort-of comfort while I’m with him—much to what I’ve felt towards the Austin on the other side.

“Huh, hindi nga ako humihilik, eh. Tahimik kaya ako matulog sabi ni Mom.” Reklamo niya naman.

I was actually joking, I just want to see him react like that.

“Joke lang, actually... I had fun last night. Sana maulit ’yong mga gano’ng overnight natin, ano? And sana next time ay kasama na natin sila Armin at Klarense.” Mungkahi ko, nakita ko naman siyang ngumiti.

Just literally, everything was this state out of the blue. Palagi na kaming magkasama ni Austin, mula umaga hanggang sa hapon ay kami’t kami na. Ngayon ko lang din naisip ito, kung hindi siguro niya ’ko niligtas do’n sa bus incident ay hindi rin kami magiging gan’to ka-close.

Imagine it, I’m hanging out with the person that I like in the other world. In these past days, I have been a subject to Armin and Klarense’s romance that I also wished na sana’y ako rin.

Austin and I are technically just friends as of now, narinig ko na rin sa kan’ya na may nararamdaman siya sa ’kin pero hindi rin nawawala sa isip ko na baka nagkakamali lang pala ako.

“I’m sure that’ll happen, we can choose each other for some projects. Then mag-overnight tayo, how does that sound?” he giggled as he asked.

Napangiti na lang ako, paniguradong hindi ko na mararanasan ’yan dahil dalawang araw na lang at babalik na ’ko sa totoong mundo. At habang palapit nang palapit ay parang ayaw ko nang bumalik sa pinagmulan ko.

15 Days In My ParallelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon