Prologue

6 4 0
                                    


Nasa loob ako ngayon ng sasakyan namin, papunta kami ngayon sa lugar kung saan kami maninirahan ngayon.

Mama told me na lilipat kami sa bago naming bahay dahil nandito si Papa at kailangan niyang manatili dito sa malapit for the sake of our company, we own the Mendez Modeling Company and a few beach resorts here kaya kailangan talaga naming lumipat...

"Cassandra, were here!",,sabi ni Mama at bumaba.Bumaba narin ako ng sasakyan at tinanaw ang malaking bahay na nasa harapan ko ngayon na mapagkakailang sa amin talaga dahil may nakalagay na Mendez Residence...hindi lang ang bahay namin ang malaki dahil kahit ang bahay ng mga kapit bahay namin ay malaki, to think na mukhang village itong tinutuluyan namin...Kinuha ko na ang mga bag at maleta at pumasok sa bahay namin.

***************************

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto ko habang tinatanaw ang mga kabahayan dito, tapat ng kwarto ko ang bahay ng kapitbahay namin at katulad ng kwarto ko may veranda ito at kaharap ang kwarto ko mismo ng may biglang sumulpot na lalaki sa kwartong iyon, nang mapatingin ito sa akin agad akong nagtago sa kurtina na nasa gilid ko lang....

Hindi ko man nasilayan ang mukha ng lalaki na iyon pero sa tingin ang gwapo nun...ay Cassandra wag kang maharot!,sabi ko sa isip ko,,hayy mabuti pang matulog nalang dahil bukas na bukas papasok na ako sa bago kong paaralan kaya Nighty-Night na!

Umagang-umaga palang gising na ako, hindi dahil sa excited ako kundi ayokong malate sa mismong first day ko kaya agad kong ginawa ang dapat na gagawin ko, kinuha ang bag, I.D at ang iba pa at bumaba na...

nakita ko sila mama at papa na nakaupo sa hapagkainan na mukhang nag-aantay sa akin.

"Good Morning Ma, Pa!",, bati ko sa kanila, kiniss sila at umupo na para kumain.Nang matapos akong kumain agad akong nagpaalam sa kanila at nagpahatid sa driver namin sa bago kong paaralan.

******************************

Nasa harapan ako ng isang malaking gate na may nakaukit na 'Emerson International Academy' ang paaralan kung saan ako mag-aaral ngayon, pumasok nako, pinakita ang I.D ko at dumiretso sa room kung saan ako ina-sign ng principal namin...naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko ang classroom namin at thankfully hindi pa nag-s-start ang class namin, pumasok naman agad ako hindi pinansin ang ilang tingin na ipinukol sa akin ng mga kaklase ko at umupo sa upuan kung saan nakalagay ang pangalan ko.

If you're wondering kung bakit may mga pangalan ang mga upuan namin ay dahil sa hindi masyadong pagkakaunawaan daw, yun ang sabi ng isang kaklase ko.Our school is prestigious hindi nakakapasok ang mga estudyanteng walang mga koneksiyon or should we say mga anak ng mga mayayaman na tao, pero hindi ko alam kung bakit dito ako inenroll ni Mama eh sakto lang naman kami at hindi pinakamayaman.

Natigil lang ako sa pag-iisip na pumasok ang adviser namin.

"Hello Everyone! Good Morning, i would like to introduce to you the daughter of the Mendez's who transferred today, Miss?",,sabi ni Ma'am, tumayo nako at pumunta sa harapan, ng nasa harapan nako at nakatingin sa kanila hindi ko ipagkakaila na ang gaganda at ang gwa-gwapo talaga nila, walang laban ang ganda ko sa kanila(Hindi sa pagmamayabang ha?), huminga muna ako ng malalim at sinalubong ang mga tingin....

"Hello Everyone, My name is Cassandra Elysse Mendez, please take care of me!",,pagpapakilala ko at nagbow sa kanila at ngumiti, ngumiti rin naman sila pabalik sa akin at bumalik nako sa upuan ko....


**************************************

Class is Over at marami narin akong naging kaibigan, nalaman ko narin ang iba't-ibang rule dito sa loob ng academy at sumali narin ako ng isang Club na dapat salihan rin ng ibang estudyante at yun ay ang theater club.Nasa may gate ako ng hindi parin dumadating ang driver namin at naisip ko narin na baka traffic o nasiraan ang sasakyan namin kaya sumakay nalang ako ng taxi at bumaba sa harapan ng village gate kung saan ang bahay namin nabibilang...

Tanaw na tanaw ang magagandang bahay rito at magagandang view dahil sa isang bridge na nagsilbing tawiran namin patungo sa mini plaza rito...nakatutok mismo sa isang direction ang mga mata ko na hindi ko namalayan na mabubunggo na ako....

"Aray!",,usal ko...hinimas-himas ko pa ang pwet ko ng may naglahad ng kanyang kamay sa akin, tiningnan ko kung sino at nalaman ko nalang ng dahil sa taong to magbabago ang takbo ng damdamin at ng buhay ko.


Girl_On_A_Shoestring

Are we just Friends? Or Are we More?Where stories live. Discover now