Chapter 2

3 1 0
                                    


Nakahiga ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang hawak ng isang kamay ko ang notebook na laman nito ay mga itinuro ni Ma'am Valdez sa amin.

Pagkatapos ng klase namin kanina, agad akong pumunta sa club namin nagpractice, ng matapos agad akong umuwi dito, baka mapagalitan pa ako ni mama kapag nagpagabi pa ako.

habang nagmuni-muni may narinig akong tunog ng isang gitara...

Nagpapatug-tog na naman siya

Tumayo ako at sinilip ang kwarto ng kaibigan at don, nakita ko siyang nag-s-strum ng gitara habang nakapikit ang dalawang mata...feel na feel niya ah...kumuha ako ng isang pirasong papel, nilukot yun...huminga muna ako ng malalim tsaka kumuha ng lakas at ibinato yun at...BOOM! sapol!

natigilan naman siya at napatingin sa direksyon ko, agad naman akong nagtago sa kurtina at sinilip siya dun...huh?,wala na siya doon? asan na yun?

"Tita Agnes, nandiyan po ba si Sandra?",,teka si Kyle yun ah?

"Oo, nandun sa taas, sa kwarto niya!",,Paktay!

"Sige po, puntahan ko po muna!"

nakarinig na ako ng mga yapak papalapit sa pintuan ko....andiyan na siya!, nagtago ako sa loob ng walk-in closet ko at hindi na gumawa ng ingay...

"Sandra?"

"Elysse?",,narinig ko ang pagsara ng pintuan at ang pagpasok niya sa cr...

"Yah, Cassandra?"

ilang minuto ang lumipas pero walang Kyle na tumawag sa akin..nasaan na kaya yun?, dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at walang Kyle na sumalubong sa akin, baka umuwi na siya...pahiga na ako sa kama ng may naramdaman akong nakahawak sa mga paa ko...

K-kamay!

"Ahhhhhhh!",,sigaw ko habang nagtatalon sa takot , sino yun? wala namang multo sa kwarto ko noon pa ah?

"Booooo0!"

"wahhh!",,sigaw ko at galit na tumingin kay Kyle....OO si Kyle lang naman ang nang takot sa akin, bale higanti niya raw ito dahil sa ginawa ko kanina...

Hindi ko siya nilingon at kinibo...bahala siya jan, manigas siya!

bumaba ako ng kwarto at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain, pagkatapos umupo ako sa sofa at nanuod ng TV...

Habang nanonood, narinig ko ang pagsarado ng isang pintuan na siguradong sa kwarto ko galing at dumaan si Kyle sa likod ko....

"Tita Agnes, uwi po muna ako!",,sabi niya at umalis ng walang paalam, so tampo na siya ngayon?

Oo na nagsisisi na ako sa ginawa kong hindi pamamansin sa kanya at sa ginawang pagbato sa kanya, hindi ko naman siya matiis eh....pinagpatuloy ko nalang ang panunuod ko hanggang sa maisipan kong puntahan siya sa bahay nila.......

****************************************

Nasa harap na ako ng kwarto ni Kyle habang nagdadalawang isip kung papasok ba o hindi na sa huli ay pumasok pa din....

pinihit ko ang doorknob ng kwarto niya at dahan-dahang binuksan yon at bumungad sa akin ang kwarto niya....whoaa ang linis!, nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto hanggang sa napako yun sa taong nakaupo sa harap ng TV......Kyle...

"What are you doing here?",,malamig niyang sabi sa akin...hindi ako sanay na ganito si Kyle, i prefer the kind and energetic Kyle than this colder one....

"Sorry na!",,sabi ko, pero hindi niya ako sinagot at pinukulan ng tingin...ganyan naba ang pagtampo niya sa akin?

"Kyle...sorry na oh!,hindi ako sanay sa Kyle na ganito!"

"Kyle...sorry na!",,pinisil ko ang dalawang pisngi niya at pinaharap ito sa akin....walang emosyon siyang nakatitig sa akin....

"Please?, bati na tayo!",,ani ko pero nakatitig lang siya sa akin, wala na akong magawa kundi tumayo at lumabas dito, ilang hakbang palang ang nagawa ko ng marinig ko ang tawa ng Boybest ko....

"Ahahahahahahahaha grabeh!",,tawa niya habang may pahawak-hawak pa sa tiyan niya...naisahan na naman niya ako....

"argghhh kainis ka!,akala ko galit ka sa akin!",,sabi ko habang may namumuong luha sa mga mata ko na alam kong napansin niya...

"H-hey why are you crying?",,aniya sabay punas ng luha ko at niyakap ako, it's normal to hug my bestfriend lalo na kapag pinagkakatiwalaan mo ang tao na yan...

"Akala ko kasi hindi na tayo magkakabati eh!"

"Magagawa ko ba yon?",,natatawang sabi niya....

I'm really lucky to have a boybest like him kahit na mag-away kayo gagawa siya ng dahilan para magkaayos kaagad kayo....


-Girl_On_A_Shoestring

Are we just Friends? Or Are we More?Where stories live. Discover now