Chapter 3

3 0 0
                                    

Nandito parin kamih ngayon sa bahay ni Kyle, nanonood ng mga pelikula, agad akong napatago sa likod ni Kyle ng lumabas na yung nakakatakot na nilalang, narinig ko naman ang mahinang tawa niya kaya napatingin ako sa kanya..

"Ikaw ang nag-insist na manood tayo nito tapos tatago ka rin pala?, takot ka na niyan?",,naiiling na saad niya kaya napaayos ako ng upo at tumikhim..

"H-hindi ako tumatago noh, may kinuha lang ako sa likod mo",,kinuha ko naman yung tissue paper sa lamesa sa may bandang likod niya,,"Eto oh, kita moh?,kinuha ko to!",,pagkatapos kong sabihin yon ay hinagis ko agad sa kanya yung tissue at pumunta sa kusina upang kumuha ng makakain, may nakita akong Fries, Pringles at Tada! yung favorite ko Pretzels, binuksan ko rin yung refregirator nila at may nakita akong ice cream kinuha ko rin agad yun at umupo sa hapagkainan..i heard some footsteps pero inignora ko lang to, hmmm ang sarap!

"Who told you to eat my foods?",,tanong niya, kain lang ako ng kain, gutom ako eh! paki niyo!

"No one, pero gutom ako eh.Here you want?",,kumuha ako ng ilang piraso ng fries at inilahad sa kanya, kumuha siya ng iilan at aakmang kukuha ng pretzels ngunit agad kong inilayo yon sa kanya...

"Ba't mo nilayo?, kakain ako niyan!",,saad niya at sinubukang kunin ang pretzels sa kamay ko, nakuha niya yun pero nahablot ko na naman, tinignan ko siya ng masama pero tinaasan niya lang ako ng kilay..

"Wag mo ngang subukang kunin ang pretzels ko!",,angal ko at sumubo ng iilan dun, nakatingin parin siyaa sa akin kaya sumubo ako ng sumubo hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagtitimpi niya...

"Pretzels ko yan eh!, ikaw ba bumili?",,ani niya, hindi ako nakasagot sa tanong niyang yun, Oo alam kong hindi ako ang bumili pero Pretzels yun eh..Alam kong mali din ako pero nagawa ko pang-ilayo yung pagkain sa kaniya..

"Sorry na, eto na oh.Isinusuli ko na!",,inilapag ko ang karton ng pretzels sa lamesa at kumain ng fries at pringles.Hindi na ako nakarinig ng ingay at pinagpatuloy nalang ang pagkain...

"Hindi ko naman yan kinukuha sayo",,ani niya at umupo sa katapat kong upuan."sa totoo nga lang para sayo din naman talaga yang mga stock kong kakarton ng pretzels dahil alam kong favorite mo yan!",,nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya yon, yung isang buong kabinet ng pretzels ay para sakin?, ano akala niya sakin matakaw? baboy? joke lang!

"Sorry sa nagawa ko kanina Kyle!",,nilapitan ko siya at ngumuso, nakita ko namang napalunok siya at nag-iwas ng tingin..

"O-okay lang yun, at hindi ka pa ba uuwi sa inyo?, may pasok kapa bukas di ba?"

"Shocks!, Oo nga pala may reporting pa kami sa Philosophy bukas! Bye Kyle, kita nalang tayo bukas",,with that agad akong tumakbo sa bahay namin, nagbihis at sumalampak sa kama,,,napaisip ako ng malalim, paano kapag nagkaroon ng girlfreind si Kyle? at mawawalan na siya ng time sa akin? hindi naman kasi pwede sa akin lang palagi niya itutulak lahat ng oras niya, pano kung magbreak sila dahil sakin?

Wala pa ngang girlfriend, minamadali mo ba siya?,makakaya mo kayang tignan sila kung sakaling  may girlfriend na talaga siya?

Oo nga noh?, speaking of makakaya? makakaya ko ba talagang tignan si Kyle na masaya sa  babae na hindi ako?,

 with that thought napagtanto ko rin na masakit talaga kapag nawalan ng time sayo yung taong mahalaga sayo..hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, may parte sa akin na lumayo kapag nagkagirlfriend na si Kyle para doon niya ma spend lahat ng oras niya at may parte rin sa akin na pigilan si Kyle sa paghahanap ng girlfriend...

"Arghhhh!",,sigaw ko at ginulo ang buhok, napatingin naman ako sa bintana ko ng makarinig ako ng mahinang tawa..

"Nagmo-monologue kaba?, daig mo pa yung taong kulang sa kain",,sabi niya at isinirado ang bintana niya...M-monologue?


-GirlOnAShoestring


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Are we just Friends? Or Are we More?Where stories live. Discover now