Chapter 1

6 3 0
                                    


"Tulungan mo nga ako sa Trigonometry, Cass!, grabeh ang hirap-hirap talaga!",,saad ng kaklase kong si Gina habang nagbabasa ng libro tungkol sa trigo...hindi ko naman sila masisisi eh ang hirap talaga...

"Yan kasi, hindi ka nakikinig sa mga lesson na itinuturo ng guro natin! at tsaka hindi rin ako makakatulong sayo kasi may practice kami sa club ngayon kaya sorry!",,sabi ko sa kanya at dali-daling umalis sa Library...oo nasa library kami at dahil sumigaw siya, napagalitan tuloy!

Naglakad ako patungo sa clasroom namin para kunin ang bag ko at umalis para pumunta sa theatre club..alas 9 palang ng umaga may practice na kaagad kami dahil kailangan namin itong iperform sa darating na Festival dito sa school namin at sa ngayon mayroon kaming kinakaharap na problema at yun ay ang aakting para sa male lead role sa drama namin at wala pa kaming nahahanap, ng makarating na ako, nilagay ko ang bag ko sa isa sa mga upuan sa loob at agad inayos ang kakailanganin para mamaya sa practice, ng matapos agad ko ring binasa ang mga pangalan ng kasali sa drama na gagawin namin....

"Isabela Montero,

Jayfer Santillan,

Kailey Diaz

Jamaica Montecarlos

Jillian,

Kayden,

Jayden,

Samantha,

Ericka,

Emily,

Riley,

Jhonder,

Jhosua,

Keith. So 14 in a total, were lacking 1 for the male lead",,sabi ko at umupo...

"Oh?, nandito kana pala Cass!",,ani ni ateh Annie ang bali-direktor ng drama namin..

"Napaaga lang ateh at tsaka ang boring rin roon sa loob!"

"Ikaw talaga!, ay oo nga pala natapos mo na ba ang ipinagagawa ko sa iyo?"

"Ayy oo ateh",,agad kong kinuha ang folder sa bag ko at binigay sa kanya.

"Heto ateh ouh!''

"Ang ganda Cass, maaasahan ka talaga kapag designing ang pag-uusapan"

"ay nako nambola kapa talaga ateh, ayy anjan napo sila oh at mas mabuting magsimula na tayo dahil ilang araw nalang festival na!"

"tama ka...ok guys let's start...",,agad silang nagsitayuan at umayos na-naaayon sa role nila...


Ilang oras ang lumipas ay nagsilabasan na sila para kumain kasi breaktime na, agad rin naman akong lumabas at pumunta ng cafeteria, nag-order at umupo kung saan ang may bakante.Habang kumakain pansin ko ang panay na tingin nila sa akin pero pinagsawalang bahala ko lang yon hanggang sa may umupo sa kabilang bahagi ng mesa.

"Saan ka galing kanina?",,tanong ni Kyle sa akin, alam kong siya ang umupo kahit hindi ako tumingin sa kanya..

"sa theatre nagpractice para sa festival, eh ang sa inyo kumusta?"

"Okay lang naman kailangan eh...alam mo naman ang club namin at kailangan ko ring maghanap ng isang subject para sa photography ko",,sabi niya..

Meet Kyle Ashton Garcia, my boybestfriend-slash-Enemy at the same time, he lives next in our door and he belong to the photography club.

"Problema ko ba yun?",,sarcastic kong sagot sa kaniya, napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang pinukol niyang tingin sa akin kung nakakapatay lang ang tingin ng isang tao malamang patay na ako ngayon!

"Wow ha?, salamat sa concern!",,aniya sabay talikod sa akin at naglakad...

"Mas dinaig mo pa ang may PMS!",,sigaw ko sa kanya nilingon naman niya ako pero naglakad parin....nilingon ko ang cafeteria at sa akin na pala nakatingin ang lahat, whaaa nakakahiya!, yan pa kasi sumigaw kapa, yan tuloy!, patuloy lang ako sa pagkain ng may naglapag ng frappe at Redvelvet cake sa harapan ko...hmm?

"Oh!",,sabi niya at umupo...

"Ano nman to?",,tanong ko sa kaniya..ano na naman ba ang sumapi sa isang Kyle Ashton Garcia?

"Edi cake at Frappe ano pa ba?"

"Hmmmp!",,asik ko at nagsimulang kumain, kain lang ako ng kain at hindi ko siya nililingon, ng matapos ako tinignan ko siya at nakatitig pala siya sa akin..

"Hindi ka kakain?''

"Hindi na, busog pa ako!"

"okay",,agad kong inubos ang natitirang cake at uminom ng frappe habang siya nagtitipa sa cellphone niya..

"Tapos nako!",,agad naman siyang napa tingin sa akin at agad napakunot ang noo.

"Tss. Ang clumsy mo paring kumain noh?",,ani niya sabay may kuha ng panyo niya at pinahid sa may bibig ko....

Dug dug dug dug

Anong nangyayari sa puso ko?

Ang Weird naman ng feeling na ito...

"Oh ayan may natira pang icing sa may bibig mo!"

Dug dug dug dug

Kailangan ko na sigurong magpatingin sa doctor mamaya baka may sakit na ako sa puso ng hindi ko namamalayan...


- Girl_On_A_Shoestring

Are we just Friends? Or Are we More?Where stories live. Discover now