CHAPTER 3

145 28 0
                                    

Chapter 3


Steven's POV

"Honey" nginitian ko si Glim na papunta sa kinaro-roonan ko.

"Sit" tinuro ko yung opuan na nasa harapan ko.

"Bumili Pala ako ng lupia at Sandwich" Binigay n'ya sakin yung sandwich. "Para sayo yan."

"Thank-" Diko na tuloy dahil sa dalawang tao na nasa unahan ng table namin. Diko alam kung bakit subrang init nang ulo ko sa kasama niya.

Ang saya-saya niyo ha! at may pabulong-bulong pa talaga kayong nala-laman! Hayst ang sarap batuhin nang baso! isang dikit pa sa kanya, mapapatay talaga kita!

"Hon, may problema ba?"

"Wala may gusto lang akong patayin." Sagot ko.

"What?"

Kahit hindi na ako lumingon alam kung si Terrence yun. Kilalang-kilala ko ang boses n'ya.

"Sino yung gusto mong patayin?"

"Wala T binibiro ko lang tong si Glimer subrang seryoso kasi" tumingin ako sa kanya. "Upo ka T, may gusto kabang sabihin?" Tanong ko pero yung mata ko doon nakatingin sa dalawang mga hayop na nasaharapan ko.

"Punta ka sa Office ko mamaya may pag-uusapan lang tayo tungkol kay Don Miguel."

Pagkatapos naming kumaing tatlo. Sumama ako kay Terrence sa Office niya para pag-usapan yung tungkol sa Dad ko. Dalawa kaming pumunta dito pero ngayon mag-isa na lang akong naka upo sa Sofa at umiinom ng kape.

Bullsh't na Terrence yan. Pinapapunta-punta niya ako dito tapos iiwan! G*go scammer na T yan. Hayst, pa-asa ka Terrence Ramaz!

Habang nag hihintay sa Scammer, humiga muna ako dito sa sofa niya. Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa ulo tapos sumandal. Parang nag mamacho dance lang pero naka higa.

"Po?! ako ang magiging private Doctor ni Don Miguel Fuentebella?" Na alimpungatan ako sa narinig. Dinilat ko ang dalawang mata at agad kong nakita si Terrence na parang pasan ang buong mundo dahil sa mukha niyang hindi ko maipaliwag na parang na mo-moblema sa kausap. Tinignan ko mula dito kung sino ang kausap ng scammer. Nakalikod sa'kin yung babae. Tinignan ko mula ulo hanggang paa. Parang scanner lang ganon.

Napaka familiar ng buong katawan niya. Bigla ko agad na alala ang sinabi niya kanina sa 12th floor.

"I think I saw you before" Tanong ko na ang totoo ay kilalang-kilala ko naman talaga siya. For f'cking 3 years walang gabi, linggo, buwan, at taon na hindi ko siya naiisip. Noong una kala ko hindi ko na talaga siya makikita pero parang ipinagkaloob na sa'kin nang panginoon ang Tadhana.

"W-what? No? Wala! Hindi mo ako Kilala! Walang nangyare sa'tin! Hindi tayo nag kita sa Baguio 3 years ago! Wala! Walang ganon! Walang nangyaring ganon imagination mo lang yan. Sige na umalis kana!"

Subrang saya ko sa mga oras na'yon dahil kahit ngayon ay naa-alala pa niya lahat. Kaya habang tinutulak niya ako palabas ay naka pokerface lang ako pero sa kaloob-looban ko ay parang nagpaparty na dahil sa saya!

"Hoy! Ang saya natin d'yan ha? Anong meron?" Agad akong nagising sa naalala dahil sa pakialamirong si scammer. Back to reality! Dahil may umiipal sa imagination ko na walang limit.

"Wala lang naisip ko lang kung bakit palaging nakakagala si Dora. Wala ba siyang mga magulang na magagalit tuwing siya ay gumagala?" Tanong ko na galing pang outer space.

The Billionaire series 1: We Belong Together [Ongoing]Where stories live. Discover now