CHAPTER 5

116 19 3
                                    

Chapter 5


MATAGAL NA AKONG NAKAHIGA sa malambot na kama sa kuwartong napili ko. Matagal-tagal din akong nakatitig sa kisame. Malakas ang dating ni Steven sakin. I know that I physically attracted him. He could ignite my senses just like that, without making too much effort.

Ipinikit ko ang mga mata at ipinilig ang ulo. Tinignan ko ang relo sa'king bisig. Ala-sais. 3:40 plus pm kaming umalis sa Ramaz Hospital. Three hours din Pala ang biyahe namin.

Tumayo ako upang ayusin ang mga gamit ko sa closet. Ngayon ko lang napansing napakaganda Pala ng kuwartong napili ko. Fully carpeted. Kumpleto sa gamit. May sariling TV. May sariling banyo. Para akong nasa hotel.

Maya-maya'y may narinig akong katok sa pinto. Binuksan ko iyon. Si Nana Maring.

"Hija, Cleah, Doc Gualiza. Ano bang itatawag ko sa'yo?" Tanong nito na naguguluhan.

"Cleah nalang po siguro Nanang Maring."

"Oh Sige Cleah, ipinapatawag ka na ni Don Miguel. Kakain na daw," wika nito.

"Sige po, bababa na ako," nakangiting tugon ko dito.

"Sige, Cleah." Tumalikod na si Nana Maring upang bumaba na.

Ang guest room na napili ko ay nasa second floor ng mansion at malapit lang sa hagdanan.

Dali-dali kong tinignan ang sarili sa malaking salamin. Sinuklay ang hindi kahabaan kong buhok at nagwisik ng paborito kong cologne.

Pagbaba ko sa hagdan agad kong na datnan si Don Miguel sa komedor. Nasa dulo ito ng isang mahabang mesang alam kong gawa sa mamahaling kahoy. Nag-iisa lamang ito. Hinanap ko sa mga mata si Steven.  Wala kasi ito sa kabuuan ng dining room.

"Umopo ka na dito, iha." Sabi ni Don Miguel pagkakita niya sakin. Itinuro nito ang silyang malapit sa kanya. Mabilis naman akong sumunod.

"How do you find the house?" tanong niya pagkatapos kong Maka upo.

"Hindi ko po ma-describe. I'm Speechless sa sobrang ganda." sagot ko.

"Kung mayroon kang kailangan, don't hesitate to tell Maring or any of the house maids," nakangiting sabi saakin ng butihing Don. "O, kumain ka na. I'm sure, nagugutom ka rin sa haba ng biyahe natin kanina."

"Anong Sabi ng mother mo nang malaman niyang dito ka muna mag-i-stay?" Napatigil ako sa pag-kain dahil sa tanong niya.

"Um, Wala po akong mga magulang." Matapang kong sagot sa matanda.

"Sorry."

"Don't apologize wala kapong kasalanan kong bakit pinanganak akong mag-isa sa mundong ito."

"Alam mo, hanga ako sayo kasi nakaya mong mabuhay sa mundong ito kahit walang mga magulang na nagsusuporta sayo."

"Maswerte po ako sa mga taong andiyan kapag kailangan ko sila at nag paparamdam sakin na hindi ako nag-iisa." proud na sabi ko.

"Oh Steven, why don't you join us?" Bigla akong kinabahan sa narinig.

Kanina nanghinayang ako kasi wala siya tapos ngayon na andito na parang ayaw ko nang kumain. Ano na bang nangyayare saakin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Billionaire series 1: We Belong Together [Ongoing]Where stories live. Discover now