Chapter 8

93 6 2
                                    

LOVE IS ALL THAT MATTERS : Taming A Rebelious Wife

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 8

"HUWAAAAAg!"

Iyon lang ang tanging lumalabas sa kanyang bibig. Kahit pa yata magsisigaw siya ng napakalakas walang makakarinig sa kanya. Patuloy sa pananamantala ang kung sino mang demonyong iyon sa kanyang katawan. Diring-diri siya sa bawat himas ng mga kamay nito sa kanyang mga binti, bawat dampi ng mga labi ng lalaking iyon sa kanyang pisnge na patuloy niyang iniiwas pero nahahagip parin nito ang kanyang leeg at ang mga tainga.

Napakalakas ng taong iyon, kaya malaya nitong naipako ang mga kamay niya sa sahig gamit ang mga kamay nito at malakas na nakadagan sa kanya!

"Ya allah tulungan niyo po ako!" Tila bukal ang kanyang mga luha, wala na siyang magagawa hinang-hina ang kanyang katawan dala ng gutom kaya gustuhin man niyang manlaban tila siya iginugupos sa kung anong kapangyarihan.

"Hindiiiiii !"

Sigaw niya nang mamalayang napunit na nito ang kanyang pantaas na saplot. Patuloy sa paninibasib sa kanyang katawan ang demonyong lalaking iyon.

"Shhhh lat sih, ahabadj, habibi inte, don't shout because I make you habby." Bulong ng lalaki na tila uhaw na uhaw sa kanyang laman. "Hhmmmm, inte hellwa! Beautiful habibti! Fresh!" Dinuraan niya ang mukha nito.

"Pweh! Kill me first !" Patuloy sa pagwawala ang kanyang katawan sa ilalim ng lalaki. Dahil sa kanyang ginawa isang sampal ang dumapo sa kanyang mukha na ikinatulig niya. Tila siya nakakita ng napakaraming alitaptap sa lakas ng sampal na iyon. "Laa ilaha illallah muhammadarrasullullah (there is no god but allah and Mohammad was the only one and last prophet send by allah)." Ang tangi niyang nasasambit sa sarili habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha. Tanging dasal ang makakatulong sa kanya sa mga panahong iyon. Mariin siyang napapikit ng mapagtagumpayan ng lalaking maibaba ang kanyang kasuotan. Biglang nanayo ang kanyang mga balahibo ng simulan nitong hipuin ang kanyang kaselanan.

"Noooooo!" Ubod lakas niyang hinila ang buhok nito pero kulang ang kanyang lakas sa lakas ng lalaki.

Biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang matapang at guwapong itsura ng kanyang asawa. "Jhamiiiid!"

Ang itsurang iyon ang tila nagpabalik sa kanyang buong lakas. Mamamatay muna siya bago maangkin nang tuluyan ng demonyong iyon ang kanyang sarili. Ngayon lang niya naisip ang kahalagahan ni jhamid sa kanyang buhay. Ito lang anglalaking pag-aalayan niya ng lahat-lahat. Dahil ito ang kanyang asawa. Naalala niya ang kutsilyong ibinigay sa kanya ni aling Alena. Folded knife iyon na binigay sa kanya para umano sa proteksiyon niya. Pero nasa bulsa iyon ng kanyang pantalon na natanggal ng lalaki. Nabitawan ng lalaki ang kanyang kamay, nangapa siya sa dilim ng kahit na anong bagay. Nang sa wakas may makapa ang kanan niyang kamay ubod lakas niya iyong ipinalo sa ulo ng lalaking abala sa paghipo ng kanyang mga binti. Napasigaw ito sa sakit!

"Ya khalba!"

Mabilis pa sa alaskuatro siyang nakatayo at dinakma ang kanyang pantalon. Nanginginig ang mga kamay na hinagilap ang kutsilyo sa bulsa. Hinding-hindi niya matatanggap ang pag lapastangan nito sa kanyang katawan. Para siyang sinindihan ng naglalaglab na apoy at napakaliit ng tingin niya sa lalaki. Hindi nakahuma ang lalaki sa bilis ng galaw niya at magkakasunod na saksak ang ibinigay niya kahit saang parte ng katawan nito.

"Ikaw ang hayop! Ang mga katulad mo ay hindi binubuhay sa mundo!" Walang habas niyang sabi habang pinagsasaksak ang lalaki sa likuran.

Binitiwan niya ang kutsilyo at mabilis niyang isinuot ang mga damit na natanggal. Punit-punit na ang kanyang pantaas pero di niya alintana iyon. Nanginginig ang kanyang katawan sa pinaghalong takot at galit. Wala siyang pakialam kung maayos niyang naisuot ang kasuotan. Tinawid niya ang pintuan at walang lingon-likod na nagtatakbo. Hindi siya sigurado kung napatay niya si Mahmoud, iniwan niya itong naliligo sa dugo. Pati ang kanyang mga kamay punumpuno na rin ng dugo. Hating gabi na sa mga sandaling iyon kaya tulog ang lahat ng mga tao sa bahay. Abot-abot ang dasal niyang makalabas ng buhay sa impeyernong bahay na iyon. Mabuti nalang hindi naka lock ang gate. Tumakbo siya ng tumakbo sa gitna ng gabi. Wala siyang mahingian ng tulong, wala man lang siyang nakakasalubong. Unti-unti na siyang nanghihina, ngayon lang ulit niya naramdaman ang panghihina ng katawan, nakaramdam siya ng matinding uhaw at gutom. Ilaw ng sasakyan ang sumilaw sa kanya bago tuluyang nagdilim ang kanyang paningin.

LOVE IS ALL THAT MATTERS:Taming A Rebelious WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon