Chapter 5

130 6 2
                                    

LOVE IS ALL THAT MATTERS- Taming A Rebelious Wife

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 5

PAG-APAK pa lang ng kanyang mga paa sa banyagang bansa nakaramdam na ng kakaibang takot ang dalaga. Wala siyang idea kung ano ang magiging kapalaran niya sa Saudi Arabia. Ilang oras siyang naghintay sa Airport bago dumating ang kanyang sponsor.

Isang babaeng nakasuot ng mahabang itim na damit (Abaya) na mata lang kanyang nakikita ang lumapit sa kanya.

"Assalamo alaykom ya hellwa, susmuch inteh?" Bati nito sa kanya. May briefing na siya sa owwa about sa mga common sentence na maeencounter niya kaya alam niya ang tinatanong ng babae.

"Waalaykomissalam, ana Ame...

"Fatima Aisa," muntikan na niyang makalimutang nagtatago pala siya sa ibang pangalan. Napatango-tango lang ang babae at tiningnan ang kanyang passport. Pagdaka'y seninyasan na siya nitong aalis na sila. Bitbit ng indianong driver ang kanyang mini troley.

"Speak arabi?" Kausap sa kanya ng babae.

"No ma'm," magalang siyang umiling.

Pumasok ang sasakyan sa isang napakalaking bahay. Nalula siya sa laki niyon, kahit ihambing niya ang kanilang mansiyon magmumukhang kubo ang bahay ng kanyang ama. Puro golden furniture ang makikita sa loob ng bahay na halatang mamahalin.

Nagtanggal ng nikab ang babae, noon lamang

Niya nasiyalan ang mukha nito. Aristokrata, at mukhang istrikto.

"Alena! Alena!" Sunod-sunod na sigaw ng babae bago sumagot ang tinawag.

"Naam madam!"

"Taalleh!" Mahuhulog na yata ang kanyang puso sa takot. Ganito pala ang mga arabo kung makatawag ng katulong, hindi naman ganyan ang kanyang ina sa kanilang mga kasambahay. Agad namang lumapit ang tinawag. Naawa siya sa itsura ng babae, may edad na ito at nangangayayat na.

"Hadi khadhama jadeed, waddi kurfa o baadin ati malabis o taalleh zen? [This is our new maid, bring her to your room, give her clothes and go back here okay?]"

Gulantang ang buong sestema niya sa narinig. Isang salita lang ang kanyang naintindihan iyon ay ang KHADHAMA, isang nakakagulat at malalaking letrang lumitaw sa kanyang balintataw. Magiging isa siyang KATULONG!?

"AH wait madam,that's not the job I applied for, I signed a tutorial contract so why did I became a maid?"

"I know habibti, bas inte shugol dah'l bait lasm help thani khadama." Paputol-putol na engles ng kanyang madam. Napatingin siya kay Alena na nagtatanong ang mga mata.

"Sabi ni Madam tutulong ka pa rin daw sa mga trabaho dito sa bahay."

Tuluyan nang umagos ang kanyang mga luha. Anong klaseng trabaho ang kanyang napasukan? Hindi na niya namalayan kung paano siya nakarating sa maids quarter.

"Ang ganda-ganda mo naman hija, mukha kang mayaman, hindi bagay sayo na narito." Narinig niyang sabi ng ginang.

"Hwag ka ng umiyak,mababait naman sila at galante, kaso hwag ka lang titingin sa mata ng mga lalaki dito baka kung mapano ka pa."

"Ho?"

"Makikilala mo rin sila basta umiwas ka sa panganay na anak para hindi ka magkaproblema." Paalala pa ni Alena.

"Ilan po ba kayo dito?"

"Anim kami rito, tatlong Indonesian, tatlo kaming pilipino bali pang-apat ka na, hwag kang mag-alala mga bata lang ang aasikasuhin mo, tuturuan, pakakainin at lilinisan."

LOVE IS ALL THAT MATTERS:Taming A Rebelious WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon