LOVE IS ALL THAT MATTERS : Taming A Rebelious Wife
By Ladyshane Lanmmark's
Chapter 7
"SHABAHAL khair sir Jhamid, Assalamu alaykom, paborito niyo pong saging na saba, niluto ko." Umangat ang mukha ng binata sa tinig ni Aniza. "Nasaan si manang Khadija? Wala ka bang pasok ngayong lunes at ikaw ang nagtatrabaho?" Kunot noong sunod-sunod niyang tanong.
"Ah eh kasi si Ina po medyo nananakit daw ang rayuma kaya di nalang muna ako pumasok para matulungan ko siya ngayon."
"Ganun ba sige salamat, ilapag mo nalang diyan, sabihin mo sa iyong ina na magpahinga nalang muna ng isang linggo."
"Sige po sir, salamat po ulit sasabihin ko po."
Napapailing na lang ang binata habang tinatanaw ang dalagang anak ni Manang Khadija. Napapansin niyang panay ang dala nito ng pagkain sa kanya na dating gawain ng ina. Madalas na rin niyang makita sa mansion ang babae.
"She has that innocent face and beautiful eyes."
"Definitely dude! Have you seen her eyes? Some one resemblance her."
Napalingon siya sa dalawang swabeng boses na palapit sa kanya. Nagpapatama nanaman ang mga gunggong niyang boys. Pagdakay napapabuga nalang ng hangin.
"I won't be surprise if your news for now is as of yesterday, " sermon niya sa mga ito.
"Saan ba kasi kayo naghahanap?" Pagkuway dumating rin si Al.
"Naghahanap ng babae ang mga yan, kaya walang maibalitang maganda." Siya na ang sumagot.
"Di naman boss-pare, talagang magaling magtago ang asawa mo." Napapakamot sa ulong depensa ni Nash. "Si Khalil kasi hinahaluan ng pleasure 'yung business namin kaya ayan pornada tuloy." Dagdag pa niya.
"Tado ka Nash! Yung gawain mo hwag mong ipasa sa akin!"
"Tumigil nga kayo diyan puro kayo kalukuhan, wala naman kayong pinagkaiba at lumayas-layas kayo sa harapan ko kung wala kayong magandang maibabalita sa'kin!" Singhal niya sa mga ito." Napapailing nalang si Al sa asal ng mga kasama.
"Pinagsama mo kasi ang dalawang yan alam mo namang puro babae nasa utak ng mga yan." Si Aladin na iiling-iling nalang.
"Hoy Nash kusina yan anong gagawin mo jan?" Tawag ni khalil sa lalaking sinundan ang pinasukan ni Aniza.
"Iinom ng tubig sama ka pare?"
"Sabihin mo may serina kang nakita!"
'Tsk tsk! kahit saan talaga pag nagsama ang mga gunggong na'to sabog ang mundo niya.' Untag niya sa isipan.
"Diyan na nga kayo, Al nasa farm lang ako, bantayan mo mga yan baka malapa na iyong anak ni manang khadija."
Bilin nalang niya kay Aladin bago tuluyang lumabas ng mansiyon sakay ng kanyang kabayo.
NAPAPA-buntong hininga si Jhamid. Mag-isa niyang tinatahak ang malawak nilang lupain. Natanaw niya si Mang Amir na masusing nag ra-round sa maisan. Lumapit siya sa kinaroroonan nito at itinali si mighty black sa ilalim ng punong mangga pagkatapos bumaba mula rito. Ito ang ama ni Amina na simula ng ipinasok ng ama sa Hacienda ay naging malaking tulong na ito sa pag unlad ng kanilang kabuhayan. Masipag kasi ang lalaki at bilang ganti na lang daw nito sa kabutihan ng Don sa pagkupkop sa kanila lalo na sa pagpapaaral kay Amina. Kaya naman siya na ang tuluyang pinagkatiwalaan nito sa pagsu-supervised ng kanilang mga tauhan.
"Assalamu Alaykom bapa(tito) Amir, wala po bang naging problema habang wala ako?" Hindi na naiiba ang turing niya sa lalaki.
"Wa Alaykomissalam Hijo, Alhamdulillah wala naman maliban sa sunod-sunod na pag-ulan, baka maapektuhan ang mga pananim natin kapag lalong lumakas ang ulan."