LOVE IS ALL THAT MATTERS : Taming A Rebelious Wife
By Ladyshane Lanmmark's
CHAPTER 13
"NEXT week na ang hearing miss Lidasan, you must prepare yourself and do what I said." Iyon ang briefing sa kanya ng binatang abogado pero talagang di maabsorb ng utak niya ang mga pinagsasabi nito. Tila nawalan na siya ng ganang mabuhay. Wala na siyang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Napupuno ng takot ang kanyang dibdib sa tuwing pipikit siya. Tila nakikita niya ang anino ng halimaw na lalaking iyon at ang mga tao sa bahay na kanyang pinanggalingan. Kung sana nasa tabi niya ang mommy at daddy niya hindi siya nakakaramdam ng ganitong takot.
Naaawang tinitigan siya ng binata. Naglalandas nanaman ang walang katapusang mga luhang iyon.
Di na niya namalayang nag-iisa na pala siya sa silid na iyon. Pati ang bantay niya wala na rin doon. Nagtaka siya, parati naman siyang may look out pero ngayon tila solo niya ang paligid.
Pinunasan niya ang mga luha at muling nagmuni-muni. Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero di siya nag-abalang lingunin iyon.
'I'm abandoned! I know this is the price I got from being stubborn, Ya Allah sana mapatawad pa nila ako, my life became miserable, my parents didn't deserve me as their daughter.' Iyon ang mga isiping patuloy na umuukilkil sa kanyang damdamin. She got her self from the chair and turns back. Their she saw a man, ang lalaking iniwasan niya ng matagal na panahon, ang lalaking hindi niya inisip na makikita sa ganoong lugar, ang lalaking aminin man niya sa hindi ay pinaghuhugutan niya ng lakas, ang kanyang asawa, hindi parin nagbabago ang itsura nito, arrogantly handsome as ever! Unti-unti niyang nararamdaman ang panlalambot ng kanyang mga tuhod, ano ang ginagawa nito roon? Sa isiping iyon muli nanamang nahulog ang kanyang mga luha.
Moments later she feels a warm embraced, a warm hands caressing her back, a warm air on her neck and a hard body which totally enveloping her. Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam siya ng kapanatagan. Gusto niyang umiyak, ipagsigawan dito ang takot, ilabas ang mga hirap na naranasan pero ayaw bumuka ng kanyang bibig. Baka pinagtatawanan na siya ng lalaki. Sa isiping iyon agad niya itong naitulak pero kulang ang kanyang lakas.
"I terribly missed you."
Narinig niya ang bulong nito, tila hirap na hirap din ito magsalita. "Why did you left? You Scared the hell out of me. I'm sorry if I'm late." Napalakas na ang hiyaw niya dahil sa narinig. Nakasubsob ang kanyang mukha sa malalapad nitong dibdib. Tila may naalala siyang eksena way back 13 years ago. She was only eight then. Pakiramdam niya secure na secure siya sa mga yakap nito. "I'm dirty! I'm a fool! Please get off me." Ayaw niyang tuluyang maniwala sa mga salita ng lalaking ito. Naaawa lang ito sa kalagayan niya.
"No! From now on mananatili ka sa tabi ko at hinding-hindi ko na hahayaang makalayo ka sa paningin ko." Umiyak siya ng umiyak sa dibdib ni Jhamid. Hinayaan niya ang sariling ibuhos lahat ng nararamdaman. Wala siyang pakialam kung nagmukha man siyang bata. Napayakap narin siya rito. Sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman niyang sa piling ni Jhamid walang sinoman ang makakagalaw sa kanya. Lalo na ang halimaw na arabong iyon. Nagflashed nanaman sa utak niya ang mukha ng lalaki. Lalo pa niyang isiniksik ang katawan sa katawan ng asawa habang humihikbi. Kahit anong gawin niya hindi parin mawala ang takot sa kanyang dibdib. Hindi nila alam kung gaano sila katagal sa ganoong posisyon. Naramdaman niyang inakay siya ng binata paupo sa couch ng silid. He made her sit on his lap. Pinasandig sa kanyang balikat, kahit walang salitang namumutawi sa kanilang mga bibig, ramdam ng bawat isa ang malalakas na tibok ng kanilang mga puso.
"You're safe now baby." Nakapulupot ang mahahabang braso ng binata sa kanyang katawan. Nagmistula siyang bata sa klase ng kanilang pagkakaupo. Pero wala siyang pakialam. Nagsumiksik pa siya lalo sa leeg nito at ikinawit ang mga kamay sa batok ng binata bilang ganti sa mga yakap nito. Ilang sandali pa payapa siyang nakatulog kalong-kalong ni Jhamid.
"I wish I could bring you home, but I have to suffer a little longer." Kausap niya sa natutulog na dalaga. Sa nakikitang hirap sa mukha ni Amerah mas higit siyang nasasaktan.
"God!" Hindi niya makakayanang iwanan pa ito roon.
"Justine, I want you to set an appointment to that family.
"Ask how much do they want. I'll give them bunch of my money right now!" Utos niya sa abogado sa kabilang linya. Kalong parin niya ang dalagang halos naghihilik na sa sobrang sarap ng pagkakatulog sa kanyang kandungan. Wala na siyang pakialam sa hearing, iuuwi niya si Amerah sa araw ding iyon.
NAGMULAT ng mata ang dalaga, kahit sa ganuong posisyon ang sarap ng kanyang tulog. Nakakandong parin siya asawa at nakalawit parin ang kanyang mga kamay sa leeg ni Jhamid. Bigla siyang pinamulahan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal natulog, pero walang kapaguran siyang kinandong ng asawa. Akma na siyang aalis nang maramdamang mas humigpit ang yakap nito. "Feeling better now?" Masuyo nitong tanong. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga ng binata. Halos isang dangkal lang kasi ang pagitan ng kanilang mga mukha. "B-baka nangangalay kana i-ibaba mo na ako." Kandautal niyang sagot. "Kahit buong gabi kitang ikandong hinding-hindi ako mapapagod." Tuluyan na siyang namula sabay na napayuko. "You shouldn't have left us, you should have waited my explanations for everything," pagkuway seriyosong turan ng binata.
Hindi niya kayang salubungin ang titig nito.
"I'm so-sorry."
Wala na siyang narinig na salita kay Jhamid. Hinigpitan lang nito ang yakap sa kanya at marang hinahaplos ang kanyang likod.
"Mr. Hashim are you sure about this?" Hindi parin makapaniwala si Attorney Braganza sa naging pasya niya. "Attorney next week is another long time, hindi mo ba nakita ang itsura ng asawa ko? Tuluyan siyang mababaliw kapag hinayaan ko pa siya sa kulungang iyon. May mas madaling paraan akong magagawa bakit hindi ko gagawin iyon." Desidido niyang sagot sa abogado. "Well what I am trying to say here is you are like paying a ransom money to the abductors who were effortlessly did a plan. Malakas ang laban natin at pwedi mong maiuwi ang asawa mo na walang babayarang ni kusing sa complainant." He sigh in desperation. "Money can earn attorney, my wife is more important more than a billions, I can have it back in less than a year in allah's will."
Napapailing nalang ang abogado at napabuntong hininga. "Well if that's the case, I'll talk to the director." Tumayo na ito at pansamantala siyang iniwan. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Amerah. Pinayagan na siyang puntahan ito. Salamat kay Justine at mabilis nitong naayos ang pangalan ni Amerah at nakakakilos na siya bilang asawa nito. Hindi pa niya naasikaso ang agency na humawak kay Amerah. He swear maghaharap sila ni Ershad sa lalong madaling panahon.
Authors Note : Sana nagustuhan niyo :)
Please do like and comments. Criticism is allowed pero in a positive way lang ha? Wag niyo lang akong murahin hahahah.
Salamat :*