Napakawalang galang na nga, manggagaya pa ng pangalan! Kakaiba na kaya name ko tapos makakatagpo pa pala ako ng kapareho! Ano ba 'yan! Wala na talagang orihinal sa mundo, puro na lang kopya! Miski sa assignment kopya! Miski sa pananamit kopya! Miski sa pagkakaroon ng crush kopya!
Pagkatapos ng mahabang party party sa room namin ay dumiretso ako sa room ng tita ko dito sa Meredith University. D'un kasi ako kakain.
Pagkarating ko roon ay tamang tama lang, katatapos lang niya magturo ng mga grade 2 pupils. Pumasok ako sa room niya at nag-bless. "Hello po, tita."
"Oh Jaile, How's your first day?"
"Okay lang naman po. Uhm.. tita, may gusto lang po sana akong itanong." Kating kati na kasi ako malaman kung sino 'yang lalaking 'yan. Kanina pa kasi nila pinag-uusapan sa room. Kesyo bumalik na daw galing New York ganun. 'Di rin daw nila nakilala.
"Ano yun?" Naglakad siya papuntang likod na parang mini office niya at umupo rin ako sa tabi niya.
"May kilala po kayong Jaile Ashford?" tanong ko ng diretsa.
Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin ng mata sa mata. "Ah naku!" Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong. "Masama ang batang iyan! Kaya Jail ang pangalan means kulungan."
Ah.. so Jail as in kulungan? So walang 'e'?! Ano ba 'yan! Nag-assume pa naman ako na may E yun.
"Balita ko nga nakulong ang batang 'yan eh, sobrang bully n'yan. Bakit?" Pagpapatuloy ni tita. "Juvenile delinquent.."
Napatango ako. Kung ganoon siya eh, bakit nakakapag-aral pa dito? May record iyon sa guidance panigurado..
"Ahh. Classmate ko po at seatmate." Magsasalita na sana si Tita pero nagsalita agad ako, "Pero hindi niya naman po ako sinaktan!" Well.. included ba doon ang paghampas niya sa aking kamay?
"Ahh. Oh sige, akala ko may ginawa siyang kataranduhan sa'yo naku! Isusumbong ko ulit 'yan sa principal."
"Tita, wala po ba siyang magulang at lumaki ng ganun 'yun?" Tanong ko ulit. Nakaka-curious lang kasi.
"Meron siyang magulang at half of their shares ay nasa school na 'to. Mayaman ang batang 'yon. Nga pala hija, kumain ka na?"
Kaya naman pala.. mayaman at halos sila na rin pala ang may-ari ng paaralang ito..
Umiling ako at inabutan naman ako ng isang ordinaryong pagkain. I bit my lower lip.. Bakit ba gusto ko pa siyang makilala?
Natapos ang isang buong araw na tahimik ang buhay ko. Halos magdamag nga yata akong nag-istay sa library since wala ang mga guro namin. Puro 'get out' ni Jail ang naririnig ko at party party ng mga classmates ko.
Pagkarating ko sa bahay ay kita kong naghuhugas ng pinggan ang nanay ko at mukhang nasa trabaho pa si tatay. Ang bunso ko namang kapatid na lalaki ay busy sa paggagawa ng assignment.
Nagmano ako kay nanay at sinabing, "Ako na po maghuhugas." Alam kong pagod na rin ang nanay ko kakalaba ng mga damit. 'Yun kasi ang trabaho niya.
"Salamat anak, nga pala anak, kung nagugutom ka na nasa lamesa ang pagkain ha? Tutulog na ako at ako'y maraming nilabhan ngayon." sabi ni nanay at um-opo na lang ako.
Tinapos ko ang paghuhugas ko at kumain nga. Tumabi ako sa kapatid ko na hindi pa rin tapos sa pagsasagot.
"Ano bang assignment 'yan?"
"Division lang, ate."
"Sus dali dali n'yan eh." Pagmamayabang ko sa kaniya.
"Alam ko naman ate eh!" Matalino rin naman 'tong si Jander, medyo makulit nga lang.
Tinapos ko ang pagkain ko at sakto ring natapos ang kapatid ko. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at pinatay ang nakabukas na TV.
Umakyat ako sa kwarto ko't nagpalit ng pang-tulog. Humiga ako ng taimtim sa kama ko at pinilit kong makatulog pero naaalala ko si Jail. Yung masama niyang titig sa akin. Bakit ko ba naiisip ang mga 'to? Bakit feeling ko may dahilan ang lahat ng iyon?
Argh bwisit ka, Jail! Kailangan pa tuloy kita pagtuunan ng oras mawala lang ang curiosity na nasa katawan ko.
BINABASA MO ANG
Abstract Attraction [Re-written]
FanfictionJaile Ella Devera, after the incident happened to her. Her aunt offered her a scholar to study in a prestigious school which is the Meredith University. All she ever wanted was to finish her studies para maka-angat sila sa buhay. But then, Jail Ashf...