AA16 - Scary

12.2K 450 61
                                    

Sinama ako ni Nik sa gig niya ng banda niya. Pinakilala niya pa ako. Parang mga asong nakangiti ang mga kaibigan nito sa akin. 

Si Aaron, Timothy, at Brick. Si Aaron ang gitarista, Si Timothy ang drummer at si Brick sa bass guitar. As usual, si Nik ang singer.

"Ganda nga, pre!" sabi ni Timothy sa akin. Binigyan ko sila ng isang tango bago ako tumawa.

Pina-upo lang niya ako sa may tabi at nakinig ng kakantahin niya.

"Mic test, mic test." Sabi pa niya kaya natawa ako.

Kinuha ko ang cellphone ko, v-videohan ko siya. Tinapat ko sa kaniya ang cellphone ko at kitang kita ko ang ngiti ni Nik sa screen ko.

"Kamukha mo si Paraluman.." Panimula niya.

Ang huling el bimbo ang kakantahin niya. Pinagpatuloy ko ang paghawak sa cellphone ko at tiningnan siya sa pamamagitan ng screen ng telepono ko.

"Nung tayo ay bata pa

At ang galing galing mong sumayaw

Mapa boogie man o cha cha"


Pagpapatuloy niya sa kanta. Nakatunganga lang ako sa kaniya. Ang galing at ang ganda ng boses niya. Kainggit naman.

Bakit ba kasi hindi ako biniyayaan ng magandang boses? 

Naisip ko si Jail, marunong kaya kumanta 'yun? Ang alam niya lang kasi pagsusungit.

Tagal pa ng uwi niya, sa lunes pa. Naiinip ako. 

I suddenly miss him. Kahit oo, ang sungit niya, but I really miss him. 

Hanggang sa natapos ang kanta nila at pumalakpak ako. Inabutan ko siya ng tubig na malamig. Lumapit siya sa tabi ko at pinunasan ko ang pawis sa noo.

Magaala-sais y media na ng ihatid niya sa ako bahay. 'Di ko na pinapasok kasi for sure ich-chika nila nanay yung pags-sleep over ni Jail dito. Magagalit nanaman sa akin itong si Nik. Ayaw ko na mangyari yun. 

Bumaba na ako ng sasakyan pagkatapos ay dire-diretsong pumasok ng bahay namin. Nadatnan ko si nanay na nanonood ng TV. Si Jander nasa sahig, naglalaro ng kaniyang mga laruan. "Ano ba 'yang milk tea na 'yan, Porket may nalason sa milktea, lahat meron na? Parang sa pag ibig, niloko ka lang ng isa lahat sinisi mo na!" Napatigil ako at nagtatakang tumingin kay nanay.

"Nay, sa'n n'yo naman nakuha 'yang gan'yang hugot?" aking tanong.

"Ha? Wala naman, nakikita ko lang rin sa fb friends ko. Hoy anak like mo nga bagong profile picture ko.." Sabi nito sa akin.

I rolled my eyes and nag face palm. Feeling teenager ni Nanay. Palibhasa bata pa at mukhang hindi nanay ang itsura. Kapag naglapit nga kami hindi kami mukhang mag-ina.

"Anak, kumain na nga pala kayo. Kanina pa luto yung ulam, nalimutan ko sabihin." Tinaas niya ang kaniyang dalawang daliri. Pinapakita ang "peace sign" niya. Feeling teenager talaga.


Dumiretso ako sa aming kusina. Inihanda ko ang pinggan at ang pagkain. Tinawag ko si Jander para saluhan ako sa hapag-kainan. Kinuha ko muna saglit ang PSP. Tumingin siya sa akin at humalukipkip. Nakasimangot ang kaniyang mukha.

"Later na 'to. Pati wala ka bang assignments?" Tanong ko bilang isang ate.

Hindi sumagot si Jander kundi nagdabog na kumuha ng pinggan niya. "Hay nako, Jander. Pumapangit ang ugali mo ha! Ikaw na bata ka, pag-aaral na muna atupagin mo kaysa sa ganito." Dinuldol ko pa siya kaniya yung psp niya.

"Ikaw rin ate, pag-aaral na muna kaysa lalaki." sabi nito sa akin at kumunot ang noo ko.

"Jander! Saan mo natututunan 'yang pagsagot ha?" Medyo nainis ako sa inasal ng aking kapatid. Hindi naman siya ganito dati.

"Wag ka ngang sumigaw, Jaile! Para kang hindi babae ah." Suway pa ni nanay sa akin. Nag-belat sa akin si Jander bilang pang-asar na siya ang kinampihan ni Nanay. 

Inirapan ko na lang sila't hindi pinansin. Pinagpatuloy ko ang kumain. Pagkatapos namin kumain ay hinugasan ko ang pinagkainan namin at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang isang damit ko mula sa cabinet, sabi ko nung isang araw tatahiin ko 'to eh. Su-suotin ko 'to for tomorrow.

Habang nananahi ako ay may tumawag sa cellphone ko. Si Nik.

Inaccept ko ang call niya at inisandal sa gilid ng kama ko ang telepono para kita niya ako.

Naka-indian sit ako sa kama at nanahi. Konti lang kasi ang damit ko at ayoko naman gamitin lahat ng bigay sa akin ni Jail. Baka may biglaang lakad kami edi may susuotin ako diba?

"Miss na agad kita." Unang bungad neto sa akin. Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pananahi. "Kumain ka na ba? Busy-busyng ka sa ginagawa mo." sabi niya mula sa kabilang linya.

"Oo kumain na ako. Kainis nga si Jander eh, inaasar ako pero love ko pa rin yun."

"Anong balita kay Jail? Lately hindi ko yata siya nakikitang pagala-gala sa school."

"Ahh.. Kasama niya yung ate niya. 'Di ba nga? Tinakasan niya nung isang araw pero nahuli yata at dinala kung saan." kwento ko. Kamusta ka na ba Jail? Ang tanga tanga mo naman kasi bakit wala siyang number ko.

"Ah sige." yun lang nasabi niya.

Pagkatusok ko sa damit ng kayom ay saktong natusok din ang daliri ko. Ang sakit! "Teka, be right back. Natusok ako eh." Sabi ko. In-end ko na muna saglit at bumaba ako.

Nakita kong naglalagay ng toothpaste si Nanay Jana sa toothbrush niya kaso natapon. "Ano ba 'yan! Maglalagay ka na lang ng toothpaste sa sipilyo malalaglag pa. Pati ba naman toothpaste naffall sa iba." Tiningnan ko ng nakakapagtakang look si nanay.

"Nanay sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong kong mabuti.

"Oo nga anak. Ano bang pinagsasasabi mo d'yan? Wala akong sakit!" Nailagyan niya muli ng toothpaste ang toothbrush niya tsaka nagsipilyo.

Ang weirdo ni Nanay. Bigla bigla na lang humu-hugot. Okay naman sila ni tatay..

"Nanay nasa'n po ba band aid natin?" Tanong ko.

"Nasa kwarto mo ah? Sa ibabaw ng cabinet mo. May maliit na kit don." Nagpasalamat ako bago pumanhik ulit ako sa taas at pumunta sa kwarto ko.

Kinuha ko yung lalagyanan kong heart na may salamin sa ibabaw ng cabinet. At may nakita akong sticky note na nakalagay doon.

"Fucking text me when you see this. JAIL" Yun ang nakalagay. May number pa nga eh.

Nalaglag ang panga ko nang marealize kong si Jail pala 'yun. Nai-slow ako ng ilang segundo. Agad agad kong kinuha ang cellphone ko. Mabuti na lang may load ako! Tinype ko ang number niya at tinext.

"Hello? Jaile 'to." Yun lang.

Nilapag ko ulit yun sa kama ko, kinuha na yung band aid at nilagay sa nagdudugo kong daliri. Bakit hindi ko napapansin yun dun? Napakamot ako sa ulo ko.

Malamang Jaile! Ngayon lang naman nagkasugat ang kamay mo at kailangan mo yung kit mo diba>?

Pagkaupo ko sa kama ay nagtext back na.


"FUCKING JAILE ELLA DEVERA. YOU FUCKING WAIT FOR ME."

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon