AA18 - Baby

11.7K 428 80
                                    

Nakatungo ako habang si Jail lumalakad papalapit sa akin. Ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko sa loob ng sistema ko. Sobrang hinahapo na ako sa aking kinauupuan.

Halata ko ang galit o inis na kaniyang nararamdaman sa bawat yapak niya papalapit sa akin. Dahan-dahan lang ang kaniyang paglagay ng kaniyang bag sa aking tabi.

Tumingin ako ng diretso kay Ma'am Ashford at pinilit na nakinig sa kaniyang mga sinasabi sa unahan.

I do believe Jail was a sudden distraction nang pumasok ako dito sa Meredith! I swear! I can't focus on my studies nang makilala ko siya.

But that doesn't mean I'm not happy to meet him..

Hinigit ni Jail ang upuan ko papalapit sa kaniya. Hindi ko iyon inasahan! Akala ko'y mumurahin niya agad ako.

"You'll fucking pay." Bawat bitaw ng kaniyang salita ay maykasamang diin.

Pinikit ko saglit ang mata ko at minulat din agad. Tumingin ako kay Jail. Nakagat ko ang ilalim kong labi. Kinakabahan ako ng sobra!

"I-I'll--nevermind!" Balak ko sanang sabihin na magbabayad ako ngunit hindi kami mayaman! Paano iyon diba?

Pinagsulat lamang kami ni Mrs. Ashford ng notes for reviewer. I just copied the important details. Hindi ako makapokus sa pagsusulat dahil sa aking katabi.

Ramdam ko ang kaniyang titig sa akin habang ako ay nagsusulat. Nanginginig ang aking kamay sa hindi malamang dahilan. Takot? Hindi ko rin alam!

"Jaile." nilapit niya ang mukha niya sa akin pero hindi ko siya tinitingnan. Nagpatuloy lang ako sa sinusulat kong notes.

"Why are you with him?" sabi ni Jail.

"What are you talking about?"

"Are you inlove with him?" Tanong niya. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "You're insane." I rolled my eyes.

"Insane with you." Hindi ko alam ang ibig sabihin niya doon. Binaliwala ko na lamang at patay malisya na nagpatuloy sa pagsusulat.

"I'll deal with you later." He said while smirking. Tinitingnan ko siya ng masama habang umiinat at inub-ob ang pagmumukha sa desk.

Buti hindi siya pinapagalitan ng sarili niyang nanay na natutulog sa sariling klase.

Natapos na ang lahat ng subjects namin sa umaga. Recess na at wala akong balak umalis sa kinauupuan ko.

Di ko na muna niligpit ang gamit ko't alam kong hihilahin ako ni Jail palabas. Lagi naman na ganun ang eksena eh.

"Jaile!" Lumingon kaming dalawa ni Jail kay Shanella. "Si Devera." Dagdag pa nito.Lumapit siya sa amin. "Sasabay ka ba sa amin?"

Laki ng ngiti niya sa aming dalawa ni Jail. "She's not coming with you."

Kinuha niya ang bag ko at hinila ako palabas ng room. Nakita ko si Nik sa labas ng room namin, nakapamulsa siya at halatang inaabangan ang paglabas ko.

Nakita ko na lang na hinila ni Shanella palayo si Nik. Balak pa yata kaming sundan ni Nik kaya iyon ang ginawa ni Shanella.

"Jail! Saan mo 'ko dadalhin?" Hawak-hawak niya ang aking kamay. Mahigpit ito. Ayaw niya na yata akong pakawalan.

Sa pangangaladkad niya sumubsob na nga ako sa sahig. Tumigil si Jail at tiningnan ako.

Hindi ko inakala na kaya niyang gawin iyon sa akin!

Bumangon ako sa pagkakasubsob ko. Hindi ko tinanggap ang tulong ni Jail sa akin.

Niyakap na lamang niya ako bigla. Pilit kong inalis iyon sa akin ngunit mas malakas siya sa akin kaya eto, nakayakap pa rin siya sa akin.

Abstract Attraction [Re-written]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon