Hindi mo talaga aakalain na makakakilala ka ng taong magpapabago sa buhay mo. Lahat, simula sa kung paano mo inayawan ang maraming bagay ay siyang dahilan kung paano mo rin magustuhan ang mga ito.
"Kanina ka pa nakatingin sa kanila, kilala mo?" Umiling ako sa katabi ko habang nakatingin pa rin sa dalawang masayang nag-uusap. Napangiti ako nang mapait, kung pinaglaban ko ba dati ang kung anong meron sa amin ganiyan din kaya kami?
"Ako, kilala ko." Napahinto ako sa pag-inom ng kape at lumingon sa kanya. Ngumiti siya at taas baba ang kilay na para bang alam nitong kailangan kong malaman kung sino sila. "Kalat ang balita na matagal na silang kasal, ang swerte nga ni ate girl dahil mahal na mahal siya ng lalaki. Kita mo naman kung gaano ito maalaga sa kanya..."
Alam ko. Dahil ganiyan din siya sa akin. Ang hindi ko lang alam na matagal na pala siyang kasal pero umaasa ako na mamahalin niya rin ako. "Ewan ko ba, naghiwalay silang dalawa dahil ang balita may kabit si Sir Liam pero ang imposible naman na magkaroon siya. Siguro iyong babae na sinasabing kabit ay siyang makapal ang mukha."
Palihim kong ikinuyom ang aking mga kamao, pinipigilan ang sarili na sagutin siya. Hindi ko kasalan na pumatol sa lalaking kasal na.
"Magbabanyo lang ako," paalam ko sa kanya at hindi na inaantay ang sagot dahil agad na akong umalis sa harap niya.
Gusto kong sumigaw at umiyak. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang huling mensahe niya. 'Maghiwalay na tayo, Scarlet. I love my wife, pasensya na...'
Sa buong buhay ko, wala akong pinagkatiwalaang tao at hindi ako nakikipag-kaibigan kahit kanino. Simula nang iniwan ako ng magulang ko dahil may kabit ang Ama ko, mas pinili niya iyon at dahil do'n, nagpakamatay si Mama. Dumating si Liam na siyang akala ko'y magliligtas sa akin ngunit dumagdag lang siya.
Kinuha niya ang loob ko hanggang sa bumigay ako sa lahat ng pinangako niya sa akin. Ilang buwan na kaming ganito, wala akong ibang ginawa kundi sundan sila ng asawa niya. Kalaunan ko lang nalaman na may asawa siya. Hindi ko naman siguro kasalanan dahil hindi ko naman alam na kabit na pala ako.
Bumuntonghininga at tumingin sa salamin, paglabas ko rito tatapusin ko na ang katangahan at kahibangang ito. Tatapusin ko kung ano ang meron sa amin, kailangan ko ito sa para sa arili ko dahil ako lang din ang mahihirapan kapag pinagpatuloy ko pa na umasa sa kanya.
Aalis na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumawag siya. Sasagutin ko ba? Pero bakit siya tumawag ngayon kung kasama niya ang asawa niya? Nanggago na naman ba ito? Tiningnan ko muna saglit ang pangalan niya bago sagutin.
"Magkita tayo, in your condo..." Napangiwi ako nang agad niya itong patayin. What was that?
Lumabas agad ako at hinanap ko siya, nakita kong kakalabas lang din ng coffee shop na ito. Lumingon ako sa kasama ko at wala na rin ito. Kinuha ko ang naiwan kong paper bag sa table namin at agad na lumabas sa shop.
"Hi!" Napahinto ako nang may humarang sa akin, "I am Finn. May ka-date ka na ba sa 14?" Huh?
"Wala akong time sa ganito. Excuse me..." I groaned when he held my hand, agad ko iyong binawi at sinamaan siya ng tingin pero ang baliw nakangiti lang sa akin. "Wala akong panahon at sino ka ba?"
"I am Finn nga, gusto ko kasing pumunta rito oh." Pinakita niya sa akin ang isang brochure na hawak niya. "Ang kaso kailangan daw ng kasama, eh nakita kita. Kung papayag ka na sumama sa akin, pagkarating na pagkarating doon ay maghiwalay tayo, gusto ko lang talaga pumunta."
Kinuha ko ang hawak nitong papel at nakasulat para sa magka-relasyon ang promo.
"Kung wala kang girlfriend huwag ka na lang pumunta. Bakit mo pa ako dinadamay? Hindi naman tayo magkakilala... Aalis na ako."
"Scarlet..." I stopped when he mentioned my name, "you are Scarlet, boyfriend ng kaibigan ko. His name is Liam..."
"Ano?"
"I know who you are at alam ko kung ano ka ni Liam." Para akong binagsakan ng langit at lupa habang nakatingin sa kanya.
May nakakaalam kung sino at ano ako kay Liam? Pakiramdam ko hindi ko kakayanin ang ganoong pagkakataon lalo na't may isa na ngayo'y kaharap ko.
"H-hindi ko alam ang ibig mong sabihin."
"Samahan mo lang ako rito, hindi ko sasabihin kay Bianca ang lahat. She's my half sister."
Bullshit!
"Hindi kita kilala, please layuan n'yo na ako..."
Mabilis akong pumasok sa kotse ko at nagmamadaling magmaneho papuntang condo ko. I need to talk to him, hindi pwedeng ipaalam sa kahit kanino kung anong klaseng sitwasyon ang binigay niya sa akin.
Nang makarating ako sa condo ko, nakita ko siyang perteng naka-upo sa sofa. Mabilis ko siyang nilapitan at tumayo naman ito. "What do you need?"
"Leave me alone. Stop following me, stop following us."
"Really, Liam? Iyan ang pinunta mo rito? Pagkatapos mong ipamukha sa akin ang lahat, na mahal mo ako at biglang hindi na dahil may asawa ka naman pala."
"Look. May plano akong sabihin sa'yo ang lahat pero naunahan ako ng takot dahil nalaman ng kapatid ni Bianca. Ayaw kong magkagulo kami, ayaw ko ring mapahamak ka. So, please stop this. Let's stop this, Scarlet."
Umatras ako at napaupo sa isang sofa na kaharap niya lang, gusto ko siyang sampalin, ilabas lahat ng gusto kong ilabas sa kanya pero nanghihina ako. Hindi ko siya mahawakan, nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko may kasalanan din ako kung bakit nandito ako sa sitwasyon na ito, hindi ko inalam kung sino siya at ano siya.
"Liam...kahit minsan ba, minahal mo ako?" nahihirapan kong tanong sa kanya, bumuntonghininga siya kaya napatingin ako sa kanya at parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko nang umiling siya.
"Mahal ko siya, Scarlet. Hindi ko kayang masira ang relasyon namin. I'm sorry..."
"Bitawan mo ako..." Tinulak ko siya nang lalapit ito sa akin at hinawakan ako, nilunok ko ang nakabara sa lalamunan ko. Sobrang sakit ng dibdib ko na hindi ko alam kung paano iyon alisin. Pinilit kong ikalma ang sarili. "Umalis ka na, Liam. Kung hindi mo na ako kailangan diyan sa buhay mo mas lalong hindi kita kailangan sa buhay ko..."
"Scarlet..."
"Out!" Hindi ko na mapigilan ang sarili kong sumigaw at umiyak. Sobrang mahal ko siya, sa kanya ko nakikita ang lahat.
Ang kinabukasan na kasama siya, pero potangina naman. Magmamahal na nga lang ako, sa gago pa!
Pinagmasdan ko siyang lumapit sa pinto at bago pa man siya tuloyang umalis, nagsalita siya na siyang ikinatigil ko lalo.
"Sumama ka kay Finn sa February 14."
BINABASA MO ANG
TVD #13: Conceal The Damaged Soul
JugendliteraturExperiencing too much pain in her life, Scarlet refuses to believe in happiness and love . . . not until an enigmatic guy arrives and changes her perspective in life. *** On February 14, Scarlet Vivienne Go finds herself shouting at the top of the m...