Chapter 02

26 6 17
                                    

Hindi ko alam kung tama bang pumayag na kasama siya sa buong trip na ito. Ang sabi niya sa akin iisipin ko na hindi siya konektado kay Liam pero paano ko gagawin iyon kung kada dikit niya sa akin, si Liam ang nakikita ko.

"May dala akong tela rito, gusto mo?" Nakangiti nitong tanong sa akin, pinagmasdan ko lang siyang kumilos at kumuha ng kung anu-ano sa bag nito. "Wala ka rin bang tubig? Ito oh, marami akong dalang tubig. Kasya sa atin ito, sobra pa nga. At kung gusto mo ito na rin gamitin mong panligo." Natatawang sabi niya.

Baliw ba siya?

Nilabas niya rin ang sinabi niyang maraming tubig, hindi nga siya nagbibiro. May maliit na tumbler hanggang sa malaki. Nagmumukha yatang bag ni dora itong dala niyang bag, saan niya pinapasok ang gano'ng karaming gamit?

"Actually, nagdala rin ako ng pagkain at saka tablet pati na rin wifi alam ko kasing mahina ang signal dito. We can watch movies here, ano gusto mo ba?" para siyang bata kung magsalita at naiinis ako sa kanya.

Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi pa rin nawala ang ngiti niya sa kanyang labi. "Sungit mo naman, ayaw mo bang umupo? Gusto mo ba tumayo rin ako para dalawa tayong magmumukhang baliw na nakatayo---"

"Pwede bang manahimik ka? Alam mo bang naiinis ako sa iyo simula pa kanina hanggang ngayon?" Bakas na talaga sa boses ko ang inis. "Hindi ko kailangan ang company mo, okay? Saan ba ang tulogan ko, matutulog na ako." Inirapan ko siya at akmang tatalikod nang pigilan niya na naman ako.

"Gagawin ko pa lang ang tulogan natin, makapag-antay ka naman siguro or tulongan mo akong gawin." Anong kwarto namin? Tumingin ako sa paligid at halos lahat ng kasabayan namin ay gumagawa ng tent. Teka, don't tell me iyan ang ibig niyang sabihin na tutulogan naming dalawa? I have my own tent, ako ang gagawa ng sa akin. Pero siya ang nagbitbit no'n kanina kaya ko hinahanap sa kanya.

"I can make my own tent," I said at binaba ang dala kong bag.

Tumingin din ako sa baba niya, nandoon ang isang bag ko na ang laman lang ay tulogan ko. Kinuha ko iyon.

"Ikaw na gagawa ng tent natin? Gusto mo bang tulongan kita?" Huminto ako at tumingin sa kanya, this time naiinis na talaga ako literal at umiinit ang ulo ko. Mainit na nga ang panahon dahil wala pang hangin; mainit pa ang ulo ko sa lalaking ito! Pinaglihi ba ito sa kakulitan?

"Anong pinagsasabi mong tent natin? Tent ko lang ito. Gumawa ka ng sa iyo."

"But I don't have a tent." Bigla akong nabulonan kahit wala naman akong iniinom.
Bumaling ulit ako sa dala niyang malaking bag. Ako ba pinagloloko nito?

"You're kidding, aren't you?" Umiling siya sa tanong ko na mas lalong kinalumo ko. Ang laki ng baga niya, mas marami pa siyang dala sa akin pero iyong tent ay wala? Sinadya niya ba ito? At bakit niya naman sasadyain? Diyos ko!

Mas lalo lang akong nainis sa malaki niyang ngiti. Baka hindi ko siya matansya at dumilim ang paningin ko sa kanya.

Kinuha ko ang dala kong tent at tumulong siya sa pag-aayos. May choice ba ako para hayaan siyang matulog sa labas? Baka kapag naubos siya dahil sa kakagat ng lamok sa kanya ay kasalanan ko pa.

Hinayaan ko siyang ayusin ang tent dahil siya na rin naman nagsabi na siya na lang ang gagawa, kaya umupo na lang ako habang nakatingin sa kanya. At dahil gusto ko rin may gawin, wala na akong pakealam sa kanya.

Ginalaw ko ang dala niyang bag at naghanap ng kung anu-ano para magamit sa camping na ito. Hindi nga talaga siya nagbibiro na wala siyang dalang tent, wala akong nakitang tent sa loob ng nag-iisa niyang dalang bag. Iniwan niya kaya somewhere? Kainis, bakit ba ako nag-iisip ng ganoon? Kaloka!

Natapos siyang mag-ayos at ako rin, gumawa lang ako ng maliit na bilog malapit sa pwesto namin. Malapit na rin magtakip silim, nakita ko rin na patapos na ang iba sa kanya-kanya nilang ginagawa. Hindi ko na siya kinausap pa ulit, kinuha ko ang cellphone ko para kunan ng litrato ang sunset.

Ang ganda pagmasdan. Ito ang pinakapaborito kong tanawin sa lahat, pati na rin ang sunrise. Nakakaramdam ako ng kaginhawaan sa tuwing nakakita ako ng sunset at sunrise, nabibigyan ako ng pag-asa sa buhay. It's a sign to live a life full of struggles, ang saya pagmasdan at isipin na magkaroon ka ng pag-asa dahil sa isang bagay na sabihin man ng iba ay weird, but for me, it's not. Kahit magdamag pa akong manuod ng sunset hanggang sa gumabi at antayin din ang mga bituin sa kalangitan, na nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid, masaya na ako. Pakiramdam ko nakakatakas ako sa mundomg magulo.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, baka nilunod mo na ako sa isipan mo ha." Ito na naman ang bwesit sa araw ko. Hanggang sa pagtakipsilim ba naman, iinisin ako nito?

"Hoy Finn, hindi mo ba talaga ako tatantanan?"

"Balita nga hindi tayo tinatantanan, ako pa kaya na ikaw lang ang tinitingnan."

Nakakadiri! Ano bang nakain ng isang ito bago siya umalis ng bahay nila? Bakit ba ako binigyan ng isang kasama na mas baliw pa sa mga baliw sa mental, bagong labas lang ba siya?

"Ewan ko sa iyo, huwag kang magulo." Hindi ko na siya kinausap ulit at bumaling na lang muli sa kalangitan.

"Alam mo, kwento ng Lolo ko dati na kapag may kasama kang mag-antay ng sunset, siya ang makakatuloyan mo." Ngumiwi ako sa sinabi niya at hindi na lang sumagot, wala rin namang kwenta ang sasabihin nito. "Bakit parang hindi ka niniwala sa akin? Totoo ang sinabi ko, nagkatuloyan ang Lolo at Lola ko kasi sabay silang nag-antay na lumabas ang sunset." Mahabang dagdag niya. "At kapag ang taong iyon ay ang makakasama mo sa hirap at ginhawa, kahit hanggang dulo ng hininga ninyo siya pa rin ang makakasama mo."

Natahimik ako at lumingon sa kanya, nakatingin siya sa harap. "Nasaan na sila?" tanong ko, bumaling din siya sa akin na mas ikinatahimik ko at nakaramdam ng kaba dahil sa seryosong mata nito na parang nangungusap.

"Sabay silang namatay dahil pinili ni Lolo na samahan si Lola habang buhay, ang ganda ng kwento nila 'no? Walang nagparaya na mabuhay kundi sabay silang nangako sa isa't isa na kahit anong mangyari at saan sila magpunta, magkasama pa rin sila."

"Anong connect no'n sa sunset?" tanong ko.

"Na tayong dalawa hanggang dulo."

TVD #13: Conceal The Damaged Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon