Chapter 01

54 12 21
                                    

"Hey!" Hindi ko siya pinansin. Kanina niya pa ako kinukulit, sumama na nga ako para matahimik siya.

I received a message from Liam early in the morning, sayings that I should go with this idiot guy who keeps annoying me. If hindi ay isusumbong niya si Liam. Pake ko ba sa buhay nila? Bakit parang kasalanan ko pa kung mangyayari iyon?

"I promised, maghihiwalay tayo pagkapunta roon."

Hindi talaga kita isasama.

"Saan ang pwesto natin?" tanong ko nang makapasok kami sa bus, tiningnan ko naman siya ng seryoso. Nauna siyang naglakad at tumigil sa likod. "Ako na dito," dagdag ko at agad na umupo malapit sa bintana.

Kinuha ko ang earphone at cellphone ko, mas mabuti pang makinig na lang ng music. I don't want to talk to him, or any connection of Liam.

Wala pa nga akong tulog dahil ilang oras akong umiyak pagkaalis ni Liam. And I can't help it but to question my worth. Ganoon ba talaga iyong papel ko sa mundo? Ang iwan ng mga tao?

Nakita ko kung paano niloko ni Papa si Mama noon, I was in high school. Nagmakaawa ako kay Papa na huwag niyang gawin kay Mama, dahil alam ko kung gaano siya kamahal ni Mama. That's the first heartbreak I've experienced. Nakita ko rin kung paano tinigil ni Mama ang buhay niya.

I was there, lying on my bed and looking at her. Hindi ako makagalaw dahil sa mga oras na iyon ay may sakit ako, kitang-kita ko kung paano niya kinuha ang lubid. Gusto kong sumigaw no'n pero hindi ko magawa. Pinili talaga niya ang pagkakataon na hindi ko siya mapigilan. She left me when I needed her the most, iniwan nila akong dalawa. They are selfish as fuck!

Tumigil ako sa pag-aaral at pumunta sa Tita ko na kapatid ni Papa but life is cruel as always. Akala ko'y may makakapitan ako sa mga panahon na mag-isa lang ako pero hindi. Isa sila sa dahilan ng pagkawala ko ng tiwala sa mga tao. Sa kanila ko naranasan ang pagmalupit. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa, lumaban at nanatiling naniwala na baka mayroon pa sa mundong ito ang makakasama ko sa lahat ng sakit at saya. There, I met him. I met Liam. But again, life is cruel as fuck.

"What?" Napaayos ako ng upo at nilingon siya nang kunin nito ang earphone ko na nakasalpak sa tainga ko.

Kinunotan ko naman siya ng noo sa inabot niya sa akin. "Anong gagawin ko sa panyo?"

"Itapon?" Kinuha ko ito at agad na tinapon sa labas. "What the?"

"Ang sabi mo itapon..." sabi ko sa kanya at bumaling muli sa labas. "Nandito na pala tayo, bawal na tayo magsama." Tumayo ako at naunang bumaba sa kanya sa bus.

Napangiwi ako nang makita kung ano ang meron sa labas, ang daming booths na puno ng heart shapes. Yeah of course, it's February 14. Umiling na lamang ako at hindi pinansin ang nasa paligid. I came here to relax, balita ko may magandang tanawin dito. I searched that place and thank God, I got the location that I want to go.

Lakad lang ako nang lakad at napahinto nang may mapansing kakaiba. Pumunta ako sa mga tao na nagkakagulo, parang may tinitignan sila.

"Ang gwapo niya ah." I heard from other girls. Lumakad ako patungo roon and to my surprised, I saw Finn dancing with some folks. He's having fun, isn't he?

Agad akong napailing nang bigla akong ngumiti kakatingin sa kanya, I diverted my gaze when he looked at me. Mabilis akong tumalikod at inabala na lang ang sarili na hanapin kung saan talaga ako papunta.

Hindi ko na siya kasama at ayaw ko rin makasama lalo na't konektado kay Liam, and worst, kapatid siya ng asawa ni Liam.

Lord, hindi ko alam kung ano itong sitwasyon na binigay mo sa akin.

Hindi ko ba alam kung bakit takot na takot si Liam kay Finn. He looks fine naman.

"Excuse me? Tama ho ba itong dinadaanan ko papuntang Mt. Juhu?" I asked the lady who are holding something I don't know, a food?

"Ah opo Ma'am. Diretso ka lang po, makikita mo na." Ngumiti ako nang tipid sa kanya at saka nagpatuloy.

Alam kong malayo pa ang lalakbayin ko, thanks to God too ay mag-isa lang ako. Walang ibang taong naglalakad na kasabay, at ayaw ko rin ng maingay sa ngayon. Gusto kong mapag-isa.

Ilang oras pa akong naglakbay bago ako makarating sa tuktok ng bundok. I heaved a sigh and plastered a wide smile. Ang sariwa ng hangin, kita ko mula rito sa taas kung gaano kaganda ang nasa baba. There's a lot of trees covered by green leaves. A beautiful nature indeed.

Nilapag ko ang aking mga gamit sa bato at uminom muna ng tubig. I am sure wala namang makakarinig sa akin dito kung sisigaw ako kundi ang kalikasan lang.

Umatras ako nang bahagya at saka bumwelo ng isang malakas na sigaw. "Potangina ka Liam! Wala kang bayag! Hayop ka!"

Parang kulang pa. Kumuha ako ng bato at binato iyon sa malayo, gusto kong ilabas lahat ng sakit na naramdaman ko ngayon. Gusto kong isipin na nasa harap ko siya.

Nahihirapan ako, hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Hindi ko napansin na dahan-dahan na akong umupo sa bato. "Ang sakit mong mahalin."

"You should know that there is someone sleeping before you shout." Natigil ako nang marinig ang pamilyar na boses. "Here, take this. Marami akong panyo, kapalit ng tinapon mo kanina." Hindi ko siya pinansin at hindi ko kinuha ang inabot niyang panyo.

Paano ba siya nakapunta rito? Hindi ba nauna ako sa kanya? "Sinusundan mo ba ako?" inis kong tanong sa kanya na hindi pa rin nakatingin sa kanya. Ewan ko ba, badtrip ako sa mukha niya.

"Mas nauna ako rito, sinusundan mo ba ako?"

"Excuse me?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Paanong ako ang sumunod kung nakita ko siyang nakikipagsayawan sa mga tao kanina.

"I went here first at natulog. Hindi ko naman alam na may isang babaeng iiyak at sisigaw rito at inisturbo ang tulog ko." Mahabang sabi niya, inirapan ko na lang siya at kinuha ang mga gamit para umalis.

"Where are you going?" he asked, hindi niya ba nakikita? Na ayaw ko siyang makasama.

"I don't want to see you."

"You have no choice, but to be with me." Ngumiti siya sa akin na nagdala ng kilabot sa loob ko.

"No, ang usapan ay hindi na tayo magsasama."

"I changed the plan, you will be with me till then. After this trip." He's crazy!

"Look, Mister. Hindi ko alam kung ano trip mo sa buhay pero kung trip mo talaga akong isama sa kabaliwan mo, huwag ako. Tama na, ayaw kong makasama ka. Kahit anong connection sa kanya."

Napatigil naman ako nang ilabas nito ang cellphone at may tinawagan. "Anong ginagawa mo?" I asked. Kibitbalikat niyang pinakita sa akin ang pangalan ng tinawagan niya, it was Liam!

"I will cut my connection with him. Para lang sumama ka sa akin."

TVD #13: Conceal The Damaged Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon