"A-ang ganda ng langit..."
Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya nang makita mula sa gilid ng aking mata na papalubog na ang kalangitan.
Kasabay no'n ang pagbilos ng tibok ng dibdib ko. Anong nangyayari? Bakit umiinit din ang pisngi ko? Hindi ko malaman kung bakit bigla akong nahiya sa lalaking kasama ko ngayon.
"Tapos na ang tent natin, shall we?"
"N-natin?" Nauutal kong tanong na para bang nabingi sa sinabi niya. Namin talaga?
"Yes, natin. Isa lang naman ang tent natin, same with them." Turo niya sa mga tao sa paligid.
At doon ko napagtanto kung ano ba talaga ang meron sa camping na ito, nakalimutan kong ang promo na ibinigay niya sa akin ay para sa magkasintahan kaya wala kaming binayaran na entrance, pamasahe sa bus dahil service na pala iyon papunta dito, at mga pagkain na sila na mismo ang nagbigay at magbibigay.
"Ano? Tatayo ka na lang ba d'yan?"
Tumingin ako sa kanya, isang kilometro lang ang layo niya sa akin ngayon dahil nagsimula na siyang maglakad pabalik kung saan niya inilagay ang tent namin. I mean, tent ko. Shit.
"Susunod ako."
Nagsimula na rin akong maglakad papalapit sa kanya, kahit sinabihan ko na mauna siya ay pinilit pa rin na antayin ako kaya hinayaan ko na lamang siya.
"So, what do you think?" tanong niya sa akin at tinuro ang tent na nasa harap namin.
Gusto niyang marinig ang comment ko kung paano niya inayos ang tent ko? Ano bang special sa pag-aayos niya ng tent, simple lang naman iyon. "What do you mean?" lito kong tanong.
"I mean, inayos ko iyong tent natin. Maganda ba? Magiging komportable ka ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Mas lalo lang kumunot ang noo ko. Bumuntong hininga siya at hinawakan ang dalawa kong balikat sabay binuksan niya ang tent. Halos manlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.
What the hell?
"Surprise!"
May gana pa siyang matuwa. Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko, inis ko siyang tinignan. "Anong ginawa mo?"
"What? Hindi mo ba nagustuhan? I can change---"
Pumikit ako nang mariin. Hindi ko yata siya kakayanin makasama nang matagal sa lugar na ito. Ang magaling na lalaking ito, nilagyan niya lang naman ng palamuti ang loob ng tent. May kulay pulang baloon, meron pa siyang dinikit na mga puso, meron ding mga rosas na pula sa mismong higaan, at ang malala ay may nilagay siyang scented candle sa gitna. Nagmumukha tuloy kaming mag-d-date sa loob mismo ng tent.
At isa sa pinagtataka ko, saan niya iyon nakuha lahat? Hindi ko naman iyon nakita sa bag niya kanina. O baka sa isa niya pang bag. Pero kahit na! Para siyang baliw.
"Alisin mo iyan, Finn. Nakakahiya sa mga tao rito," mahina kong sabi sa kanya.
Pinipigilan ko ang sarili kong sumigaw sa inis, ayaw ko naman isipin ng mga taong nandito na nag-aaway kami at baka kami pa ang maging topic nila buong camping.
"Nakakalungot naman na hindi mo nagustuhan ang ginawa ko. Hiningi ko pa naman iyong mga rosas sa isang magkasintahan na umuwi dahil nag-away sila." Kinuha niya ang baloon na nasa ibaba niya, "at itong baloon, binili ko mismo sa souvenir store, at ang candle na iyan hiningi ko rin sa girlfriend ng lalaking iyon." Tinuro niya ang lalaking hindi kalayuan sa amin na nag-aayos na ng bonfire.
Dahan-dahan kong ipinikit muli ang aking mga mata, tinatawag sa isipan ang simoy ng hangin dahil tila hindi ko sila maramdaman ngayon na naiinis ako sa lalaking ito. Dahan-dahan ko rin inimulat muli ang mga mata ko at ngumiti sa kanya. Alam kong ang ngiti ko na iyon ay mapapansin na hindi sincere na ngiti.
"Ano bang naisip mo para gawin ito?" tanong ko sa kanya, pinilit ko ang sarili kong kumalma. "Ipapaalala ko lang ulit sa'yo na hindi tayo mag-boyfriend at girlfriend. Pinilit mo lang ako rito para samahan ka at maka-libre ka, hindi ba? Sana hanggang doon na lang ang ginagawa mo..."
At ang loko, ngumiti pa na para bang hindi niya ako nainis. "Nainggit lang ako sa kanila dahil ang sweet nila. Baka magtanong sila kung bakit hindi tayo sweet sa isa't isa, mabuking pa tayo na nilubos natin ang libre, hindi ba?"
Nagawa niya pa akong utuin. Iniisip ko na lang na wala talaga siyang magawa sa buhay niya. Bumuntonga hininga ulit ako, mas lalong pinakalma ang sarili dahil ayaw ko rin magalit lalo na maraming tao.
"Bahala ka riyan." Pumasok na ako sa loob ng tent, at kahit na naiinis ako sa kung anong meron sa loob hinayaan ko na lang din. Tinignan ko pa ang mga ito isa-isa.
Naramdaman kong pumasok na rin siya sa loob ngunit hindi ko siya tinignan, nasa scented candle na ang tingin ko ngayon. Hindi naman masusunod ang tent dahil sa candle dahil nakatakip mismo ang pinaglalagyan nito.
"Hey?" tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya, tinaasan ko siya ng isa kong kilay. "I'm sorry. Naisip ko lang na baka magustuhan mo ito kaya ko ito ginagawa. I just want you to feel how special you are...today."
Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa sinabi niya.
"Why?" tanong ko dahilan para kumunot ang noo niya. "Bakit mo ito ginagawa? Are you feeling guilty dahil sa ginawa ni Liam sa akin?" Mas lalong kumunot ang noo niya.
Kita ko kung paano siya umismid. "Of course not. Bakit ako ang makakaramdam ng guilty kung hindi naman ako iyong nanloko..."
Then why? Potangina, bakit niya ginugulo ang isip ko ngayon.
"Then why are you doing this?"
Hindi siya sumagot, tinignan niya lang ako ng seryoso sa mga mata ko. Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya ngunit hindi ko rin magawa, na tila ba isang magnet ang tingin niya sa akin.
"Magsisimula na ang program...tara na, patayin ko muna ang kandila---"
Akma na sana siyang tatayo pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan. "Tell me, Finn..." giit ko.
Tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa palapulpusan niya, napatingin din ako roon at nang mapagtanto ang ginawa ko, agad ko iyong inalis. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero laking gulat ko nang hinawakan niya ang baba ko.
Kinabahan ako sa tingin niya ngayon kumpara kanina na sobrang seryoso. Kakaiba ang tingin niya sa akin ngayon na para bang may gusto siyang sabihin sa akin na hinding-hindi niya masasabi. Iiwas na sana ulit ako nang hinuli niya ulit ang baba ko.
"Lalabas na tayo---"
Bigla akong nanigas sa kinaupuan ko, nanlaki ang mga mata at hindi alam kung saan ako hahawak. Ramdam ko rin ang panghihina ng katawan ko, kaya hindi ko siya maitulak palayo sa akin.
Shit! He kissed me!
"Hindi pa ba halata na gusto kita, Scar? No, hindi lang gusto. Mahal kita. Matagal na kitang mahal..."
BINABASA MO ANG
TVD #13: Conceal The Damaged Soul
Roman pour AdolescentsExperiencing too much pain in her life, Scarlet refuses to believe in happiness and love . . . not until an enigmatic guy arrives and changes her perspective in life. *** On February 14, Scarlet Vivienne Go finds herself shouting at the top of the m...