"KUYA!" Malakas na sigaw ko na halos lumabas na ang baga ko.
Umiyak ako ng malakas habang nakatingin sa salamin at kinukuskos ng tissue ang mga sulat ng pentel pen sa mukha ko. Nakarinig ako ng mga kalabog bago iniluwa ng pinto ng kwarto ko ang tatlong lalaking naghihikahos dahil sa sigaw ko.
"What happened?!"
"Bakit?!"
"Anong nangyari?!"
Lumingon ako sa kanila at ang kaninang nag-aalalang boses at mga mukha ay napalitan ng itsurang nagpipigil ng tawa. Tinitigan ko sila ng maigi, si Kuya Gani na may bula-bula pa sa kamay at may hawak pang plato, si Kuya Flav na halatang kakaligo lang dahil may tulo-tulo pa ng tubig sa katawan at naka-tuwalya lang at si Kuya Ajih na may hawak na paintbrush at mga pintura sa kaniyang naked body.
Umusok ang ilong ko, "Kuya Clau!" agad akong sumugod palabas at tinungo ang katabi na kwarto.
"Kuya Clau! Lumabas ka na! Alam kong ikaw ang nagsulat ng pentel sa mukha ko!" sigaw ako habang hina-hunting siya.
Kagigising ko lang pero ang pangit na agad ng bungad! Heto na naman kami sa mga kalokohan niya!
"Kuya Clau—" natigilan ako sa pagsigaw nang madatnan ko ang seryosong mukha ni Kuya Dim nang pasukin ko naman ang kasunod pang kwarto. Naka-upo siya sa study table niya at may ginagawa nang lingunin niya ako.
Itinaas niya ang makakapal na kilay, tinatanong kung bakit ako nagsisigaw gayong umaga. Mabuti na lang at lagi siyang seryoso kaya hindi niya ako tinawanan.
Tumikhim ako, "Kuya Dim, n-nakita mo ba si Kuya Clau? Sinulatan niya kasi—"
"Ako ang gumawa niyan," he lifts his right hand, the ones that's holding a marker, "now, would you please go back to your room... quietly," malamig nitong banggit.
Dahan-dahan akong tumango at sumunod na 'rin. His blank stare alone could even throw me outside.
"A-ah, okay lang pala Kuya! Sorry sa istorbo," ako pa ang nag-sorry, tsk. Tumango lang siya ng isang beses at inayos ang salamin sa mata bago bumalik sa ginagawa.
Kasalanan 'to ni Kuya Clau! Alam kong siya ang gumawa nito dahil siya lang ang hindi pumunta sa kwarto ko— well, except Kuya Dim dahil wala naman talaga siyang pakialam sa paligid niya... at si Kuya Clau lang ang capable gumawa ng mga ganoon!
Binura ko na lang ang mga doodle sa mukha ko sa CR na may sama ng loob. Mabuti sana kung sulat lang na pusa eh, kaso puno talaga ang mukha ko ng random doodles at may mga kabastusan pa!
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay nagmamadali akong pumunta ng kusina, tinatawag na kasi kami ni Kuya Gani sa dining para kumain at doon, maikita ko na ang Claudio na 'yon! Humanda siya sa 'kin!
"Yani! What's with the rush? Mamaya ay madapa ka pa riyan," Kuya Ajih warned me when I ran past him.
Isang bongaloo ang bahay namin kaya't malawak at nakakatakbo talaga ako ng malaya. Dahil nga wala itong second floor ay ginawa siyang sobrang spacious na sinasakop ang kalahati ng lupa namin, dahil din dito ay medyo malalayo ang agwat ng mga area gaya nalang ng kwarto ko at kusina na tinatakbo ko pa.
"Huli ka!" Sumakay ako sa likod ni Kuya Clau nang makita ko siyang nakatayo at naghahanda sa lamesa.
"Ouch! Yani, baka mabasag yung mga plato!" Singhal niya habang nilalapag ang mga plato sa lamesa sa takot na mabasag niya ito.
Hindi ko naman siya tinigilan at nilamukos pa lalo ang mukha niya. Wala sana akong balak tigilan siya hanggang hindi na niya makilala ang sarili niya kaso narinig ko ang sigaw ni Kuya Gani.
YOU ARE READING
Suong (Sanres #1)
Teen FictionHayani Isidore Sanares, the only girl of the Sanareses. Growing up in an all-boys household, she is being treated like princess but as she confessed her love to her long-time crush, Santiago Thres Llanes, she wills to put down her crown and chase he...