"I told you!" pag-iyak ko kay Yna. Narito kami sa comfort room ng school ngayon dahil gusto kong mag-rant sa kaniya at ayoko namang marinig ng iba.
"Why would he do that?"
"Hindi ko alam," yumuko ako habang nakakapit sa lababo, "it's not his thing daw..."
Grabe siya! At least be appreciative! Kapag binigay sa iyo, wala kang ibang dapat gawin kung hindi tanggapin o isauli. That heartless man!
Narinig ko ang buntong-hininga ni Yna, "so, you will give him up na lang? Susuko ka na n'yan?"
Agad naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya, "what do you mean? Hindi pa ba ito sign sa 'yo? And in the first place, wala naman akong igi-give up!"
"Your feelings kaya, duh?"
"Madali lang naman itong kalimutan, bata pa---"
Natigilan kaming pareho nang bumukas ang isang cubicle at mula roon ay lumabas ang isang--- not just a random girl in our school but... freaking Thres' friend! Pakibuka na ang lupa, ako na po ang bababa!
"Excuse me," sabi nito nang naka-angat ang gilid ng labi bago lumapit sa 'min para maghugas ng kamay.
Hindi mawala-wala ang ngisi sa mukha niya mula sa pag-aayos ng siyete-cut niyang buhok hanggang sa maglakad siya palabas. No, she can't go out!
"T-teka!" Pinigilan ko siya bago pa man siya makatapak sa labas, "you won't tell him whatever you heard right?"
Lumingon siya ulit sa 'kin na parang siga na ngayong ngumunguya ng chewing gum niyang hindi ko malaman kung saan nakuha.
"Dilag, next time, i-check niyo muna lahat ng lugar na pwedeng may tao bago kayo mag-chismisan," hambog niyang sabi at akmang aalis na muli pero pinigilan naman siya ni Yna.
"Maka-'dilag' naman, akala mo hindi siya dilag."
Ang non-sense ng sinabi niya, huhu. Pang-asar lang? Anong pinaglalaban mo, Yna?
"Hindi ako 'dilag', pasensiya ka." Kumindat ito bago tumalikod ulit but just few steps she turned to us again, "siya nga pala, h'wag mong ligawan si Thres tuwing linggo, dinadalaw niya kasi lola niya sa sementeryo," at lumabas na itong tumatawa-tawa.
"Tsk, you're not a 'dilag'? Eh, bakit ka nasa girl's CR, fool." Napa-iling si Yna sa inis.
Ako naman ay iniisip ng mabuti ang sinabi nung kaibigan ni Thres. Lola... Sementeryo... Patay na ang lola na sinasabi niya?! Paano nito naamoy?
Wait, does this mean... pinag-tripan lang ako ni Thres? He made me feel stupid! Oh, hindi kaya, iyon na talaga ang rejection niya sa 'kin? Or, his 'nice' way of saying he didn't like my gift?
I'm not even sure anymore if he really lit it and saw my confession.
"This is it, Yna."
"Huh?"
Okay, I have decided, hindi ko na siya titigilan. Nililito niya ako sa mga bagay-bagay? Puwes, lilituhin ko rin siya, hindi ako aamin ng direkta sa kaniya hanggang sa siya naman ang maguluhan sa lahat!
A confusing plan of confusion.
"So, you mean, you're gonna chase Santiago Thres na?"
I grinned and just held her hand before running to our class.
"I'm liking you better, Yani-babes!"
Nakarating kami sa klase at binawi ang hininga bago pumasok sa pintuan sa likuran, may nagka-klase pa kasi sa harapan atsaka sa likod din naman kami naka-upo. I went in after Yna and before sitting, I whispered to Thres' ears as I walked through his chair.
YOU ARE READING
Suong (Sanres #1)
Teen FictionHayani Isidore Sanares, the only girl of the Sanareses. Growing up in an all-boys household, she is being treated like princess but as she confessed her love to her long-time crush, Santiago Thres Llanes, she wills to put down her crown and chase he...