CHAPTER 4

12 2 0
                                    

"This is the time! A week from now and you're gonna be Mrs. Llanes!"

Pinanlakihan ko ng mata si Yna at mahinang siniko dahil sa ingay niya. Andito pa naman kami sa canteen at maraming makakarinig.

"Ang OA ha, mag-coconfess lang naman ako and after no'n wala na kaming connection, i-uuncrush ko na siya."

"What? Why?"

"I'm sorry for bursting your bubbles, Yna, pero as if namang magt-take ng action si Thres sa 'kin. Isa lang ako sa daan-daang umamin sa kaniya na wala siyang pakialam! Tsaka mahihiya na ako pagkatapos no'n at hindi ko na siya matitignan ulit." ini-rolyo ko ang mga mata at ibinagsak ang mga balikat.

Napa-atras naman ako sa tingin niya, "why don't you take the action? Hindi naman pwedeng ikaw ang mag-hintay sa kaniya eh, ikaw naman ang nagkagusto."

Inisip ko naman ang sinabi niya. That pag-amin sa feelings ko is already brave enough! I don't think I have to do the first move pa.

"Why would I? Ako ang babae. Ang over-supportive mo na para sa pag-iisip ng future namin."

"Oh, c'mon! Does it need to have a gender basis? Sige na! Isang move lang, hindi naman kabawasan sa 'yo yun," pinagdikit niya pa ang mga palad.

Tumayo na ako sa upuan. "Pag-iisipan ko," saka ako tumalikod at naglakad na pabalik sa classroom.

At nagsimula na naman akong kabahan. Who wouldn't if your crush is just sitting beside you, five hours a day na alam mong malapit ka na umamin sa kaniya? Hindi ko na nga ito matingnan man lang.

"Ok classmates, our Christmas party is close so I guess we'll have to do the bunutan for the exchange gifts na," giliw na giliw na sabi ng maarte naming class president.

Oo, maarte siya. Pa-conyo kuno at lagi pang naka-pigtails at liptint.

"Bakit may party pa tayo sa room? Hindi ba may Christmas fair naman sa buong school?" pag-alma naman ni Jane, isa sa mga kaklase ko.

She has a point though. Hindi naman kami mags-stay sa room eh pero ang alam ko ay may ganoon rin ang ibang mga section. At paano ko naman kasi maibibigay ang regalo ko kay Thres kung walang exchange gift?

Nagtaas naman ng kamay ang isa ko pang kaklase, "yeah, 'di ba dapat mag-focus tayo sa pagpapaganda ng fair ng strand na 'tin?"

Agad na nag-init ang paligid ko nang magsalita si Thres sa tabi ko, "I think it's a good idea na mayroon rin tayo sa room na 'tin kasi sa fair, ang gagawin lang na 'tin ay gumastos sa mga games and raffles, paano naman ang fun 'di ba?" majority agreed with him. Iba pa rin talaga kapag nasa malapit lang siya at nagsasalita.

At iyon na nga ang ginawa ng president namin. Gumawa siya ng bunutan at pinabunot kami nang mag-uwian na. Si Thres ang naunang bumunot dahil crush siya ng president namin pagkatapos ay umalis na rin siya. Just when he stepped outside the classroom, Ynarra shouted.

"Kung sino man ang makakabunot kay Llanes, makipagpalit sa 'kin, 'yun lang!"

Hours turned to days faster than I wanted. It's time. Ilang minuto na lang ay Christmas party na namin, ito lamang ang nakatulugan at nakagisingan kong iniisip, napanaginipan ko pa nga eh.

I wore my baggy pants, knitted halter top and white sneakers with all the courage I could get, kailangan ko ito sa pag-aabang ng reaction ni Thres after ng gagawin ko. Hinatak ko pa ang confidence ko sa kailaliman ng mundo. Mas nakakahiya kung magpapakita ako kay Thres na may hiya.

"Ano nga? Paano mo nga sasabihin? Harapan ba or may pa intense, suspense-kineme ka pa?" excited na paghila sa 'kin ni Yna.

Itinaas ko ang gilid ng labi ko, "wait and see..." walang ibang nakarating sa tenga ko kung hindi ang tili niya.

Suong (Sanres #1)Where stories live. Discover now