KAHIT na naka-isip na ako ng paraan para maka-iwas ako sa pag-amin kay Thres, ay hindi pa 'rin ako pinatulog ng pago-overthink ko tungkol dito. Mukha tuloy akong lantang gulay pagkagising ko. Dumiretso na lang ako sa kusina at nadatnan doon ang mga Kuya ko.
"What time did you sleep, Yani?" tinanong ako ni Kuya Gani habang nagluluto siya ng fried rice.
"Your bags are swollen," dagdag ni Kuya Clau, "ang alam ko, wala akong kapatid na panda eh," asar pa niya habang nagtitimpla ng kape nila at pini-prepare ang gatas ko.
Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa nang umupo siya sa harap ko at nag-abot ng soy milk sa 'kin. Nang pumwesto na rin si Kuya Gani ay saka ako sumagot.
"2 AM," ngumuso ako.
"At bakit naman?" nagtaas ng isang kilay si Kuya Gani.
I shrugged at iniba na lang ang usapan, "umalis na pala sila Kuya Flav?"
"Obviously. Are you seeing anyone right now?" pilosopong sagot ni Kuya Dim na iniikot pa ang tingin sa mga upuan na walang laman.
"Scary naman, Ron-Ron," biro ni Kuya Clau kay Kuya Dim at siniko pa ako.
Kahit na mas matanda si Kuya Dim kay Kuya Clau ay hindi sila gumagamit ng Kuya, second name basis sila. Hindi rin naman magkakalayo ang edad nila, tig-iisang taon lang ang agwat, unlike me na five years ang gap mula kay Kuya Clau. Kaya kahit pinaka-matanda si Kuya Gani ay parang magkaka-edad lang ang turingan nila, even Kuya Flav and Kuya Ajih na kasabayan lang din ni Kuya Clau.
Nanahimik na lang ako hanggang matapos kami mag-almusal dahil kinakabahan pa rin ako sa sinabi ni Yna. Iniling ko na lang lahat ng iyon at pinilit mag-ayos, napabagal tuloy. Kung hindi ko pa narinig ang sigaw ni Kuya Gani ay hindi ko pa mapapansin ang oras.
"Yani! What time ba yung class niyo? Bakit ang tagal mo naman maghanda r'yan?"
"Papunta na po!"
Sumakay na ako sa Jeep ni Kuya and as usual, dalawa sila ni Kuya Clau maghahatid sa 'kin kaya lalo akong nagmukhang bata rito sa likod na inihahatid ng dalawang hunk bodyguards niya. Mas nakakahiya pa kapag kasama sila Kuya Flav dahil partner-in-crime sila ni Kuya Clau at siguradong may kalokohan kapag magkasama 'yong dalawa. Kahit ganoon ay napapangiti na lang din ako, I am thankful because they are here to fill the empty space my late parents left even if they are sometimes--- 'most' of the times, chaotic.
"Hey, girl," tawag ni Kuya Clau pagkababa ko pa lang, "yung lunch box mo, hindi mo kinuha,"
"Urgh! Hindi naman na ako bata!"
"Go get your lunch, Yani, he cooked," si Kuya Gani,
"H'wag niyo na kasi ako pabaunan, kaya nga may canteen eh," giit ko,
"Alright! Go, you're gonna be late!" wala na rin siyang nagawa.
Nagpaalam na rin ako sa dalawa at tumakbo na papasok dahil late na rin talaga ako. Ganon nalang ang tuwa ko nang hindi ko naman madatnan ang inaasahan ko sa classroom namin. Dinilaan ko pa si Yna na nakasimangot na naka-upo sa likod, bago tuluyang pumasok.
"Miss? Where are your manners?" I quickly looked in front, when the instructor mentioned me.
Dire-diretso pala ako ng pasok at hindi na napansin ang nagtuturo sa harap. Nadala ako ng tuwa huhu at sa gitna pa talaga ako napatigil ng guro.
"I'm sorry, ma'am, I didn't mean to interrupt your lesson," paghingi ko ng tawad sa medyo may katandaang babae sa harap. Mukhang istrikto.
Bagong subjects na kasi ang aaralin sa second semester kaya bago na rin ang mga magtuturo na majority ng subjects.
YOU ARE READING
Suong (Sanres #1)
Teen FictionHayani Isidore Sanares, the only girl of the Sanareses. Growing up in an all-boys household, she is being treated like princess but as she confessed her love to her long-time crush, Santiago Thres Llanes, she wills to put down her crown and chase he...