Si Bert na Malambing na Guard 1

728 1 0
                                    

Araw-araw, sumasakay ako ng jeep mula sa aming barangay papunta sa trabaho. Gusto ko ang lokasyon namin ngayon dahil accessible ang lugar at ang mga jeep na bumabyahe ay dumadaan sa mga mall, palengke at higit sa lahat malapit sa opisina namin.

Kapag wala akong field work, ito ang buhay ko araw-araw - bahay, jeep, opisina.

Minsan, may nakasabay ako sa jeep, unang tinngin ko pa lang sa kanya ay nahulaan ko na agad ang kanyang trabaho dahil sa kanyang suot na uniform - isa siyang security guard. Pero inisip ko rin na hindi siya basta security guard lang dahil nakasuot siya ng boots, naka tuck in sa kanyang boots ang kanyang cargo pants. Putting T-shirl lang ang suot niya at may bitbit na back pack kung saan siguro nakalagay ang kanyang upper uniform. Magkakaharap kami sa jeep kaya hindi mahirap para sa akin na makilatis talaga siya. Halos magkapareho ang aming physical features - skinhead ang gupit, matangos na ilong, nasa 5'4" - 5'5" ang tindig. Mas maputi nga lang siya at mas matipuno ang katawan niya dahil siguro sa kanyang training. Halatang napuyat siya dahil nakatulog siya sa gitna ng traffic. Ang inisip ko sa sarili ko, baka nakipag-inuman ito kagabi o di kaya''y nag bantay ng bata hehe. Hindi naman talaga siya ganun ka attractive pero isa siya sa mga ipagmamalaki ng mga gwardiya - may dating.

Sabay kaming bumaba sa isang kanto (isang block mula sa opisina namin) at tumigil ako ng ilang sandali upang alamin sana kung saan ang kanyang punta at malaman sana kung saan siya nagtatrabaho. Kaya lang magkaiba ang direksiyon na aming pupuntahan kaya naglakad na lang ako sa direksiyon papunta sa opisina namin habang pinangarap na sana maging maayos ang buhay niya at sana rin ay mg krus muli ang landas namin.

Nagbyahe ako ng isang linggo at tuluyan nang nawala sa aking isipan si matipunong security guard. Maayos naman ang aking biyahe. Maraming trabaho sa field pero Masaya rin naman dahil marami na rin akong kakilala at kaibigan sa field.

Pagka lunes, maaga ulit akong nag-abang ng jeep upang makaiwas sa agawan at trapik. Nang makakuha na anko ng masasakyan, naalala ko si matipunong sikyu, "nasan na kaya siya" ang sabi ko sa sarili ko. Hindi naman ako gaanong naghanap subalit sa tingin ko magiging mas Masaya sana kung nakasabay ko yang muli sa jeep na iyon. Inalis ko na lang siya sa aking isipan at nag concentrate sa pakikinig ng music mula sa aking mp3 player.

Sa araw-araw na paglalakad ko mula sa babaan ng jeep patungo sa opisina, memoryado ko na ang mga establishments na madadaanan - isang aplliance center, ang suki kong bangketa ng mga kendi at nilagang saging, isang paliit na massage parlor, shirt printing shop, maliit na karinderia at pinaka kanto ang malaking branch ng BDO. Pagdating sa BDO, liko lang pakanan at pangatlong building sa tapat ang opisina namin.

Kinabukasan, lakad ulit ako. Madalas kong naabutan ang mga armoured cars na nakaparada sa labas ng BDO habang ang mga security persons na sumasama sa mga sasakyan ay naghahanda naman at nag-uusap sa may pintuan mismo ng bangko. Habang dumadaan ao sa tapat ng bangko, hindi ko sinadyang mapatingin sa tumpok ng mga guwardiya at nagulat talaga ako nang magkasalubong ang aming tingin. Halatang parang may naalala siya nang nakita niya ako at baka ganun din ang naging impresyon niya sa akin. Hindi talaga ako nagkamali siya talaga yon. Mas maaliwalas ang kanyang mukha nang umagang iyon at mas pogi siyang tingnan kung nakangiti.

"What a nice day to start the day" ang sabi ko sa sarili ko. Buong araw na iyon ay madalas ko siyang maisip. At madalas rin akong sumisilip sa may bintana mula sa CR ng opisina namin kung saan abot-tingin ang isang bahagi ng Bangko - nagbabakasakali na makita ko siya mula sa aking kinaroroonan.

Araw-araw yun na ang nangyayari - sasadyain kong dumaan sa gilid ng bangko at bahagyang sulyap sa tumpok ng mga guwardiya. Hindi ko alam - kung dinadaya ko ang sarili ko o talagang inaabangan niya rin ang pagdaan ko. Madalas kasi yung ang nakikita ko - bago magpang-abot an gaming paningan ay parang sinusurvey niya ang buong paligid at pag nakita niya na ako, bigla siyang titigil at titingin sa baba. Inisip ko na baka nahahalata niya na attracted ako sa kanya o di kaya pareho an gaming nararamdaman - ang saya naman kung ganyan!

M2M Kwentong KalibuganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon