POEM 12

5 3 0
                                    


Buwan

Oh, buwan, ikaw ang aking ilaw mula sa kadiliman,
Buwan, ikaw ang nakakaalam sa aking mga nararamdaman.

Sakit at pighati ay iyong nasaksihan,
Ikaw lamang ang nagbibigay liwanag sa aking kadiliman.
Iyak at hinagpis ay iyong nakikita,
Ika'y tila nakikinig na parang isang maralita.

Buwan, ikaw ang nakasaksi sa aking mga pagtangis,
Maging ang aking pagiging rebelde at mabangis.

Maraming salamat sapagkat ika'y nariyan kung ako'y tatangis,
Nawa'y ako'y makangiti na rin ng matamis.

Poems of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon