POEM 7

6 3 0
                                    

Ulan

Tuwing ako'y iiyak ika'y nariyan,
Ika'y aking naging karamay magpakailanman.
Ulan, ika'y nakikiramay sa akin,
Sa paghihinagpis at sa aking mga panalangin.

Kay lamig ng simoy ng hangin,
Ika'y aking naging kasama sa aking mga pagtangis.
Tangis na akala mo'y walang bukas,
Puot at paghihiganti ang minsa'y umaalpas.

Iyak ko'y iyong rinig,
Bawat hikbi ko'y iyong nadidinig.
Nakikiramay sa aking paghihinagpis,
Lungkot at lumaby ko'y naaalis.

Hindi ka man tao ngunit ika'y aking pinagkakatiwalaan,
Lahat ng problema ko'y sayo ko isinasaliwalat at inaasahan.

Poems of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon