Chapter 1

3.5K 61 11
                                    

Kanina pa palinga-linga si Camila, nagbabakasakali na may mahihingan siya ng tulong. Kung bakit kasi ngayon pa na-flat ang gulong ng kotse niya kung saan malayo na siya sa kabihasnan. The road was isolated, it was getting dark, and she was in an unfamiliar place. Nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya sa kaba. Kung may masamang tao siyang makakasalubong ay tiyak na wala siyang kahahantungan kung hindi ang kapahamakan.

Papunta siya sa bahay ng nobyo niya. Axel Esquivel told her he was in his town in La Union. She had no idea that the town he was referring to was twelve hours away from Manila. And now, she was lost. And Axel wasn't answering his telephone in the last two days ago.

Matindi ang pangangailangan niya kaya't siya nagpunta dito, nagbabakasakali na makausap niya si Axel. Kailangan niya ng pera para maipaopera ang ina niyang maysakit. Ang sabi ng mga doktor, kapag hindi pa rin ito naoperahan sa puso ay malaki ang tyansang atakehin itong muli. Traidor ang sakit ng ina. Kailangan na niyang kumilos.

Mayaman si Axel. Isa ito sa nagmamay-ari ng isang distilerya kung saan siya nagtrabaho dati bilang isang clerk. Nang manligaw ito sa kanya ay sinagot niya agad dahil humanga siya sa sipag nito kahit mayaman na. Nang malaman nitong hindi pa siya nakatapos ng college ay pinag-aral siya nito sa isang mamahaling university. Katatapos lang ng graduation niya noong isang buwan at ngayon ay naghahanap pa lang siya ng trabaho. Hindi naman kasi nag-offer si Axel na pabalikin siya sa kumpanya nito. Ang gusto pa nga ng kasintahan ay huwag na siyang magtrabaho. Ang kaso, dumating naman ang problema niya sa kalusugan ng ina matapos nitong atakehin sa puso noong isang araw.

She needed one million at least. Kayang-kaya naman siguro siyang pahiramin ni Axel. Hindi naman ito madamot sa kanya dahil ito pa nga ang bumili ng kotse niya noong nakaraang taon - second hand nga lang, dahil binili daw nito sa isang kaibigan. Pero bukod sa pagbayad nito ng tuition fee niya at pagbili ng kotse, ito na rin ang nagbabayad ng apartment na inuupahan niya sa Quezon City. In short, si Axel na ang bumuhay sa kanila ng Mama niya sa loob ng mahigit isang taon.

Muli siyang luminga sa paligid pero wala pa rin talagang tao. Alas singko y media na, ilang minuto lang ay tuluyan nang lalamunin ng dilim ang paligid. Ni wala pa siyang kain dahil minadali niya ang pagpunta dito. Besides her need of money, she also misses her boyfriend she hasn't seen in more than two months. Ang sabi kasi ni Axel ay abala ito sa paroo't parito sa Maynila at La Union dahil pinuuwi ito ng ama dahil sa ilang importanteng bagay. Ilang buwan na ring pasulpot-sulpot na lang si Axel sa apartment niya matapos hindi niya ibigay ang nais nito - ang makuha ang pagkababae niya.

They never had sex in their one-year relationship. Kung mayroon man ay yoong halik lang na umabot hanggang sa dibdib niya. Axel was one hot good-looking guy, walang duda roon. It was just she doesn't want to engage in pre-marital sex. O siguro ay nag-aaral pa siya noon kaya't takot siya dahil baka mabuntis siya nito. O baka dahil hindi naman nito binabanggit ang kasal. Pero kung ngayon hihilingin ni Axel ang p'gkababae niya ay buong puso niyang ipagkakaloob, alang-alang sa Mama niya na kailangan nang maoperahan.

Isang busina ng mamahaling sasakyan ang nagpaigtad sa kanya sa pag-alala kay Axel. Bumaba ang driver at lumapit sa kanya. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag.

"Sino ho ang hanap niyo?" tanong nito na naka-uniporme pa. Tuluyan nang nawala ang takot niya nang marinig ang magalang nitong tinig.

"Hinahanap ko ho ang bahay ni Axel Esquivel. Pero biglang tumirik ang sasakyan ko."

"Ay! Kaano-ano ho niyo si Sir Axel?"

"Girlfriend niya ho ako."

Nakita niya ang pagkagulat at kalituhan sa mukha ng driver. Lumingon ito sa kotse at nagkamot ng ulo.

"Ah... Eh... Sandali lang ho." Mabilis itong tinungo ang sasakyan at may kinausap doon. Hindi niya maaninag kung sino ang kasama nito at kung ilan. Car's window tint was almost black. O baka nagmukha lang madilim dahil padilim na rin ang paligid. Isang minuto din yata ang lumipas bago siya binalikan ng driver.

"Sumakay na lang daw ho kayo at sumabay sa amin. Wala namang gagalaw ng sasakyan niyo dahil sakop na ng hacienda ang lupang ito." Itinuro nito ang itim at makintab na Ford Expedition.

"Malayo pa ho ba ang bahay nila Axel dito?"

"Mga three minutes na lang ho, ma'am. Wala ho sa hacienda si Sir Axel, pero kung sira ho ang sasakyan niyo, ipapakuha na lang namin sa mga tauhan ni Sir Nicholas."

"Sino ho si Nicholas?"

"Kapatid ho ni Sir Axel."

"May kapatid ho si Axel?" Nagduda siya sa lalaki dahil baka nagpapanggap lang itong kilala nito ang tinutukoy niya. "Baka ho nagkakamali kayo, o baka ibang Axel ho ang tinutukoy niyo."

"Kung dito kayo napadpad sa Hacienda Esquivel, at ang sabi niyo ay Axel Esquivel ang hanap niyo, tiyak ho ako na iisa lang ang lalaking tinutukoy natin. Malapit na hong gumabi, wala na hong ibang dadaan dito at mahihingan niyo ng tulong."

Walang nabanggit si Axel sa kanya na may kapatid ito. Ang nabanggit lang ng kasintahan ay ang ama at stepmother nito. Pero dahil wala naman siyang pagpipilian sa ngayon, napilitan na siyang sumama sa driver patungo sa sasakyan dala ang shoulder bag at maliit na backpack. Wala naman kasi siyang balak magtagal doon.

Hindi niya inaasahan na ang kapatid ni Axel na tinutukoy ng driver ay ubod ng gwapo at malakas ang dating. Ito ang tipong kapag nakadaupang palad mo ay mas gusto mo nang titigan na lang. Ang kaso, masyado itong pormal. Tumango lang ito sa kanya habang siya ay matamis na ngumiti sa lalaki. Na gusto niyang pagsisihan dahil para lang siyang nagmukhang tanga. Sa gilid ng mga mata niya ay natitiyak niyang hindi na ito muling lumingon sa kanya.

She finds the man snobbish and arrogant. Nailang tuloy siya dahil tahimik din sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang daan patungo sa bahay ng mga Esquivel. Puro puno ang nadadaanan nila paliko kaya't lalong nagmukhang madilim na ang paligid. Kung sa ibang pagkakataon ay katatakutan niya na ang kalagayan niya ngayon dahil ang nasa paligid niya'y mga estranghero. Pero kailangan niyang makipagsapalaran alang-alang sa kaligtasan ng Mama niya.

Natanaw niya ang isang grand mansion makalipas lang ang ilang sandali. Hindi pa rin umiimik ang lalaki. Kung totoong kapatid ito ni Axel, napakalayo ng kaibahan ng dalawa. Si Axel ay palangiti at magiliw sa tao. And isang ito ay suplado at mahal yata ang bumigkas ng salita. O baka lang mataas ang tingin nito sa sarili at ang tingin sa kanya ay mababang uri ng babae.

Karamihan naman ng mga mayayaman ay ganoon. Hindi na siya dapat magtaka. Pero masuwerte siya na ang isang tulad ni Axel ang naging kasintahan niya na mababa ang loob at hindi tinitingnan ang katayuan niya sa buhay. Minahal siya nito kahit mahirap lang siya.

"Balikan niyo ni Bert ang sasakyan ko para matingnan ang sira," malalim ang baritono nitong tinig nang huminto ang kotse sa harap ng mansion at bumaba ang lalaki. "Kaya naman pala nawala sa garahe, ipinagamit sa kalaguyo niya."

Napakunot ang noo niya. Hindi siya ang kausap ng lalaki pero tila patungkol sa kanya ang sinasabi nito sa driver.

Kalaguyo?

"Oho, sir. Baka maayos naman ni Bert at madala na dito." Tumingin ang driver sa kanya nang makababa siya ng sasakyan. "Eh, saan ho siya patutuluyin ngayong nasa ibang bansa pa si Sir Axel?"

Ibang bansa?! Walang sinabi si Axel na nangibang bansa ito. Nakaramdam na naman siya ng panic. Paano na ang Mama niya?

"Sa guest room sa tabi ng library. Pasamahan mo siya kay Tinay," sagot naman ng lalaki na hindi man lang sumulyap sa kanya.

"Nasa ibang bansa ho si Axel?" pagkompirma niya sa driver.

"Oho. Pero huwag ho kayong mag-alala, tiyak namang ipapaalam ni Sir Nick kay Sir Axel ang presensya niyo dito sa mansion. Sasamahan kayo ni Tinay sa magiging silid niyo, babalikan ko lang ho ang sasakyan niyo para matingnan ng mekaniko."

"Ano'ng ibig sabihin ng Sir Nick niyo na tingnan ang sasakyan niya kung may sira?"

"Sasakyanho kasi ni Sir Nick ang gamit niyong iyon. Nawala na lang bigla sagarahe. Hindi na kami nagtaka kung si Sir Axel pala angkumuha." Napakamot pa sa ulo ang driver bago sumakay sa kotse. May mga gusto pa siyang itanong tulad ng kung ano ang ibig sabihin nitongkalaguyo siya, pero umandar na ang kotse sa harap niya at may katulong namangumakay sa kanya para igiya siya sa loob ng mansion.

The Chosen WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon