Chapter 4

3.3K 49 27
                                    

"Pumapayag ka?" tanong ni Charles na tila ba inaasahan pa na makakatanggi siya.  Gusto niyang magtawa.  Nakakainsulto ang tanong nito kung hindi lang talaga siya naiipit sa sitwasyon.

"Importante ho ang kaligtasan ni Mama.  Sa palagay ko ho ay hindi niyo ako bibigyan ng ibang pagpipilian kung paano ko kayo mababayaran sa magiging pagkakautang ko."

Marahan itong tumango bago binuksan ang  drawer.  Naglabas ito ng bank book doon at sinulatan.  Iniabot sa kanya ang isang cheke na naglalaman ng limang milyong piso.

"H-hindi ho ganito kalaki ang kailangan ko," mabilis siyang umiling.  Para siyang lulubog sa kinauupuan sa pag-uusap na 'yun.  Limang milyon ang nakasulat sa tseke.  Isang milyon lang ang kailangan niya.

"That's the initial payment for accepting our agreement."

"Initial payment?!"  Ni hindi niya halos maitaas ang kamay para abutin ang tseke sa kamay ng matanda.  "Ano ho ang ibig niyong sabihin?"

"Another five million will be deposited to your account when you able to give Nicholas a child."

"A child?!"

"You will get married," kaswal namang wika ng matanda.  "Natural lang na magkaanak kayo dahil mag-asawa kayo at dapat bumuo ng pamilya."

"Pero... B-bakit ho ako?  I mean... ---"

"Hindi ko kayang sagutin ang tanong na 'yan sa ngayon, Camilla.  But if you want an honest answer, I liked you since the moment I saw you.  Call it father's instinct.  Gayunpaman, hindi pa rin ako mapapanatag at susubaybayan ko ang mga kilos mo.  You will be Nicholas' wife, therefore, I expect you to be a faithful, always honest, and submissive to your husband."

"Kaya niyo rin ho ba tinanong kung... kung nabuntis ako ni Axel kaya ako nandito?" alanganin niyang tanong. 

"Yes.  If you are pregnant with Axel, his wife can sue you for having an affair with her husband.  Hindi mo iyon maikakaila kung nabuntis ka.  Hindi ka magiging karapat-dapat alinman sa mga anak ko."

"Pero hindi ko ho talaga alam na may-asawa si Axel!" agad niyang depensa.  "Bakit naman ako papatol sa lalaking may asawa?"

"Masisiguro mo ba sa akin ngayon na puputulin mo na ang anumang ugnayan ko sa bunso kong anak?"

"Iyon ho ang nararapat, Mr. Esquivel.  At wala naman hong nakakaalam dito na magkasintahan kami ng anak niyo bukod sa driver na nakasalubong ko sa bukana ng hacienda noong nasiraan ako ng sasakyan.  Nakikiusap ho ako kung puwedeng huwag na nating ungkatin ang ugnayan namin dahil wala naman iyong halaga."

"Exactly my thoughts, Camilla.  I am glad that we are on the same page now.  Hindi ko rin gustong pagpyestahan kayo ng tsismis ng mga tao dito.  Bukod sa nakaraan mo kay Axel, kailangang wala ring makakaalam ng kasunduan nating ito."

"M-makakaasa ho kayo..."

"Your wedding will be held in next week.  Ipakakausap kita sa sekretarya ko para matulungan ka niya sa preparasyon ng kasal niyo ni Nicolas."

"Si... Si Nicholas ho... alam na ho ba niya na... i-ikakasal kami?"

"I will have a meeting with him in an hour.  Kakausapin ko rin ang manager ng banko sa bayan para magawan ka ng account at maideposito mo ang pera na 'yan.  Ipahahatid kita sa driver matapos ang tanghalian."  Tumingin ito sa orasan nito sa kamay saka tumayo.  Napilitan na rin siyang tumayo.  Iyon na ang hudyat na ipinagbili niya na ang kalayaan niya sa mga Esquivel.

Nang bumalik siya sa silid niya ay para siyang nahapo.  Umupo siya sa eleganteng kama habang pinipilit pa ring unawain sa isip ang mga nangyayari.  Mayaman na rin siyang maituturing sa ngayon at ikakasal na siya sa lalaking mayaman din sa susunod na linggo.  Iyon naman talaga ang pangarap niya noon pa.  'Yun nga lang, hindi sa lalaking kasintahan niya.  At sa uri ng personalidad ni Nick, hindi magiging madali ang lahat.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chosen WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon