Chapter 2

1.7K 35 4
                                    

Nakakalula ang mansyon ng mga Esquivel. Masuwerte siya dahil kahit gaano kayaman si Axel ay siya ang napili nitong mahalin sa kabila nang hindi naman sila pantay ng estado sa buhay.

"Who is this young woman?" Mahina ang tinig ng lalaki na nagpalingon sa kanya. She saw an old man, maybe in his sixties or seventies. Pero sa kabila ng katandaan ay naroon pa rin ang tikas sa anyo at pananalita. May pagkakahawig din ito kay Axel. Naka-long sleeve ito na puti at itim na pantalon. May baston itong hawak pero maayos pa naman ang lakad nito.

"G-good evening ho..." bati niya sa matanda.

"Girlfriend daw ho siya ni Axel," anang katulong na kasama niya. Tumaas ang isang kilay ng lalaki na gusto niyang manliit. Para bang sinasabi nito na hindi siya dapat nandito.

"Axel isn't here, miss. Paanong hindi mo alam kung nasaan ang anak ko?"

Hindi siya nagkamali ng sapantaha. Ito nga ang ama ni Axel. Paano niya sasagutin kung bakit hindi niya alam kung nasaan ang boyfriend niya?

"H-he wasn't answering my calls. I'm sorry for coming here without notice." Kailangan niyang maging pormal pero may paggalang para ipakita na may pinag-aralan naman siya. Baka isipin nito na naghahabol lang siya kay Axel dahil mayaman ito.

"Ano ang kailangan mo sa anak ko na hindi na makapaghihintay, miss?"

"C-camilla..." gusto niyang ipakilala ang sarili. "May importante lang ho akong sadya sa a-anak niyo."

"I can see that. Otherwise, you wouldn't be here now. Pero tulad ng sinabi ko, wala dito si Axel dahil nasa ibang bansa siya."

Napalunok siya sa panlulumo. Kanina pa niya na alam na nasa ibang bansa si Axel pero hindi niya gustong umuwi. Magbabakasakali siya na umuwi ito kapag nalaman na nasa hacienda siya. O kahit man lang sana makausap ito. Wala siyang ibang mahihingan ng tulong kung hindi ang boyfriend niya. Walang magpapautang sa kanya ng isang milyon lalo na't wala naman siyang ari-arian na puwedeng isanla.

"Makikiusap ho sana ako kung pwede kahit makausap ko si Axel sa telepono. Importante lang ho talaga ang sadya ko sa kanya."

"Are you pregnant?" Nakakunot na ang noo ng matanda sa kanya. Hindi niya mabasa ang nasa mga mata nito. Mabilis siyang umiling.

"No. Your son and I are not lovers, if that's what you mean, s-sir..." Siguro ay pinaghinalaan nitong buntis siya at naghahabol siya ngayon kay Axel. Iyon ang gusto niyang ipagmalaki sa matandang ito ngayon; hindi siya pumayag na magsama sila ni Axel o kahit may mangyari sa kanila nang hindi pa sila kasal.

Nagbago naman ang anyo nito na marahang tumango. Tinawag nito ang katulong at ibinilin na bigyan siya ng silid.

"Ang sabi po ni Sir Nick, sa guest room sa ibaba daw po siya patuluyin," wika ng katulong sa ama ni Axel.

"Nick? Nagkita na kayo ng isa ko pang anak?"

"Y-yes. Isinabay ho nila ako pagpunta rito dahil nasiraan ako sa daan."

"He was using my car, Papa." Baritonong boses ang nagsalita sa likod niya na nagpasikdo ng dibdib niya. The man was intimidating. Kung kanina ay unti-unti nang napalagay ang loob niya sa ama ni Axel, ngayon ay nailang na naman siya. Two set of curious eyes were staring at her now. Para siyang maliit na hayop na lalapain ng dalawang liyon sa gitna ng gubat.

Bakit ba kasi wala dito si Axel?

"I d-didn't know that it was yours. I'm sorry. Magpapahatid na lang ako sa bus station bukas."

"Never mind. But according to the mechanic, the car will be fixed three days from now. Walang piyesa sa bayan dahil sa Maynila pa manggagaling iyon."

"K-kailangan ko rin hong makabalik kaagad sa Maynila." Tumaas naman ang isang kilay ni Nick sa pagtawag niya ng 'ho'. Hindi niya alam kung mas matanda si Axel dito o ito ang mas matanda. Alin man sa dalawa, sa tingin niya'y kailangan pa rin niyang magbigay ng paggalang.

"Bukas na natin pag-usapan ang pag-alis mo," sabat ng ama ni Axel nang mawalan sila ng sasabihin ni Nick sa isa't isa. "Susubukan kong makausap ang anak ko at ipaalam ang presensya mo. Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga dahil tiyak kong pagod ka sa labindalawang oras na biyahe. Did you drive alone?"

"Y-yes, sir..."

"It's dangerous to drive alone using an old car. Look at what happened. Ngayon ay matatagalan pa bago magawa ang sasakyan dahil sinagad mo sa biyahe."

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ni Nick. Akala niya'y sa kanya ito nag-alala nang masira ang sasakyan nito, iyon pala ay ang kotse lang nito ang iniisip. Ganito ba talaga ito ka-antipatiko?

"Pasensya na ho, i-charge mo na lang sa akin kung magkano ang aabutin ng repair." Kahit wala siyang pera ay kailangan niyang isalba ang pride niya.

"Like what I've said, never mind. Kay Axel din naman yata manggagaling ang perang ibabayad mo." Bumaling ito sa matanda saka nagpaalam. "Mamaya na ho ako maghahapunan, Papa. Dumating ang beterinaryo para tingnan ang ibang tupa."

Tupa? May tupa sa bahaging ito ng Pilipinas?

Tinawag naman ng matanda ang katulong na may hawak ng maleta niya kanina. Si Nick ay palabas na sa mansyon matapos siya nitong insultuhin. Kahit gaano ito kagwapo at kasimpatiko ay hindi niya gugustuhing makadaupang palad ito ulit.

"Sa guest room sa itaas mo ilagay ang gamit ni Camilla," utos ng matanda sa katulong na lumapit.

"Yes, Sir Charles."

So, Charles was the old man's name. Hindi naman nito ipinakilala ang sarili.

"Thank you for letting me stay overnight. Sana ho ay makausap ko si Axel dahil siya lang naman ho ang sadya ko."

"Tulad ng sinabi ni Nick, makakabalik ka sa Maynila kapag naayos na ang sasakyan niya. Magpahinga ka na muna dahil mahaba ang pinanggalingan mo. Ipatatawag kita sa katulong kapag handa na ang hapunan."

Hindi siya sang-ayon sa sinabi nitong mananatili siya sa mansyon hangga't hindi naaayos ang sasakyan niya. Una, kailangan niyang balikan ang ina na nasa ospital ngayon. Nakisuyo lang siya kay Aling Melba na bantayan ito pansamantala dahil hahanapin lang niya si Axel. Pangalawa, hindi niya gugustuhing makasama ang Nick na 'yun nang ilang araw sa iisang bahay. Dadagdag pa sa problema niya kung pati siya ay magkakaroon ng sakit sa puso. Tingin niya sa lalaking iyon ay walang katamis-tamis sa katawan. Sayang, gwapo pa naman sana.

"Camilla, right?" Nagsalitang muli ang ama ni Axel na pumutol sa iniisip niya. Marahan siyang tumango. "Kapag may nagtanong sa 'yo kung kaano-ano mo si Axel, sabihin mong kaibigan lang. Huwag ka na ring magbigay ng ibang detalye. Sumunod ka sa katulong para makapagbihis ka at makapagpahinga muna bago ang hapunan."

Sumunod siya sa katulong na umakyat sa grand staircase na kumikintab sa sobrang linis. Wala naman kasing alikabok sa mansyon dahil napapalibutan ito ng mga puno at ang hardin ay bermuda grass. Hindi nakapagtataka na malamig ang simoy ng hangin kahit sa loob na ng kabahayan. May malalaking chandelier sa itaas na lalong nagpaganda sa kabuuan ng bahay. May malalaking wall paintings din na nakasabit sa dingding, at mga antigong vases at displays sa bawat sulok ng bahay. The house was Mediteranian style. It was exqusitely beautiful.

Isang magarang silid ang pinagdalhan sa kanya ng katulong. Nakabukas pa ang glass sliding door na palabas sa balkonahe kaya't sumasayaw ang manipis na kurtina sa hangin na pumapasok sa silid. Kung sa ibang pagkakataon, ipagpapasalamat niya na naranasan niyang tumuntong sa marangyang bahay ng boyfriend niya. Tingin niya ay ito na ang una at huli. Kung pinagbawalan siya ng matandang Esquivel na sabihing kasintahan niya si Axel, ibig sabihin ay hindi ito pabor sa relasyon niya sa anak nito.

Lalong bumigat ang pakiramdam niya. Wala na ngang kasagutan ang suliranin niya sa ina, nagkaroon pa siya ng suliranin sa relasyon nila ni Axel. Kapag nalaman ng mga ito na kaya siya narito ay dahil kailangan niya ng isang milyon, lalong manliliit ang tingin ng mga ito sa kanya.

The Chosen WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon