Ipinatawag siya ni Charles sa hapunan. Mag-isa lang ang matanda sa komedor na may labindalawahang silya yata sa haba. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto ng mayayaman ang ganito kalaking bahay kung iilan lang naman ang nakatira. Gusto rin naman niya ang yumaman at magkaroon ng magandang bahay, pero hindi ganito kalaki na halos hindi na nagkikita ang mga nakatira lalo na kapag abala sa trabaho.
Totoong gusto niyang yumaman. Nang maging kasintahan niya si Axel ay kasama na sa plano niya ang magkaroon ng disente at malaki-laking bahay. Yung may apat na silid siguro, may garahe, at kahit maliit na garden. Pero hindi naman isang mansyon na isang kwarto pa lang ay mas malaki pa kaysa sa apartment na nirerentahan nila ngayon ng Mama niya.
"Have a seat, Miss Camilla. Wala si Nick at tiyak na mag-uumaga na 'yun makakauwi."
Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Totoong gutom na siya dahil ang huling kain niya ay kanina pang alas onse. Ngayon ay halos alas otso na ng gabi. Kung makakasalo niya ang supladong kapatid ni Axel ay hindi rin siya makakakain nang maayos.
Nagsimula siyang kumain habang abala pa ang ilang katulong na magdagdag ng niluto sa mesa.
"What do you do for a living?"
"I just graduated in College last month, s-sir. May mga nag-a-alok ng trabaho pero may mga inaasikaso lang ako pansamantala." Nauutal siya kapag iniisip kung ano ang dapat itawag sa ama ng boyfriend. Kung tutuusin ay masyadong pormal ang 'sir'. Pero mahirap namang Uncle o Tito ang tinawag niya dahil hindi pa siya tanggap ng mga ito.
"Where did you meet my son?"
"I used to work at AE Wines Co. as one of his clerks."
"Hmmm... Is that so? Do you think you know my son very well?"
"Naniniwala naman ho ako na malinis ang intensyon sa akin ni Axel." Pinilit niyang ngumiti. Hindi man sila madalas nagkakasama ng kasintahan, alam niyang abala lang ito sa trabaho. Lagi nitong sinasabi na hindi biro ang maging isang CEO ng malaking kumpanya.
"Then, why he didn't tell you he left for Europe with another woman?"
Napatitig siya sa matanda, inaarok kung nagbibiro ba ito.
"N-nasa Europe ho si Axel ngayon?!"
"He is. And take note, ang pagkakaalam ko ay girlfriend niya ang kasama niya ngayon kahit pa kung tutuusin ay mali dahil may asawa siyang iniwan sa bayang ito."
"Asawa?!" Hindi na yata matapos-tapos ang mga balitang ipinagtatapat ng ama ni Axel.
"Tell me now that you know my son very well. Are you two living in the same house?"
Hindi siya ulit nakasubo ng pagkain sa pagkabigla. Para siyang tinakam pagkatapos ay binigyan ng bomba sa harap para hindi rin makakain. Alam niyang maaaring hindi siya magustuhan ng mga kamag-anak ni Axel dahil mahirap lang siya kumpara sa yaman ng mga Esquivel. Pero hindi gagawa ng kwento ang ama nito para itaboy siya. Kung sinabi nito kanina na may-asawa si Axel, malamang ay totoo. Pagkatapos ay ibang babae pa ang kasama nito ngayon sa Europe?
"Tulad ho ng sinabi ko, hindi ho kami magkalaguyo ng anak niyo."
"Hindi sa sinisiraan ko ang anak ko sa 'yo, Camilla. Bagama't ikaw ang kauna-unahang babae na tumuntong sa bahay na 'to bukod sa asawa niya, hindi nangangahulugan na seseryosohin ka niya. I've already sent numerous messages to my son, I haven't received any reply. Sa tingin mo ba ay lilipad siya mula sa Paris dahil nalaman niyang nandito ka?"
Tama. Hindi naman uuwi si Axel kahit pa malaman na nasa mansyon siya ng mga Esquivel. At kung totoo na may asawa ito at may ibang babaeng nilalandi, natitiyak niyang hindi rin magugustuhan ni Axel na puntahan niya ito at makilala ang ama nito. Mabubuking lang na sadyang nagtataksil ito sa asawa. Pero nasaan ang asawa nito?"
BINABASA MO ANG
The Chosen Wife
Romantizm"You only have to fulfill your duties as my wife for two years. No strings attached. Wala din naman akong balak galawin ang babaeng pinagsawaan na ng stepbrother ko." That was Nicholas' words after she agreed to marry her boyfriend's stepbrother i...