Annoyance

7 1 0
                                    

03

"Huy! Where tayo pupunta?" I asked him loudly but nagbingi-bingihan at nagpatuloy lang s'ya sa paghatak sa'kin. Saan ba kasi kami pupunta?

I hate that habang tumatakbo kami, girls keep turning their heads to stare at him! He is attracting so much attention! Pano ba naman kasi, sobrang pogi! Napaka-eye-turner!

Sinubukan kong idiin ang kuko ko sa kamay n'ya. Napaawang naman ang bibig n'ya bigla sa sakit. I gave him a death glare.

Napatingin naman s'ya sa'kin ng masama. "Sasabihin mo o sasabihin mo?" Tanong ko nang 'di tinatanggal ang kuko ko sa pagkakabaon.

Huminto kami sa isang kubo. Lumuwag ang hawak ko sakan'ya at pinagmasdan kung nasaan kami. Agad akong nagtaka. Ano namang gagawin namin dito?

But I guess I just trust him enough to, not care?

Tumingin ako sakan'ya, nagtama ang paningin namin. I wanted to look away, but I can't. He is too intense. He is too much. He is withering cold but his eyes are burning. But at the same time, he remains mysterious to me. Ang gulo n'ya. He's like a puzzle that can't be solved.

Gustong-gusto kong alisin ang tingin ko but he is too addicting. I licked my lip and bit it. Napakuyom ako sa palad ko.

Why am I feeling this way?

Silence is between us. But this silence, makes me so comfortable. It feels like home.

Tinitignan lang namin ang isa't isa and no one dared to make a sound. No one uttered a word.

Pero nawala ang katahimikan na 'yun nang biglang may ingay na lumabas mula sa'kin. Kumunot ang noo n'ya.

Agad na nanlaki ang mata ko. My hand flew right to my mouth. Napapikit ako. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Nagwawala na ang insides ko! Hindi!

No, I didn't! I didn't just, fart?! No? Oh my God!

Hindi kayang magsink-in sa'kin ng nangyari. Gagana ba ang manifestation kung gagawin ko s'ya ngayon? I'm willing to do anything at this point!

Hindi ako umutot. Hindi ako umutot. Hindi ako umutot. Hindi ako umutot. Hindi ako umutot. Hindi ako umutot!

"That wasn't me!" I immediately defended myself. I raised my right hand just to prove a point. Napayuko ako at napakagat sa labi.

Nararamdaman ko ang luhang namumuo sa eyes ko. Naiiyak na ako sa embarassment! No!

Kasalanan 'to ng bubble tea, eh!

"Uh-huh." Mapaglaro ang tono n'ya kaya naman agad akong nag-angat ako ng tingin. Napatingin ako sa mga mata n'ya, they are laced with amusement. Mas lalo lang kumalat ang hiya sa sistema ko.

Gusto ko s'yang murahin!

Bakit imbes na butterflies maramdaman ko, masamang hangin tuloy?! Gusto ko lang namang kiligin! Why?!

"Naniniwala ka sa'kin, ha? Ha?!" Winagwag ko pa s'ya para lang maniwala s'ya sa'kin. He just smirked kaya nawalan ako ng pag-asa. Gusto ko mapasapo sa noo ko. Nakakahiya!

Sana biglang bumuka ang inaapakan ko ngayon at lamunin n'ya ako. Please lang! 'Di ko na kaya!

"I almost forgot why I brought you here." The amusement in his tone is very evident. I want to hide from him. Gusto ko na umalis! Kung bakit ba naman kasi ang judge
mental ng stare n'ya! He bit his lip.

"A-Ano ba kasing a-agenda natin for today?! S-Sana you told me!" Pasigaw ko pang sabi sakan'ya. My voice was shaking! I hate it!

"Hmm, and what would be the difference?" Ngumuso s'ya. Damn it! Ang cute n'ya! Naghuramentado ang sistema ko. Pero 'wag ngayon, Cascade! Shit naman!

Death By The Cerulean Sea (Star-crossed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon