By Hook or By Crook

6 0 0
                                    

08

"Hoy Prima." Pambungad ni Tiffany sa akin.

"Oh?"

"Saan uli 'yang island ng parents mo?"

"Why are you asking?"

"Kasi we're coming over!" Malakas na sigaw nya sa phone kaya naman nilayo ko sa tenga ko. Kahit kelan talaga.

"Mama mo, Stephania."

"No. Seriously kasi!"

Napabuntong-hininga ako. Sus, if I know, magkakalat lang 'yan dito.

"Osige, sino ihohostage mo?" I asked.

"Si Winonah, Idris, Hazen, tsaka si Ary!" Excited nyang sabi. Nanlaki naman mata ko.

"Teka, how mo napapayag si Ary?" I asked. Parang nung nakaraan lang nagtataka pa siya kasi nasa Pilipinas lang ako! This bitch!

"Huh? Isang sabi ko lang sakanya, pumayag naman agad siya. Well, baka kasi hindi malakas ang charms mo." At tumawa s'ya nang malakas. Hindi ko na sya pinatapos at pinatayan na agad ng tawag.

Agad kong tinawagan si Ary.

"Hoy! Ano 'tong sinasabi ni Tiffany na pumayag ka 'raw sa invitation n'ya na sumama dito sa Prisla samantalang nung ako nag-aya, todo refuse ka?!" Pasigaw kong tanong sakan'ya sa phone. I heard her yawn pa.

"Wow, ah. Good morning! Leche!" Irita n'yang sagot. I can imagine her rolling her eyes right now.

"Sagutin mo tanong ko, Canary!"

"Oo na nga! Umagang-umaga bungangera! Sumama ako kasi gusto kong ipakilala mo 'ko sa mga pogi d'yan! Reto mo 'ko, ah. Lalo na kay Lovemir." Humagikgik pa s'ya.

"Ayoko!"

"Luh, parang 'di kaibigan! Dali na!" Nagmamakaawa pa ang tono n'ya, umirap nalang ako.

"Fine! By the way, may k'wento ako sa'yo!"

Kinwento ko ang nangyari sa pagitan namin ni Cascade pati ang moment ko with Zaire. 'Di ko na kinwento 'yung nangyari sa'kin sa dagat. Sabi ko, 'wag muna s'yang magside-comment at patapusin muna ako, pero naririnig ko ang mga singhap at 'tsk' n'ya!

"Tapos ka na? P'wede na ako mag-comment?" Tanong n'ya sa'kin at um-oo lang ako.

"Kay Cascade muna, jusko girl! Kahihiyan ka talaga! Ba't 'di ka natututo?" Disappointed na tanong n'ya pa sa'kin.

"Kasi-"

"Kasi bobo ka!" Ni hindi manlang ako pinatapos! "Para mo na 'ring sinabi sakan'ya na iniistalk mo s'ya! Tanga! Dapat ka talagang mag-sorry do'n!" Huminga s'ya nang malalim. Napairap ako sa hangin.

"Do'n naman sa Zaire, hoy, malandi ka! Porke't nag-away kayo ni Cascade, may iba ka ng crush! Pero in fairness, based sa k'wento mo, papable nga s'ya. Saka 5 years tanda sa'yo? Yummy n'yan. Pero isang araw pa lang kayo nagkakakilala. 'Wag mo masyado pagkatiwalaan, ah?"

"Yes, Ary. Hanggang jetski lang naman kami." Sagot ko sakan'ya.

"Okay, sabi mo, eh. Jetski lang sasakyan, ha?" Humalakhak s'ya, napairap lang ako at natawa.

"Anyway, 'pag pumunta kami d'yan, mag-party tayo kasama sina Lovemir, ha." Excited n'yang sabi.

At ako pa ang malandi, ah.

"Hoy! Sa video mo nga lang na-saw gan'yan ka na kiligin!" Humalakhak s'ya.

"Okay, sabi mo, eh. Anyway, ako naman ang may chika sa'yo!" Bigla n'yang sabi kaya naman naexcite ako.

Death By The Cerulean Sea (Star-crossed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon