1

8 4 0
                                    

Avyanna's POV

Pumasok naman ako sa bahay namin bitbit ang pinamili kong pagkain gamit ang sarili kong pera. Nadatnan ko naman sa sala ang ina ko na nakangiti habang nakikipag-usap sa bunso namin. Agad namang nawala ang ngiti niya nang makita ako.

Ano pa bang bago? Galit na galit siya sa akin eh, nasanay na ako sa trato niya sa akin. Tumaas naman agad ang kilay niya nang bumaba ang tingin niya sa dala ko.

“Tingnan mo nga yang katawan mo Avyanna, ang taba mo na. Tigilan mo na yang kalalamon, mahiya ka naman. Ano na lang sasabihin ng mga tao? Na pinapabayaan ka sa kusina.”

Hindi naman ako umimik at pumunta na lang sa kusina habang nakasunod sa akin ang kapatid ko. Binuksan ko naman ang box ng pizza at binigyan ang kapatid ko pero kinuha agad ito sa kanya.

“Alyanna, masisira ang diet mo, may photoshoot ka sa susunod na linggo diba?” sita naman ng ina namin sa kanya.

“Pero Ma.” agad naman niyang pinutol ang sasabihin niya.

“Gusto mo bang magaya ang katawan mo sa Ate mo?” naiinis na tanong naman niya.

“Ma wala namang problema sa katawan ni Ate.”

“Masyadong mataba ang ate mo, tingnan mo ang katawan ko, mas sexy pa ako sa kanya. Pag magkasama tayo mas napapagkamalan pa siyang matanda, sobrang nakakahiya.” sigaw naman niya.

Tinuro naman niya ako. “Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin ha?” nagulat naman ako ng bigla niyang kunin sa kamay ko ang pizza at pati ang box at tinapon ito sa basurahan.

Tumayo naman ako at umalis na sa kusina, pagpasok ko sa kwarto ko agad akong naligo at nagpalit ng damit.

Humiga naman ako sa kama ko at tiningnan ang cellphone ko kaso puro pangbubully ang nababasa kung message sa account ko.

Bakit kaya natutuwa pagnamimintas sila, kapag pinagkakatuwaan at kinukutya nila ang sa tingin nila ay hindi maganda sa isang tao. Masyadong mataas ang beauty standard na nilikha ng society at kung hindi ka pasok dito, may karapatan na agad ang ibang tao na pagkatuwaan ka at kutyain.

Pero mas masakit talaga pag mismong sa pamilya mo nanggaling ang mga mga pangungutya. Tiningnan ko naman ang katawan ko sa salamin.
Bakit ba masyadong obsess ang ina ko sa sexy na katawan, sa makinis na kutis, sa magandang mukha?

Napabuntong hininga naman ako, oo nga pala, hindi naman niya talaga kami tinuturing na anak niya, para sa kanya, business kami. Nagsimulang magbago ang tingin niya sa akin ng hindi ako matanggap bilang model sa isang sikat na company.

Nagalit siya dahil ang laki nang ginastos niya na pera sa akin tapos hindi ko man lang siya mababayaran, para sa kanya wala na akong kwenta. Magiging mabait lang siya siguro ulit sa akin kung mabibigyan ko siya ng limpak-limpak na pera.

Kaya naman gusto ko na talagang matapos sa pag-aaral, isang taon na lang talaga at matatapos na ako sa college. Mabuti na lang talaga at tinutustusan pa rin ni papa ang pag-aaral namin kahit may ibang pamilya na siya.

Aalis na agad ako sa puder ng ina ko at dadalhin ko ang kapatid ko kasi gusto kung maranasan niya ring maging normal na estudyante, hindi yung wala siyang social life dahil pagkatapos ng school sinusundo siya agad para sa photoshoot niya.

Napatayo naman ako nang makarinig ako ng katok sa pintuan.

“May kailangan ka ba Aly?” tanong ko naman sa kanya.

Nagtaka naman ako ng bigla siyang pumasok at isinara agad ang pintuan.

“Ate.” halata naman sa boses niya ang takot.

“Anong problema?” tanong ko naman agad.

Napaupo naman ako ng makita ko ang pregnancy test na hawak niya.

“P-positive.” napahilamos naman ako sa mukha ko.

“Sinong ama?” maya-maya pay tanong ko.

Nagulat naman ako ng bigla siya lumuhod at humagulhol ng iyak.

“Patawarin mo ako Ate.”

Napasinghap naman ako. “Si Rome ba ang ama?”

Tumango naman siya.

“Aly, sinabi ko naman sayo diba na huwag siya. Alam naman natin na playboy siya diba, hindi uso sa kanya ang commitment.”

“Alam ko Ate, naging tanga ako, nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya.” niyakap ko naman siya at hinaplos-haplos ang likod niya.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ko naman sa kanya ng mahimasmasan na siya.

“Lalayo muna ako Ate, sigurado akong pipilitin ako ni Mama na ipalaglag to pero ayoko.”

“Tutulungan kitang pumunta kay Lola, pagnandoon ka na, hindi ka na pwedeng kunin ni Mama.” sagot ko naman.

“Pero, masyadong malayo si Lola Ate at masyadong mahal ang ticket papunta sa lugar niya.”

Hinawakan ko naman ang kamay niya. “Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa pera. Dito ka na muna matulog sa kwarto ko. Mamayang 3 am tayo aalis dito kasi ang alam ko 7 am pa ang uwi ni Mama.”

Tumango naman siya at humiga na sa kama ko. Kumuha naman ako ng maliit na bag at nilagyan ng ilang piraso ng damit, tubig at pagkain.

Ginising ko naman siya bandang 2 am para makapaghanda na siya. Nagbook naman ako ng sasakyan na susundo sa amin.

“Itong cellphone ang gamitin mo para hindi ka agad ma trace ni Mama.” tumango naman siya at niyakap ako.

“Maraming salamat Ate.” agad ko namang tinuyo ang luha niya at binigyan siya ng reassuring smile.

“Aly, pagdating mo kay Lola, huwag mo na akong isipin ha, mag focus ka sa pamangkin ko. Tandaan mo kahit anong mangyari huwag ka nang bumalik kay Mama, mas mamahalin at aalagaan ka ni Lola pati ang magiging anak mo.” paala ko naman sa kanya.

“Mag-iingat ka ate ha, mahal na mahal kita. Maraming salamat sa lahat Ate. Sumunod ka sa amin ni baby ha.” tumango naman ako at ngumiti.

Umalis naman agad ako nang makita kung nakaalis na ang sasakyan niya.
Humiga naman ako sa kama ko at natulog na ulit.

Nagising naman ako dahil sa ingay na nagmumula sa baba. Bumangon naman ako at inayos ang sarili ko bago bumaba. Nadatnan ko naman ang ina namin na hindi mapakali at may kausap sa phone niya.

Napatingin naman siya sa akin at sinamaan ko nang tingin kahit wala akong ginagawa.

“Nasaan ang kapatid mo?” nang-aakusang tanong naman niya kaya kumunot ang noo ko.

“Nasa kwarto niya.” pabalang na sagot ko naman.

“Wala siya sa kwarto niya.” sumigaw naman siya.

“Huh?” umakto namang akong nag-aalala at nilabas agad ang phone ko para tawagan siya.

Napatingin naman ako sa mesa sa harap ko nang tumunog ito.

“Iniwan niya ang phone niya.” nanlulumong sambit ko naman.

Agad naman akong tumakbo palabas at pumasok sa sasakyan at nagsimulang mag-drive palabas.

Nang masiguro kung nakalayo na ako, tinawagan ko naman si Aly at okay naman siya. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol kay Mama at pinaalalahanan ko rin siya na huwag tumawag sa akin.

“Mag-iingat ka Aly, mahal na mahal kita, kayo ng pamangkin ko.”

ArstidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon