3

4 4 0
                                    

Avyanna's POV

Napabangon naman ako nang makita ko ang sinag ng araw mula sa bintana ko. Napatingin naman ako sa pintuan nang bumukas ito at pumasok ang isang babae.

"Sino ka?" tanong ko naman agad.

Nabigla naman siya sa at agad na yumuko. "My lady, ako po si Etel, personal maid niyo po ako."

Tumango naman ako at tumayo na, akmang liligpitin ko na sana ang higaan ko pero bigla siyang sumigaw.

"A-ako na po diyan, Lady Avyanna."

Pareho pala kami ng pangalan kung ganoon, mabuti naman at hindi na ako mahihirapan. Pinabayaan ko naman siya na siya na lang dahil inagaw na niya sa akin.

Pumasok naman ako sa banyo at grabe napangnga talaga ako sa nakita. Ganito ba talaga sila maligo dito?
Tangina, purong gatas ang nasa baththub eh. Gaano ba talaga sila kayaman para ma afford ang ganitong lifestyle?

Tinaggal ko naman ang night gown ko at lumusong na sa hinanda ni Etel sa akin.

Medyo nagulat naman ako nang makita ko ang mga damit sa walk-in closet dahil puro sophisticated at elegant gowns ang nandito. Marami ring iba't-ibang klase ng bags, flat shoes at jewelries.

Tinulungan naman ako ni Etel na suotin ang gown na pinili ko. Inalalayan niya rin ako sa pagbaba kahit hindi naman talaga kinakailangan.

Pagdating ko sa dining table, may dalawang nakaupo na, na masayang nagkukwentuhan. Napatigil naman sa pagsasalita yung magandang babae, siya yung nakita ko kahapon. Siya ba ang ina ng may-ari ng katawan na ginagamit ko?

"Good morning Princess. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong naman niya.

Tumango naman ako bago umupo, ang awkward naman nito, hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanila. Mama at papa? Mommy at Daddy? Ina at Ama? Mom at Dad? Or Mother at Father?

Napatingin naman ako kay Etel nang umupo siya patabi sa akin tapos sa kabilang gilid niya may upo na lalaki na may suot na kagaya sa palace guard.

"Greetings Your Grace." sabi naman niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya kilala. Kapatid ba to, asawa or boyfriend?

"Sino ka naman?" napatakip naman ako agad sa bibig ko dahil nabulalas ko yun bigla at medyo masungit ang tono nito.

Halata naman ang gulat sa mukha niya nang tanungin ko siya. "My Lady, I'm Sloan, your personal guard."

Tumango naman ako at nagpatuloy na sa pagkain. Napaangat naman ang tingin ko nang maramdaman ko na parang may nakamasid sa akin.

Agad naman iniwas ng babaeng maganda ang tingin niya at nagpatuloy na sa pagkain kaya nagtaka ako. Halata sa mukha niya na gusto niya akong kausapin pero kung may anong pumipigil sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, nagpahatid naman ako kay Etel sa Garden. Umupo naman ako sa bench na nasa ilalim ng malaking puno na parang cherry blossom pero yung mga petals niya ay violet at blue.

Pumikit naman ako para damhin ang preskong hangin, grabe ang sarap sa pakiramdam. Ngayon lang ulit ako nakalanghap ng ganito ka preskong hangin dahil sobrang polluted na sa City.

"Avyanna." napamulat naman ako nang marinig ko ang malambing na boses. Napatingin naman ako sa magandang babae na nakaupo sa kabilang dulo ng bench.

"Alam kung galit ka sa akin at sa Dad mo dahil nagpakasal siya ulit. Ilang beses ko na tong sinabi pero sasabihin ko ulit, magalit ka na sa akin huwag lang sa Dad mo, mahal na mahal ka niya at hindi niya aminin pero ramdam ko na gusto niyang bumalik na ulit kayo sa dati. Nakikiusap ako sayo Avyanna, huwag ka nang tumalon ulit sa lawa. Kung mawawala ka, mawawala rin sa katinuan ang Dad mo. Avyanna, mahal ko ang Dad mo at hindi ko siya pinakasalan para sa trono."

Hindi naman ako umimik dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin. Kaya ba gusto niyang mamatay na dahil gusto niyang magkasama na sila ng ina niya o may malalim pang dahilan?

Napabuntong hininga naman ako at tumayo na dahil napagpasyahan kung maglakad-lakad muna. Napatigil naman ako nang makarinig ako ng mahinang bulungan.

"Ang gwapo nila talaga." kumunot naman ang noo ko at nagtaka.

Lumapit naman ako sa pwesto nila pero hindi pa rin nila ako nararamdaman. Nakisilip naman ako dahil usisira rin ako. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang mga kalalakihan na nagt-training.

Namula naman ako nang makita ang mga pandesal nila. Wow, grabe batak na batak ang mga katawan nila hehe.
Umiling naman ako dahil sa naiisip, gosh, maghunos dili ka Avyanna, huwag mong sirain ang reputasyon ng Prinsesa.

"Ahem." kunwaring ubo ko naman para makuha ang atensyon nila.

Agad naman silang lumingon at biglang nanlaki ang mata nila nang makita ako.

"L-lady A-avyanna." bakas naman sa boses nila ang takot.

Napaatras naman ako sa gulat ng bigla silang nagsiluhuran habang nagmamakaawa sa akin.

"Patawarin niyo po kami." kumunot naman ang noo ko dahil sa inaasta nila. Halata sa mukha nila ang sobrang takot at nanginginig pa ang iba sa kanila.

Bakit ba ganito sila mag react? Hindi ko naman sila sasaktan o di kaya'y ipapasibak. Nanlaki naman ang mata ko ng may napagtanto ako. Masyado bang malupit ang totoong Avyanna?

"Bumalik na kayo sa trabaho niyo." saad ko naman at tumalikod na dahil baka may maihi na talaga sa kanila dahil sa takot.

Kaya ba ilag sa akin ang mga tao rito dahil sa takot nila? Napakagat naman ako sa kuko ko dahil sa nangyari.
Bumalik naman ako sa kwarto ko at umupo sa kama. Tumayo naman ako at naghalungkat sa mga aparador baka sakaling may makita akong makakatulong sa akin.

Kumunot naman ang noo ko nang may makita akong parang libro sa pinakasulok ng walk-in closet ko. Pinagpagan ko naman ito dahil sa alikabok.

"Ilang taon na ba tong pinabayaan?" saad ko naman habang kinikilatis ang libro.

Nabitawan ko naman ito dahil may tumusok sa akin na kung ano. Napasinghap naman ako ng biglang lumutang ang libro tapos may lumabas na itim at puting usok. Sinundan ko naman nang tingin ang usok na lumabas sa bintana ko.

Binuklat ko naman ang libro ngunit wala itong laman.

"Nag-aksaya lang ako ng oras." reklamo ko naman while rolling my eyes. Humiga naman ako sa kama ko at tumulala sa kisame.

ArstidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon