2

7 4 0
                                    

Avyanna's POV

Hindi naman ako bumalik sa bahay namin dahil pinanindigan ko ang paghahanap kunwari kay Aly pero ang totoo, tumambay lang ako sa iba't-ibang cafe kahapon. 

Galit na galit nga si Mama sa akin ngayon dahil bakit pa daw ako papasok, mas importante ba ang pasok ko kaysa sa kapatid ko. Sinabi ko naman sa kanya na hahanapin ko si Aly sa school, baka kasi pumasok siya kaya medyo kumalma siya.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinasabi nila tungkol sa katawan ko.

“Piggy, oink, oink.” sigaw ng bully kung blockmate tapos nagtawanan sila agad ng mga kaibigan niya.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at pinabayaan sila. Nasanay na ako kaya pinagsasawalang bahala ko na lang. Ako pa mapapasama kung ipagtatanggol ko ang sarili ko, perks of having powerful parents.

Maganda nga ang quality ng education sa University ko kaso pag naging tampulan ka ng tukso at maging target ka ng bully, magiging impyerno ang buhay mo rito. Nagtitiis na lang talaga ako kasi baka hindi na ako tustusan ng ama ko pag lumipat ako.

Umupo naman ako sa hulihan at nakinig ng mabuti sa lectures namin. Hindi ko naman pinansin ang mga papel na tinatapon nila sa akin. Ilang araw na lang at graduate ka na Avyanna, tiisin mo na lang.

Napatingin naman ako sa instructor ko na nakikita ang ginagawa nila kaso nagpatuloy lang siya sa pagdidiscuss. Ano pa bang bago? Takot kasi silang mawalan ng trabaho kaya hindi na lang sila umiimik.

Wala naman akong karapatan magalit sa kanila kung mag bubulag-bulagan sila kasi kahit ako mismo walang ginagawa para ipagtanggol ang sarili ko.

Gabi na nang matapos ang practice namin, nauna naman akong lumabas sa gym pero nagulat naman ako nang may biglang humila sa akin at nagtakip sa mata ko. Nagpumiglas naman ako pero hindi ako nagtagumpay.

Kumunot naman ang noo ko nang makita ko na nasa rooftop kami.

“Anong kailangan niyo sa akin?” tanong ko naman.

“Nasaan ang kapatid mo?” pasigaw na tanong ni Cassandra.

“Hindi ko rin alam kung nasaan siya.” mahinang sambit ko naman.

“Alam mo bang galit na galit si Rome ngayon sa kapatid mo dahil hindi siya pumayag na ipalaglag ang nasa sinapupunan niya.”

Nanlaki naman ang mata ko dahil nalaman nila ang tungkol dito.
“B-buntis ang kapatid ko?”

“Opps, hindi mo pala alam.”

Napaatras naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin at tinulak ako nang malakas.

“Pasensiya na, pero sabi kasi ni Rome walang ibang dapat makaalam.”

Napasinghap naman ako nang bigla niya akong itulak, para namang nag slow mo ang lahat ng nasa paligid ko nang mahulog na ako galing sa rooftop.

“Gusto ko pang mabuhay.” mahinang usal ko naman bago pumikit para ihanda ang sarili ko sa impact ng pagbagsak ko.

Napabuka naman ako nang maramdaman ko na hindi semento ang binagsakan ko kundi tubig. Kailan pa nagkaroon ng swimming pool sa building na yun?

Nagsimula naman maglikot ng hindi na ako makahinga, hindi ako marunong lumangoy.

“Tulong.” mahinang usal ko naman habang unti-unti na akong nawawalan ng malay.

Agad naman akong napabangon dahil sa masamang panaginip ko. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang itsura ng kwarto ko. Oh my, nasaan ako?

Napatingin naman ako sa gilid ko nang may maramdaman akong nakahawak sa akin. Isang lalaki na may suot na crown sa ulo niya?

Napaatras naman ako nang bigla siyang bumangon at niyakap agad ako habang umiiyak.

“My princess, huwag mo na ulit gawin yun.” pakiusap naman siya.

“Sino po kayo?” naguguluhang tanong ko naman.

“Anak, ako ang ama mo.” napatawa naman ako dahil sobrang layo ng itsura niya sa ama ko tapos hindi yun iiyak at mag-aalala sa akin.

“Huwag niyo nga akong pinagloloko, wala akong panahon sa ganito.” naiinis na sagot ko naman kaya kumunot ang noo niya.

Pero napatigil naman ako nang makita ang reflection ko sa salamin. Napatayo naman ako at napasigaw dahil sa nakita.

“Sino yan?” nahihintakutang tanong ko naman habang tinuturo ang sarili ko.

“Anak, ikaw yan. Ano bang nangyayari sayo?” nag-aalalang tanong naman niya.

Tumayo naman ako at sinampal ng malakas ang sarili ko kaya nanlaki ang mata niya.

Hindi ako nananaginip, totoo ang mga nangyayari ngayon. Bakit ba ako napunta dito? Ano bang nangyari sa akin?

“Nasaan ako?” hysterical na tanong ko naman.

“Nasa palasyo ka na anak, inuwi kita agad dito pagkatapos mong subukang magpakamatay sa lawa.”

“Sinubukan kong magpakamatay?” hindi makapaniwalang tanong ko, pero sinubukang akong patayin, hinulog nila ako.

Napaupo naman ako at hinila-hila ang buhok ko dahil wala akong maintindihan sa mga nangyayari.
Hanggang sa pumasok sa alaala ko ang na may nakaharap akong isang magandang babae at sinabi niya sa akin na bibigyan niya ako nang pagkakataon na mabuhay pero sa ibang lugar.

Ito na ba ang ibig niyang sabihin? Napapikit naman ako dahil biglang sumakit ang ulo ko.

“Ayos ka lang ba anak?” oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na hindi pala ako nag-iisa.

“Masakit ang ulo, gusto ko munang magpahinga.” tugon ko naman at humiga na ulit.

Nagtalukbong naman ako ng kumot at pumikit na, nakarinig naman ako nang pagsara ng pintuan kaya napahinga ako nang maluwag.

“Ano ng gagawin ko ngayon?”

Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa bagong problema ko ngayon.
May sinabi yung babae tungkol sa dapat kung gawin eh, hindi ko lang maalala lahat.

Tumayo naman ako dahil at lumapit sa bintana pero nanlaki ang mata ko nang makita ang mga bahay sa ibaba. N-nasa anong panahon ba ako? Masyadong makaluma ang design ng mga bahay.

May malaki at maatas na pader na makikita sa di kalayuan sa mga bahay, ito siguro ang nagsisilbing proteksyon sa kaharian na ito. Napatingin naman ako sa mga guard na nagbabantay sa gate ng palasyo. Mayroon rin sigurong nagbabantay doon sa main gate.

Pinanood ko naman ang mga tao na pumapasok sa palasyo, makaluma rin ang suot nilang mga damit. Mahahabang manggas at mahahabang palda. Napatingin naman ako sa babaeng bumaba sa magarbong kalesa. Magarbo ang damit niya at sa tingin ko, galing siya sa maharlikang pamilya.

Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko na may suot siyang korona.
Agad naman akong umalis sa bintana at umupo sa kama.

“Sino ka ba dito sa mundong ito?” tanong ko naman habang nakaharap sa salamin.

ArstidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon