4

7 3 1
                                    

Avyanna's POV

Gumising naman ako ng maaga at hindi na hinintay si Etel para mag-ayos. Kumunot naman ang noo ko nang makita ko ang balat sa dibdib ko. Kinapa-kapa ko naman ang katawan ko, nagkataon lang ba na pareho kaming may balat o katawan ko talaga ito?

Pinagmasdan ko naman ang mukha ko, hinawi ko naman ang buhok ko at tiningnan ang nunal ko na nasa parteng ibabaw ng kanang tainga ko. Akin ba talaga ang katawan na to? Tanong ko naman ulit sa sarili ko.
Tiningnan ko naman ang reflection ko, tama, naaalala ko na, kaya pala mahal na mahal ako ni Mama noon dahil sa ganda na mayroon ako.

Umiling naman ako at nagsuot na ng damit. Binuksan ko naman ang drawer at kinuha ang mga frame na nakatago doon, nakita ko kasi ito kahapon. Umupo naman ako at pinagmasdan ang nasa larawan. Sigurado akong si Avyanna ang dalagita at sa tingin ko ang kasama niya ay ang ina niya dahil magkamukha sila.

Sunod ko namang tiningnan ang isang frame, dalaga na siya dito at hindi maipagkakaila na magkamukha talaga kami, kasama niya rito ang ama niya at ang bago niyang ina. Inayos ko naman ito bago naglakad palabas.

Napakurap naman si Etel nang maabutan niya akong bumababa sa hagdanan.

“My Lady, hindi ko po alam na gumising kayo ng maaga.” halata naman sa mukha niya ang kaba pero umiling lang ako.

Agad naman akong naglakad papunta sa dining table at umupo doon. Aligaga naman silang lahat at minadali ang paghahanda. Matapos ang ilang minuto bumaba naman ang Duchess.

Halata namang nagulat siya nang makita ako pero binigyan niya agad ako ng matamis na ngiti na sinuklian ko naman nang tango. Saktong pagbaba ni Dad, natapos na rin sila sa paghahanda.

Natakam naman ako nang makita ang chicken wings, isa sa mga favorite ko. Kumuha naman ako ng marami at nagkamay na dahil matatagalan lang akong kumain. Napapikit naman ako nang malasahan ko na ito, grabe ang sarap naman. Pero napatigil naman ako sa pagpapak ng maramdaman ko ang titig nila sa akin.

Nabilaukan naman ako nang maalala ko na dapat mahinhin at sopistikada ako. Dali-dali naman akong uminom ng tubig, hinimas-himas ko naman ang dibdib ko nang mahimasmasan na ako.

“Ayos ka lang ba Avyanna? Gusto mo bang tawagin ko ang Royal Physician?” bakas naman sa boses niya ang pag-aalala.

“No need, I'm fine.” tugon ko naman kaya bumalik siya sa pagkakaupo.

“Are you sure?” tumango naman at binigyan siya ng maliit na ngiti.

Nagpatuloy naman ako sa pagkain pero dahan-dahan na ang ginawa kung paglamon. Nahahalata ko rin na pabalik-balik ang tingin ni Dad sa kamay ko pero pinagsawalang bahala ko na lang.

Matapos naming kumain, nagpaalam naman ako kay Dad kung pwede ba akong manoon sa dwelo ng mga Palace Guard, pumayag naman siya.
Naupo naman ako sa elevated na part,  kumunot naman ang noo ko nang makita kung parang nagpupustahan ang mga palace maid at ibang guard.

Makisali rin kaya ako? Napangisi naman ako at inilabas ang pera ko. Kinalabit ko naman si Etel.

“Sa tingin mo sinong mananalo sa kanila?”

Tinuro naman niya yung mapayat at maputla. Napangiwi naman ako dahil mukhang isang hampas lang sa kanya malilibing siya agad.

“Sigurado ka ba?” tanong ko naman ulit.

“Oo naman po.” napatingin naman ako ulit sa pouch na nasa kamay ko.

“Isali mo ako sa pustahan nila, sa kanya ako tataya.”

Napatingin naman siya sa akin na para bang ang weird ko.

“Po?” paninigurado naman niya. “, My Lady, hindi po nila tatanggapin yan.”

Ngumisi naman ako. “Hindi mo naman sasabihin na sa akin to.” ibinigay ko naman ito sa kanya.

“Alam kong pumusta ka rin.” dagdag ko naman kaya nanlaki ang mata niya at natakot.

“Oo nga po, akin na po, sasabihin ko po na akin po ito.” nakangiting sambit naman niya at kumaripas nang takbo.

Inayos ko naman ang suot ko at binalik ang tingin sa harapan ko.
Nagsimula naman silang magpalitan ng atake gamit ang sword nila. Napakagat naman ako sa kuko pagnadedehado ang manok ko.

Niyugyog ko naman si Etel ng manalo ang manok namin. Grabe, ang galing niya, hindi lang halata. Mabuti na lang at naniwala ako sa kanya.

Hinintay ko naman si Etel sa kwarto ko para sa pera ko. Napahagikhik naman ako nang makita ang dala niya. Naghati naman kami dahil kami lang dalawa ang pumusta sa kanya.

“Ano kayang gagawin ko dito?” napaisip naman ako tapos napatingin kay Etel.

“Etel samahan mo akong mamili.” saad ko naman.

“Baka hindi po kayo payagan Lady Avyanna.” sagot naman niya.

Tumayo naman ako at kumindat. “Akong bahala.”

“Good afternoon, Your Grace.” bati ko naman sa kanya at nag bow sa harap niya.

“May kailangan ka ba Princess?” nakangiting tanong naman niya.

“Pwede po ba akong lumabas, gusto ko po sanang mamili. Huwag po kayong mag-alala isasama ko naman si Etel at si Sloan.” explain ko agad para payagan ako.

“P-pero.”

“Payagan mo na siya.” napatingin naman ako sa Duchess nang sabihin niya yun.

“Sige pero tatlong oras ka lang dapat doon.”

Napangiti naman ako ng todo nang pumayag siya dahil sa tuwa ko, napatalon naman ako at niyakap siya.
“Thank you Dad.”

Napatingin naman ako sa Duchess na masayang nagmamasid sa amin. “Thank you po.” halata naman na nagulat siya pero tumango rin siya at ngumiti.

“Alis na po kami.” paalam ko naman at kumaripas nang takbo palabas.

“Wahh, ang sarap naman nito.” tuwang-tuwang saad ko naman habang kumakain.

Tapos na kasi kaming mamili kaya naman inaya ko silang kumain.

“My Lady, sigurado po ba kayo na ibibigay niyo sa amin ang mga damit at pagkain na ito?” tanong naman ni Etel at halata sa boses niya ang tuwa.

“Oo nga, sige ka babawiin ko talaga yan dahil sa kakatanong mo.” pananakot ko naman sa kanya. “Isa pa, I already told you to call me Avy.”

“Sige na nga A-avy.” sagot naman niya kaya mas lumaki pa ang ngiti ko.

Tiningnan ko naman si Sloan at tinaasan ng kilay, bigla naman siyang nabilaukan kaya napatawa ako.

“Ikaw naman, call me Avy.” sinabi ko naman yun sa paraan na parang binibigyan ko siya ng command.

“Yes A-avy.”

Nagpumilit naman ako na sumama sa kanila nang ihahatid na nila yung mga pinamili naming pagkain. Napansin ko na ang linis-linis ng bayan, mapayapa rin at halos nakangiti lahat ng mamayan.
Pareho-pareho ang style ng mga bahay nila.

Sa tingin ko halos lahat ng tao rito ay nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Narinig ko rin na libre ang school at kung minsan ang Duchess mismo ang nagtuturo sa mga bata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ArstidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon