'Di ko alam kung paano sisimulan
Kung agad-agad ba na susundan
O 'di kaya'y matagal na pag-iisipan
Ako na ay naguguluhan.Magpakikilala na ako
Ang pangalan ko ay kurtney aliño
Pero mas kilala bilang kiko
Tagapagbigay tula at mensahe sainyo.Hilig ko ang pakikipagtitigan
'Di sa tao ngunit sa kalangitan
Napapansin ko kasi yung kagandahan
Sa liwanag man o kadiliman.Ako yung tipo ng tao na ganito
Palagi akong umiiwas sa gulo
Ayoko nalang kasi dagdagan, ang sakit sa ulo
Para bang kapag ganon nakalilito
Yung mga iniisip ko naghahalo-halo