2/22/22

21 0 0
                                    

Ika dalawampu't dalawa ng pebrero taon dalawanlibo at dalawampu't dalawa.

Sa araw na ito aking napagtanto
Na kapag tumitingin mula sa itaas ako'y nalulula nang husto
Sa bawat pagsulyap ko
Pakiramdam ko malalaglag ako
Ito ang ibang ibig sabihin ng takot ko na mahulog sayo

Ang sarap talagang makipagtitigan sa kalangitan
Mga mata mo na parang bituin, nagniningning sa kadiliman
Ikaw yung pangarap ko na suntok sa buwan
At kahit pa makita ko na ang bawat isda sa karagatan
Ikaw parin ang aking pagmamasdan
Ikaw ang pinapangarap kong pakasalan

Pag amin sayo ng aking nararamdaman ay palagi kong iniiwasan
Natatakot magsabi at nakakatakot na baka masira ating pagkakaibigan
Sigurado ako sa nararamdaman ngunit sa tuwing nakikita kita sa daan
Paa ko'y kusang umaatras, aking utak ay tila binabagsakan ng bulalakaw mula sa kalawakan
Nababaliw ako at naiisip na sa huli baka ako lang ay masaktan


Lahat yan nahihinuha ko
Para bang sa bawat hakbang patungo sayo
Mas lalong kumakabog yung dibdib ko
Ano ba itong nadarama ko nakakalito
Bakit ba kasi itinadhanang maging torpe ako

Isang daan.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon