Makipagbarilan ang libangan
CODM lang hindi totohanan
Kapag kasi naglalaro yung lungkot ko naiibsan
Pero bakit minsan,
Minsan laro pa ang dahilan ng aking kalungkutan
Ano nga ba kasi ang dahilan?
Kung hindi sunod sunod na talo iisa lang yan
Iniwan ako ng isang kaibigan.ML naman kapag nabuburyo
Pakikipagaway sa kalaban ang nais ko
Yung tipong sino mapikon talo
Pero bakit yung iba masyado itong isinasaulo?
Nasisiraan na ba sila ng ulo
O di kaya sila lang ay palong-palo.Paglalaro ng basketball ay trip ko noon pa
Pero hinay-hinay lang kasi bawal sumobra
Ako kasi'y may hika
Aking baga ay mahina
Kaya pakikipaglaro ng ganito sa tropa
Nililimita.Mahilig akong gumawa ng tula
Sa ganitong paraan lungkot din nawawala
Dito lang kasi ako nakakapag-pakawala
Ng galit, hinagpis, hinanakit at iba pa
At eto pa pala
Takot kasi akong magsabi kila mama at papa
Ayoko nalang din dumagdag sa iniisip nila
Kaya ayun... Sinasarili ko bawat problema.