Totoo ba yung narinig ko?
Mga sabi-sabing nagmula daw sa labi mo
Yung salitang ginagamit mo lang ako
At pagkatapos nun ano? iiwan moko kasi nakuha mo na kailangan mo?Sabagay...
Ayaw mo saakin kasi hindi tayo bagay
At hindi rin malaki aming bahay
Kayamanan 'di ko kayang ibigay
Tanging pag-ibig kaso ayaw mo ng tunayAlam mo ba na kapag may binibigay ako sayo
Kahit gaano man kalaki o kaliit to
'di ako napipilitan, galing yun sa puso
Pero parang yun pa ang mas gusto mo
Mga mamahalin tulad ng ginto
Hindi yung pagmamahal na todo.Nakaiinis yung mapagmataas mong kilay
Namimintas dahil sa kulay?
Nakasusura, nais mo lang ay materyal na bagay
Mabuti nalang matagal na kitang tinigilan kundi.. aasa ako hanggang matuyot aking laway.