Araw gabing lumalabas sa tahanan
Palagi nalang tumitingala sa kalangitan
Naghahanap ng makukunan
Makukunan ng isang magandang larawan
Na siyang magbibigay gaan saakin sa kalungkutang nararamdaman
Sa araw ng aking kaarawan nais kong iwan
Iwan ang taong minsan na akong inapakan
Damdamin ko na napaglaruan, dignidad ko na niyurakan
Maraming dahilan...
Kung bakit minsan gusto ko nalang lumisan,
Pumunta sa lugar na lahat ng problema'y aking maiiwasan
Kung saan di ako pagtatawanan
Kung saan ipapadama na ako ay parang buwan
Laging tinitingala't tinitignan
Kagaya ng mga nagniningning na tala sa kalawakan
Ang tanging Nais ko'y bigay nila ako ng kahit na konting karangalan
Para mabawi manlang ang kasiyahang nilamon na ng kalungkutan
Paunti-unti na akong nawawalan ng kasiyahan, nais ko ng kaunting kapayapaan
Tumitingala sa araw o buwan na nasa kalangitan
At baka sakaling maging ako naman ang titignan.