Chapter 24

24.4K 185 62
                                    

Daniel’s POV

 

“San nga tayo pupunta?” tanong ni Kath. Ang kulit talaga ng babaeng to! Kanina pa siya tanong ng tanong kung san kami pupunta. Excited? Di makapag-intay?

 

“Pwede wait lang? Malapit na tayo.” Sabi ko naman. Tumahimik naman din siya tumingin sa bintana ng kotse.

On the way kami ngayon sa pupuntahan namin. May unexpected gala kami ngayon.

Oh wait…

Baka iniisip niyo plinano ko to. Nagkakamali kayo. Ba’t ko naman gagawin yun?! Tss! Pero sige aaminin ko sinundan ko sila.

Hindi lang ako makapaniwala na sumama agad yung babaeng yun sa di niya pa halos kakilala. Halos 2 araw pa nga lang sila magkakilala sasama na siya agad kay Jerome? Diba?!

Flashback

 

Argh! Puyat ako. Pucha! Wala akong tulog. Ewan ko ba! Nababadtrip ako kay Kath at Jerome! Tss!

Pagkatapos naming magbreakfast at pagkatapos ng kakawindang na tanong ni lola, pupunta na sana akong kwarto. Matutulog ako kasi mamayang gabi gigimik ako. Naiirita lang ako kung nakikita ko si Kath at Jerome dito sa bahay. Tss!

Kabanas!

Papunta na sana ako sa may hagdan nung may narinig akong nag-uusap.

Teka pamilyar ah. Nung silipin ko di nga ako nagkamali, si Kath at Jerome nga! Hindi ko alam kung bat ako nagagalit. Siguro dahil….ewan! Basta gusto ko lang!

Pinakinggan ko lang ang pinag-uusapan nila.

“Uhmm…Kath, if it isn’t to forward for me to ask. I was wondering if maybe, labas tayo. Pwede kitang i-tour, I can be your tour guide. Pero kung hindi mo gusto, okay lang. I wouldn’t be offended if you say no.” biglang sabi ni Jerome sabay smile. Tss! Parang asong ulol lang!

Bigla namang natuwa yung babae. “Sure! Bihis lang ako.” Bigla niyang sabi.

Forbidden Pleasure (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon