Chapter 29

25.7K 223 96
                                    

Kathryn’s POV

 

“Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko. Jusko! Nakatowel lang po ako tapos na nandito siya sa loob ng kwarto ko. Ano na naman kailangan neto?

Pinagbabato ko si Dj ng kung ano mahawakan ko.

“Dinalhan lang kita ng food baka nagugutom ka na.” sabi niya habang ginagamit  yung kamay niya para panangga sa mga binabato ko.

Napansin ko iba ang tingin niya sakin. Para bang hinuhubaran ako. Oh shems! “Labas!” sigaw ko cover my chest using my other arm.

 “Aray! Eto na oh..lalabas na ako! Aish!” sabi niya habang palabas.

Nung tuluyan na siyang lumabas nagbihis na ko agad.

Bakit niya ko dinalhan ng food dito? Peace offering dahil sa ginawa niya sakin? Anong akala niya sakin madadala lang sa food? Tss!

Maling-mali yung ginawa namin nung New year's eve. Simula ngayon lalayo na ko sa kanya. Hindi na muna ‘ko makikipag-usap o titingin sa kanya.

Pagkatapos kong magbihis, kinain ko na din dinala niya. Mukhang masarap eh. Hahaha PG lang. Lalabas na sana ako sa kwarto hawak ko na yung tray, may biglang kumatok kaya binuksan ko na at lumamabas na din ako kaya nagkasalubong kami. “Oh Jerome!”

“Hey Kath.” Sabi ni Jerome ng mahina. Halata sa boses niya yung lungkot. Anyare dito? “Pwede ba tayong mag-usap? Saglit lang.” patuloy niya.

 

“Oo naman, tungkol san?” tanong ko

“About the new year’s eve and the…kiss.” Pagkasabi niya nun bigla siyang yumuko. Oh crap! Oo nga pala siya nga pala dapat yun. Aish! Kasi naman si Dj eh, pero okay na din yun—WAIT! WHAT? NO! “Tara sa garden.” Sabi niya. Nagnod na lang ako. Kinuha niya sakin yung hawak kong tray at pinadala niya sa maid nila.

Nung nakaupo na kami sa may patio garden chair, bigla na man siyang yumuko. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Nahihirapan ako kasi hindi ko pwedeng sabihin kung bakit ako umalis na lang bigla. “Uhm..Jerome.” binasag ko ang katahimikan. Tumingin naman siya sakin. “Sorry sa nangyari nung New year’s eve.”

Forbidden Pleasure (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon